JIHYO'S P.O.V
"Break muna!" ani ng teacher na nagbabantay sa rehearsal ng Graduation Ceremony namin.
Tumayo ako sa kinauupuan ko at gaya ng kinagawian ko sa tatlong araw ay inilibot ko ang aking mata upang hanapin ang taong gusto kong makita. Muli, ay ni anino nya ay wala.
"Ate Jihyo! Tara na sa canteen at kumain." pag aaya ni Hyuna sakin. Tumango naman ako.
"Hyuna!" tawag ko sa kanya habang naglalakad kami. Tumingin naman sya sakin. "Nagtext na ba sayo si Sanha?" tanong ko sa kanya kaya kumunot ang noo nya.
"Hindi pa. Hindi rin ba nag te text sayo?" nagtatakang tanong nya kaya umiling ako. "Bakit kaya hindi pumapasok 'yung magkapatid na yun? Next day na ang graduation ha." dugtong nya pa bago harapin ang cellphone nya. Mukhang makikibalita sya.
Napaisip naman ako.
Tatlong araw na hindi nag cha chat or nag te text si Sanha sakin maski si Cheol. Well, given naman na 'yung kay Seungcheol dahil hindi ko rin naman sya tinitext lalo na at kung hindi naman importante. Ang hindi ko maintindihan ay bakit maski si Sanha ay hindi nagpaparamdam?
May nagawa ba kong mali? Bukod sa medyo hindi ko sya maintindihan kapag nag ke kwento sya tungkol sa Kpop nya. Well, hindi sa hindi ako interesado. Tamad lang akong kilalanin sila dahil ang dami nila.
"Tinanong mo ba sila Jeonghan kung anong balita kila Seungcheol?" tanong sakin ni Hyuna kaya tumango ako.
Isa pa yung mga mokong na 'yun. Nung tinanong ko sa kanila si Seungcheol kung nag te text ba sakanila, aba! Sinungitan lang ako ng mga maattitute na nilalang. Bakit daw hindi ko tanungin ang sarili ko and i was like what did i do? Bakit ako?
Gusto ko lang naman makausap si Cheol pero mukhang wala akong makukuhang matinong sagot sa dalawa nyang kaibigan.
"Di ba si Seungcheol 'yun?" napatingin kagad ako sa tinuturo ni Hyuna. Palabas na sila ni Sanha sa teacher's office kaya agad akong naglakad palapit sa kanila. Dahil hindi naman ganung kalayuan ay narating ko rin naman kaagad. Hindi na sumunod si Hyuna dahil tinawag na sya ng iba naming kaklase.
"Cheol .. Sanha .." tawag ko sa kanilang dalawa. Napatingin sila sakin pero hindi katulad dati parang hindi excited si Sanha na makita ako.
What's wrong with her?
"Can we talk?" tanong ko sa mga taong nasa harap ko. Walang emosyon na tumingin sakin si Cheol.
"I'm busy." sagot nya at nilagpasan ako. Hinawakan ko kagad ang braso nya para pigilan sya.
"Cheol~"
Humarap sya sakin. "Kung mag ke kwento ka lang tungkol sa balikan nyo ni Loey o kaya kung manghihingi ka lang ng advice. Wala akong sa mood, okay?" mahabang pahayag nya bago tabigin ang kamay ko na nasa braso nya, napaatras naman ako ng konti.
"Hindi naman tungkol dun ang gusto kong sabihin sayo eh." inis na pahayag ko dahil ayaw nya kong patapusin.
"Please lang Jihyo! Wala akong sa mood makinig sa kadramahan mo ngayon, okay? Dun ka na sa boyfriend mo." pahayag nya na nakapagpakunot sa noo ko.
