Chapter 9

22 5 27
                                    

grumpy

adjective

\ˈgrəm-pē\

: easily annoyed or angered : having a bad temper or complaining often

***

"Kiara tumigil ka nga." Wika ni Harsel na ngayon ay nasa harapan na namin. Nagda-date sila? Bakit hindi sa akin sinabi ni Harsel kanina? Kaya pala pinayagan niya ako kanina kasi pati siya may date.

"Ay, tama naman kasi si Kiara. Diba Jann?" Pagpaparinig ko sa kanila habang nakapila pa din. Malapit naman na kaming umalis ni Jann dito at malapit na kami sa unahan ng pila. Bakit 'di man lang niya binanggit kanina? Tas nag-eemote pa nung binalita kong yayayain ko si Jann.

"Yup." Sagot niya habang kinukuha ang order namin. I grinned while looking at the food. Thank God, I'm so hungry. Kumukulog na ang mga bulate sa tiyan ko. Buti na lang at makakaalis na kami sa pwesto nila Kiara na nasa likod namin kanina.

"Nakahinga ako ng maluwag." Napatingin sa akin si Jann at napakunot-noo. Oo nga pala, hindi niya alam kung gaano ako naiinis kay Kiara.

"Bakit naman?" Tanong ni Jann sa akin. Still, hindi pa din niya alam kung bakit ganito ang inaakto ko. Hindi niya ba nahalata kanina sa mukha ko na naka-pokerface na nung nakita kong dumating si Kiara.

"Si Kiara kasi nakakainis." Pagkasabi ko nun ay nasamid niya ang tubig na iniinom niya. Buti na lang at hindi siya kumakain ng barbeque, baka natusok na niya ang lalamunan niya.

"Mukha nga, bakit naman?" Akala ko kasi 'di niya alam. Tas mukha pa daw siyang nakakainis. Kung pwede lang sanang ipakita 'yung mukha niya noh?

"Basta." Inaya ko na siyang ubusin ang kinakain niya dahil kanina pa nakatabi ang dalawang barbeque sa plato niya. Hindi na ako magdi-dinner nito dahil na-satisfied na ako sa kinain ko. Pag-uwi ko ng bahay mamaya ay didiretso na lang ako sa room ko at mag-shower sa cr na katabi lang nito.

"Paanong basta?" Pangungulit niya sa akin kaya medyo natarayan ko siya. Inubos ko ang juice ko at hindi siya sinagot. Seryoso?

"Basta, tanong ka ng tanong." Hindi na siya umimik at inubos na lang ang kinakain niya. Ang tagal kumain mama-.

"Sapphire! Pwede maki-join?" Hindi ko nilingon ang nagsalita dahil kilala ko na kung sino ito. Lumaki din ang mata ni Jann nang makita namin sila Kiara.

"Diba nga double date dapat ito! Jann pwede ba?" Nagpa-cute siya kay Jann na kala mo naman papayagan siyang makiupo sa amin. Ayaw ko siyang kasama!

"Sige." My jaw dropped when I heard what Jann said. What is he trying to say? Wala akong mood makipag-
eskandalo sa mall.

Ngayon ay katabi ko na si Jann at kaharap si Harsel. Ang awkward tignan nito kaya hindi masyadong makalunok ng pagkain si Jann dahil sinusubuan ni Kiara si Harsel. Nilalanggam na kami dito tapos out of this world pa 'yang dalawa.

Nakita kong medyo napasulyap sa akin si Jann at bigla niya din akong sinubuan ng pagkain. Ang problema nga lang, isinubo niya ang galing sa plato niya. Namumula na tuloy ako, nakakahiya!

"Masarap ba?" Tanong ni Jann tsaka ako kinindatan. Seryoso? Ano ba ang ipinapahiwatig niya? Nang manguya ko ang pagkain ay dahan-dahan siyang lumapit sa akin at may ibinulong.

"Sundin mo na lang ako, let's act like a real couple."

Bigla ko siyang sinapak kaya napangiwi siya at napatingin ang dalawa sa amin. Oh, I forgot! Masyado pa lang malakas ang pagkakasapak ko sa kanya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 10, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Fearless Fierce (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon