YOUR HIGHNESS - FIVE

19 3 46
                                    

SEUNGCHEOL's P.O.V

"Cheol~" napahinto ako sa paglalakad papunta sa cafeteria nang biglang may tumawag sa pangalan ko.

Paglingon ko ay umiiyak na Jihyo ang tumambad sakin.Ang mata nya ay pulang pula maski ang ilong nya dahil sa pag iyak. Lumapit agad ako sa kanya at hinawakan ang dalawa nyang braso.

"Jihyo? Bakit ka umiiyak?" tanong ko. Tumingin sya sakin at bigla nalang akong niyakap. Natigilan naman ako saglit at tila na estatwa sa kinatatayuan ko. Ang kamay ko ay hindi ko maigalaw dahil sa gulat.

"Cheol~" tawag nya muli sa pangalan ko at hinikpitan pa ang yakap sakin. Hindi ko alam kung yayakapin ko rin sya pabalik o ano.

"Jihyo." tawag ko sa pangalan nya habang nakatingin sa mga estudyanteng nakatingin samin dalawa.

"Umamin na sila sakin." biglang sagot nya. Napatingin naman ako sa kanya kahit hindi ko makita ang mukha nya dahil nga nakabaon ito sa dibdib ko.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Umamin na sila Kath and Cel sakin na sila ang may gawa nang aksidente last time." umiiyak na pahayag nya kaya natigilan ulit ako. Ang bilis naman mangyari ng kinatatakutan ko. "Hindi ko na alam ang gagawin ko." dugtong nya.

Hindi ko naman na napigilan ang kamay ko dahil kusa itong gumalaw para yakapin si Jihyo. Hinawakan ko rin ang likod ng buhok nya at dahan dahan itong pina pat.

Hindi ako makakuha ng magandang isasagot sa kanya. I'm not good at words kaya ayokong palalain ang sitwasyon sa mga sasabihin kong baka hindi nya maintindihan.

Ilang minuto ko syang hinayaan umiyak habang nakayakap sakin. Hindi ko na rin pinansin ang mga estudyante na napapatingin samin at ang iba ay mukhang kilig na kilig sa sitwasyon namin ngayon.

Wala namang nakakakilig.

"Jihyo." tawag ko sa pangalan nya at inilayo sya sakin. Hinawakan ko ang dalawang braso nya at pinaharap sakin. Walang lumalabas na kahit ano mula sa bibig nya ngunit patuloy pa rin tumutulo ang luha nya. Nakatitig lang sya sa kawalan kahit ako ang kaharap nya. "Look at me!" utos ko ngunit hindi sya sumunod.

"Park Jihyo!" inalog ko pa ang katawan nya para mapunta ang atensyon nya sakin.

"I-I'm sorry." ang tanging salitang lumabas sa bibig nya. Hindi ko alam kung ano itong nararamdaman ko. Sumisikip ang dibdib ko dahil sa itsura nya ngayon.

Dahil ba naaawa ka sa kanya?

Bumuntong hininga ako habang nakatingin na sya sakin. "East or West?" tanong ko.

"W-What?" tanong nya at tila gulong gulo sa tanong ko. Pinupunasan nya na ang mukha nya at pilit inaayos ang sarili. Inayos ko rin ang ilang hibla ng buhok na humaharang sa mukha nya.

"Sagutin mo nalang. East or West?"

"What are you trying to do?" tamad na tanong nya.

"East or West?"

"Seungcheol! I'm not i--"

"East or West?"

"Fine! East!" sagot nya at akmang tatalikod pero hinawakan ko kagad ang kamay nya.

"Alright! Let's go to East!" nakangiting pahayag ko. Aangal na sana sya pero hinitak ko sya palabas ng school namin.

YOUR HIGHNESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon