YOUR HIGHNESS - SIX

15 3 43
                                    

SEUNGCHEOL's P.O.V

"Kuya! Tara na sa Gym." napaangat ako ng ulo ko nang bigla akong tawagin ni Sanha.

Napatingin naman ako sa buong classroom at tanging ako nalang pala ang natitira. Mukhang napasarap ata ang tulog ko.

"KUYA!" Sigaw ni Sanha mula sa labas. Agad naman akong tumayo at kinuha ang bag ko para sundan sya.

Medyo lutang pa ko at nahihilo nang makarating kaming pareho ni Sanha sa Gym. Andun na ang mga kaklase ko at nagsisimula nang mag practice para sa project namin sa English, last day practice na kasi namin dahil bukas ay mag pe perform na kami. Pumunta kagad kami ni Sanha sa mga ka groupmates namin na nasa isang gilid ng Gym at malayo sa iba naming classmate. Malaki naman ang Gym kaya hindi magkakahalo ang mga sounds na ginagamit nang bawat team.

"Seungcheol!" napakurap naman ako nang kumaway si Jihyo sa harap ko.

"Oh? Huh?" alanganing tanong ko.

Nameywang naman sya sa harap ko kaya hinanda ko na ang sarili ko sa matinding sermon ngunit wala akong narinig mula sa kanya bagkus ay inabutan ako ng isang boteng tubig.

"Eh?" tanong ko dahil sa naguguluhan ako sa ginawa nya.

"Uminom ka muna ng tubig. Maganda 'yan sa katawan pag bagong gising. We'll start in 5 minutes." ngumiti sya sakin at inayos pa ang buhok ko na mukhang magulo ata sa paningin nya bago tumalikod at humarap sa iba naming ka grupo.

Natulala naman ako lalo bago tumingin sa boteng hawak ko.

What was that?

Ilang araw nang mabait sakin si Jihyo. Siguro simula nung dinala ko sya sa secret place ko. Siguro nagtataka kayo kung bakit secret place ko ang sementeryo gayon takot ako sa multo. Is just that hindi ako pumupunta dun ng gabi kasi takot nga ako. Pero nagtataka talaga ako kung bakit masyadong bumait si Jihyo sakin simula nung araw na 'yun. Hindi na mainitin ang ulo nya at lagi na syang nakangiti sakin.

Kapag tinatry ko naman syang asarin na hindi sya maganda ay tinataggap nya na. Joke.

Kidding aside, naninibago talaga ako at hindi ako sanay.

Nasaniban na ba sya ng mabuting espiritu?

"Cheol? Are you ready? Or do you need one more minute?" tanong ni Jihyo.

Look! She's not normal anymore? Is this her new normal? Heaven, wag nyo po munang kunin si Jihyo!

"SEUNGCHEOL!" Sigaw nya kaya tumayo na ko sa pagkakaupo ko at lumapit sa kanila.

"Ah dae! Simulan na natin." ani ko.

"Kailangan pang sigawan eh! Hindi madaan sa mahinahon na usapan." irap ni Jihyo sakin bago senyasan ang mga ka grupo namin na mag formation na.

Naalala ko 'yung sinabi ko kanina. Parang gusto ko na bawiin. Heaven, Kunin nyo na si Jihyo! Ngayon na po!

"KAJA!" Parang batang sigaw ni Sanha kaya humarap na ko kay Jihyo na nakatingin na pala sakin.

Nag magsimula nang i play ang napiling kanta na 'FOREVERMORE' ay agad akong sumeryoso at tinignan sa mata si Jihyo. Ipinatong nya ang kamay nya sa balikat ko habang ang kamay ko ay inilagay ko sa bewang nya.

YOUR HIGHNESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon