Chapter 8

27 6 25
                                    

interrupt

verb

in·ter·rupt

                          \ˌin-tə-ˈrəpt\

  

: to ask questions or say things while another person is
speaking : to do or say something that
 causes someone to stop speaking

***

"I'm not sure if I know how to smile."

He didn't expect what I said pero alam kong naguguluhan din siya, sino ba kasing tao ang hindi ngumingiti dito sa mundo? Siguro nga nonsense 'yung sinabi ko dahil siguro sa kaba na wala akong masabi pagkatapos niya akong bigyan ng sweet sentence kanina.

"People used to smile, imposibleng hindi mo alam." Lumapit pa siya sa akin at hinawakan ang mga pisnge ko.

Medyo kinabahan ako pero kalaunan ay itinaas niya ang gilid ng labi ko. His hand is soft and gentle, hindi marahas ang pagpilit niya sa akin kundi ay dahan-dahan. Nang matagumpayan niya iyon ay ibinaba na niya ang kamay niya at ako naman itong si makulit, hindi na muli ako nakangiti bagkus ay napasimangot ulit.

"Hindi ka ngumiti ngayon, pero sa susunod mapapangiti na kita."

Mas lalo akong sumimangot sa sinabi niya, he's trying to make me smile huh? Pero hindi ulit ako magpapatalo sa laro niya. Sisiguraduhin kong siya ang susuko sa huli. Kung kaya ko.

"You can't force me to smile." Wika ko habang inaalis ang kamay niya na nilalaro na ngayon ang buhok ko. Sana na lang pala hindi ko na siya seatmate. Kung anu-anong ginagawa niya sa katawan ko.

"You'll see." At sa wakas ay tinanggal na ang kamay niya na naglalaro sa buhok ko. Gusto ko sanang yayain si Jann na samahan akong manood ng movie sa mall mamayang hapon kaso, mag-oover time daw kami sa hapon sabi ni Harsel nung isang araw. Sana naman at pag-bigyan niya ako.

"Hey Harsel." Napabuntong-hininga ako nang makitang nakikipag-usap na naman siya kay Kiara. She's now blushing while Harsel is giving her a compliment. I forgot, sinabi pala ni Harsel na may gusto sa kanya si Kiara. Pero bakit parang naiinis pa ako?

Kinalabit ko si Harsel upang sabihin ang schedule namin mamaya. Buti na lang at tumingin siya sa akin at itinigil ang pakikipag-usap kay Kiara. Nasilip ko sa kanya na tinapuan ako ng masamang tingin. Is it a problem again? I don't care, sa akin muna si Harsel ngayon.

What are you saying Sapphire?

"Bakit?" Tanong niya sa akin habang inaayos ang salamin niya. Should I ask him? Baka naman magalit siya at isumbong ako sa teacher namin?

"Uhm, pwede bang next time na lang yung overtime natin mamayang hapon?"

Tumaas naman bahagya ang kilay niya, "Bakit?"

I was gripping at my skirt habang pinagpapawisan na, "I will ask Jann out."

His jaw dropped at hindi ako sinagot. Is there any problem if I ask Jann out? Bakit parang may mali kapag binabanggit ko siya? Hindi pa din niya ako sinagot at tinitigan na lang ang ballpen niyang nahuhulog na.

Pinulot ko ang ballpen niyang nahulog na at iniabot iyon sa kanya upang makapagsalita na din siya.

"So, payag ka ba?" Tanong ko ulit without glancing at him. What was his problem anyway?!

Kinuha ko ang tumbler ko at inip na inip na sa sagot niya. Baka naman mag-oover time kami ngayon? Pwede naman na i-move niya iyon. Ngayon lang kasi wala sila mama dahil may pinuntahan sila. Ayaw kong maabutan nila akong late na nakauwi.

Fearless Fierce (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon