EPILOGUE

22 2 62
                                    

SEUNGCHEOL'S P.O.V

Nakasimangot ako habang nakatingin sa cellphone ko. Buong umaga na naman kasing hindi nagpaparamdam si Jihyo.

Well, alam kong tulog pa sya pero sumusobra naman na sya. Alas dose na ng tanghali at hanggang ngayon hindi pa sya gising?

"Hyung, masyado ng lukot ang mukha mo! Panget ka na lalo ka pang pumanget." sita sakin ni Wonwoo na kanina pa andito sa bahay namin.

"Eh kung palayasin kita? Wala ka bang bahay? Bakit ka ba laging andito?" inis na pahayag ko kaya nagpoker face sya bago ipakita ang cellphone nya na puno ng text ko.

"Eh sino ba nagpapapunta sakin dito para makipaglaro at gantihan si Ate Jihyo?" nakangising pahayag nya kaya sinamaan ko sya ng tingin at padabog na humiga sa sofa na nasa sala.

Tama naman sya lagi ko syang inaayang maglaro para hindi ko na rin isipin ang pagiging busy ng girlfriend ko.

"Kuya. Ano ulam?" napatingin ako ng masama kay Sanha na gulo gulo ang buhok habang suot suot ang malaking tshirt nya, mukhang kagigising lang nya.

Agad akong umupo at binato sa kanya ang unan na nasa gilid ko. "ARAY NAMAN! HINDI NAMAN TO ULAM HA!" sigaw nya sakin.

"MAG AYOS KA NGA MUNA BAGO KA BUMABA! HINDI MO BA NAKIKITANG MAY BISITA AKO?" Sigaw ko rin sa kanya dahil hindi ko gustong makita ng iba ang ganyang itsura ng kapatid ko. Mukha .. Tanga.

Tumingin naman sya kay Wonwoo na nakatingin din sa kanya bago umirap.

"Oh talaga? May bwisita ka pala? Paki ko?" mataray na pahayag nya bago tamad na pumunta sa kusina. Nakita ko namang iiling iling si Wonwoo ngunit nakangisi.

Napailing naman ako bago ulit tumingin sa cellphone ko na hanggang ngayon ay tahimik.

"ARRGH! KASALANAN MO TO SANHA!" Sigaw ko para marinig ng kapatid ko na nasa kusina pero wala akong nakuhang sagot.

Simula kasi nang bakasyon at pagkatapos namin grumaduate. Masaya naman kami ni Jihyo pero nung natuto syang manuod nung ano ba yun? Yung mga koreano? Kd? K-Drama? Basta ayun! Araw araw syang puyat at halos tanghali na gumising katulad ngayon.

Ayos lang naman sakin na manuod sya at i enjoy nya ang bakasyon bago pumasok sa college pero ang hindi ko lang maintindihan ay bakit mas marami pa syang oras sa mga oppa nya kaysa sakin? Eh mas gwapo naman ako sa kanila.

Ibig sabihin, hindi nya na ko mahal? No way! Hindi ko hahayaang mangyari 'yun.

"Gusto mo bang tawagan ko na?" natatawang sabi ni Sanha pagkalabas nya ng kusina. May dala syang isang baso ng kape at isang plastic ng tinapay habang ang bote ng chizwhiz ay nakaipit sa kilikili. Lumapit sya kay Wonu na nasa lapag at komportableng tumabi dito bago ipatong ang hawak sa lamesa. Sinenyasan nya pang kumuha si Wonu bago tumingin sakin. "Ano? Gisingin ko na ba?" tanong nya muli.

Ngumuso ako bago umiling. "Wag na! Baka mag away pa kami." sabi ko kaya nag kibit balikat nalang sya.

Kapag kasi ginising ko yun ay totoyoin na sya. Ako dapat ang galit sa kanya pero parang ako pa ang may kasalanan. Pag nagagalit naman ako ay hindi ko rin matagalan dahil paano ba magalit sa girlfriend mo na nagpapacute at nanlalambing kapag nagsisimula ka nang magalit? Minsan kasi kapag nag text yung gagamitan ka pa ng sandamakmak na emoji.

YOUR HIGHNESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon