Chapter 3

41 8 10
                                    

cry

verb

\ˈkrī\

: to produce tears from your eyes
often while making loud sounds
because of pain, sorrow, or other strong emotions

***

I really hate that guy. Namimikon talaga!

May nakita akong vase sa tabi ko kaya binasag ko ito. You're sick again. Lumalala nanaman ang sakit mo. Magbasag ka pa ng bagay.

Ngumisi ako at sinipa ang vase na nabasag na. I'm currently at the study room dahil iniwan lang naman ako ng magaling na si Harsel. Tumingin ako sa salamin na nasa harapan ko, namumula na pala ako sa galit. Bakit kaya hindi ko ito mapigilan? May mali ba talaga sa buhay ko? Bakit ako pa ang nakakaranas nito?

Sinabunutan ko ang buhok kong kanina pa nakatakip sa mukha ko. Yan kasi, magiging bruha na ako dito. Wala naman akong pakialam kung pangit ako, gusto ko lang na mawala ang salot na disorder na ito. Sinadya ba ng mama ko na mapasama ang kalusugan ko?

Buti nalang talaga at wala pa dito si ate, baka mapatay ko pa ang sarili ko kapag bumalik siya sa bahay. Papahirapan nanaman ako ng mga magulang ko. Ang ate ko namang kasi na pasipsip at sinasamantala ang mga araw na galit sa akin ang magulang namin. Ayaw kong umuwi siya, naiinis ako sa mukha niyang demonyo.

Saan naman kaya sumusulpot ang lalaking iyon?! Bakit ba ang tagal-tagal niya? Ang ganda lang ng umaga ko kanina sinisira niya lang.

Narinig ko ang isang mahinang pagbukas nang pinto at nakita ko ang nerd na nagulat sa nabasag ko.

"Anong ginawa mo sa flower vase?" Tanong niya at kinuha ang walis sa likod ng pintuan upang walisan ang kinalat ko.

"Ano bang problema mo?" Tanong ulit niya at hirap na hirap sa pagpulot ng malalaking bubog sa harapan ko.

"Ikaw ang problema ko!" I scolded him like I was going to kill him. Hindi ako mamamatay tao, sadyang magagalitin lang ako.

"Oh, please Sapphire." He pleaded dahil handa ko nanamang itapon ang libro ko. Sapphire! Pigilan mo ang sarili mo! Gusto mo bang ma-kick out? Lagot ka nanaman sa mga magulang mo, tatawa nanaman ang demonyo mong kapatid.

"S-sorry!" Saka nagmamadali na kumuha ng tubig upang lumamig ang ulo kong kanina pa nag-iinit at malapit na atang sumabog.

Umupo ako at in-on ang electric fan. Saka pinaypayan ko pa ang sarili ko. Curse you Sapphire! You're such an idiot.

"Chill!" Masayang sambit niya saka tinapik ang balikat ko na nasa tabi ko na pala si nerd. Paano pa siya nakakuha ng confidence na magsaya?! Nerd ba talaga siya?

"Hindi ka mukhang nerd." Dedmang komento ko sabay tanggal ng eyeglass niya. Sinubukan ko itong isuot at laking gulat ko nang mahilo ako.

"Tss. Ang slow mo naman, may sira yung mata ko kaya ako gumagamit." Natatawang sabi niya at tinanggal na sa mata ko ang eyeglass, oo nga naman Sapphire, ang bobo mo talaga.

"Ganun ba?" Napakamot nalang ako ng ulo ko, hoy! Wala akong kuto, may dandruffs lang.

Nakaisip ako ng ideya na pansagot sa kanya, wag mo namang ipakitang sobrang bobo mo na Sapphire! Teka, wala namang bobo sa mundo diba?
"Edi mag-contact lens ka!" Palusot ko sa kanya.

Kumunot ang noo niya, "Hindi ko alam maglagay ng contact lens, tsaka mas hiyang ko eyeglass. Ikaw? Bakit ka palagalit?"

Kunwaring nilalaro ko ang mga daliri ko sa tanong niya at nagbibingi-
bingihan, at sino namang nagsabing kailangan niyang malaman ang disorder ko?!

Fearless Fierce (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon