JIHYO's P.O.V
Napabuntong hininga ako habang nakatingin sa labas ng classroom namin. Tanging ako nalang ang natira sa loob dahil ang ibang mga kaklase ko ay naglabasan na at nag break na habang ako ay hinihintay na tawagin para sa rehearsal ng graduation ceremony namin. Bukas na ang graduation pero hindi ako excited.
Kung tatanungin nyo kung asan si Sanha ay hindi ko rin alam. Nagmamadali kasi syang lumabas kanina at hindi man lang nag paalam sakin.
Si Seungcheol naman ay hanggang ngayon ay iniiwasan pa rin ako. Tinatry ko syang kausapin at tanungin gamit ang mga kaklase ko pero bigla nyang ililihis ang topic. Napapansin 'yun ng mga kaklase ko pero syempre wala naman silang pakielam samin.
"Ate Jihyooo~~" napatingin ako sa pinto ng classroom namin nang bigla pumasok si Hyuna.
"Wae?" tanong ko.
"Tara na daw sa Gym. Magsisimula na ang rehearsal." nakangiting pahayag nya kaya tumango ako bago tumayo at lumapit sa kanya.
"Andun na ba si Sanha?"
"Si Sanha? Hindi mo ba kasama kanina? Hinahanap ko rin eh." sabi nya kaya umiling ako.
"San na naman ba pumunta 'yung babaeng 'yun? May lahing kabute ba 'yun?"
"Parang sinasabi mo naman na may lahing kabute si Seungcheol." pambabara nya sakin kaya natigilan ako at tumingin sa kanya. "Okay okay! I'll stop mentioning him." natatawang pahayag nya.
Ayos lang naman na banggitin nya sa harap ko si Cheol wag lang nyang ikumpara sa weird na bagay. Ok! I admit. Pinagtatanggol ko sya. Happy?
"Ate Jihyo," napatigil ako sa paglalakad nang biglang may tumawag saking estudyante na base sa kulay ng lace ng ID ay isang freshmen. "May nagpapabigay po." inabot nya sakin isang kapirasong papel na may nakasulat na 'Hi gorgeous!'
"T-Thank you~" ngumiti ito bago umalis.
"Wow! Ate haa~~ may secret admirer ka kagad pagkatapos kang i reject ni Seungcheol." pag aasar nya sakin kaya sinaamaan ko sya n tingin.
"Sige! Ipaalala mo pang ni reject ako!" irap ko kaya natawa sya.
Alam nya ang nangyari about my confession kay Cheol. Si Sanha at Hyuna na lang ang pinagkakatiwalaan ko sa school na 'to. So, syempre kaibigan ko sila kaya ganyan mang asar. Pwede bang magtakwil ng kaibigan? Kidding.
"Jihyo!"
"Uhm?" napalingon ako sa isa pang estudyante na tumawag sa pangalan ko. Isa naman sya sa ka batch ko na nasa kabilang section.
"May nagpapabigay." may inabot syang maliit na papel na may nakasulat naman na 'How's your day?'
"Thank you~" sabi ko kaya tumango sya. Kumindat pa ito bago umalis kaya nakatikim pa sya ng hampas kay Hyuna.
"Langya 'yun. Babaero talaga." natatawang pahayag nya bago tignan ang nakasulat sa papel. "Hindi kaya galing 'yan kay Loey?" tanong nya.
"Huh? "
"Mukhang hindi ka pa nya gini give up ha." natatakang pahayag nya habang nag iisip. "Teka nga!" tumigil sya sa paglalakad kaya tumigil din ako.
