YOUR HIGHNESS - ONE

35 5 105
                                    

Seungcheol's P.O.V

"SEUNGCHEOL!"

"Oh?!" sigaw ko rin nang tawagin ako ng kapatid kong si Sanha. "Bakit ka ba sumisigaw, babae?"

"Kanina ka pa hinahanap ni Ate Jihyo. Kanina pa mainit ulo nun tapos sasabayan mo pa." pairap na sabi nya pa sakin bago ako paluin sa braso.

"Kasalanan ko bang mainit ang ulo nya? Malay ko bang hinahanap nya ko." sagot ko bago tumayo. "Asan ba?"

"Ma attitude ka talaga eno?" kunot noong sabi nya. "Nasa meeting place na. Andun na lahat ng groupmates natin. Ikaw nalang wala."

"Sana kasi may nag inform sakin na may meeting." sabi ko dahilan para samaan ako ng tingin ni Sanha.

"Oo na!" sigaw nya bago ako talikuran at naunang lumabas ng room. Sumunod naman kagad ako.

Minsan talaga hindi ko malaman kung sino ang mas matanda samin nung babaeng yun.

Mas matanda ako ng isang taon kay Sanha pero sabay kaming pinag aral ng mga magulang ko dahil nainggit 'yung kapatid ko at gusto raw kagad mag aral kaya heto! Pareho kami ng Section at Year.

Nang makarating ako sa field ay natanawan ko kagad ang mga kaklase ko na nakaupo sa ilalim ng puno habang nakapalibot sa isang lamesa.

"Baka naman gusto mong bilisan ang paglalakad, Mr. Choi Seungcheol?" nakapameywang na tanong ng president namin na nakatingin sakin habang nakatayo sya sa gilid ng puno.

"Bakit?" tamad na tanong ko pagkalapit ko sa kanya.

"Anong bakit? Alam mo ba kung anong oras na? Ilang minuto na kaming naghihintay sayo dito. Sana kasi marunong kang maki cooperate." inis na pahayag nito kaya natawa ko.

"Sana rin kasi marunong kang magsabi na may meeting. Sa dinami rami natin dito sa grupo na 'to wala man lang nagsabi na may meeting. Sorry ha! Hindi kasi ako nagtatanong." iritang pahayag ko.

Kung mainit ang ulo nya, wag nya kong idamay. Ganda ganda ng mood ko, sisirain nya.

"Wow ha! Ako pa may kasalanan? Ako pa?"

"Sinabi ko ba?" tanong ko rin.

"Kuya." awat sakin ni Sanha bago tumingin kay Jihyo na masama ang tingin sakin. "Ate. Wag na tayo mag away away dito. Ilang araw nalang ang natitira para ipresent ang group project, wala pa tayong nagagawa." dugtong pa nito.

Tumingin naman sakin si Jihyo ng masama habang ako ay walang emosyon na nakatingin din sa kanya.

"Sumusobra na kasi 'yang kuya mo eh. Pa importante." padabong syang tumalikod samin bago humarap sa mga groupmates namin.

"Kuya~" tawag sakin ni Sanha na tila nagmamakaawa na wag na patulan..

"Hindi ko talaga maintindihan 'yang kaibigan mo. Masyadong bossy. Akala nya nakakatuwa pa sya. Tsk." sabi ko bago tamad na umupo sa tabi ni Joshua Hong, isa sa kaklase at kaibigan ko.

Sa katunayan ay tatlo kaming magkakaibigan. Nasa ibang grupo kasi si Yoon Jeonghan kaya hindi namin sya kasama ngayon.

"Bro, mainit ang ulo ni President kaya wag mo muna patulan." ani nya kaya umiling ako.

"Wag kamo syang maarte." ani ko bago tumingin sa president namin na nasa harap namin.

Pareho kaming may experience sa leadership pero hindi ako kasi arte nya.

"So, simulan na natin ang meeting. May pagbabago sa performance natin dahil may isang member ang nawala which is si Loey nga." panimula nya at sandali pang natigilan bago tumingin sa papel na hawak nya. Ang mga groupmates naman namin ay nananatiling tahimik.

YOUR HIGHNESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon