YOUR HIGHNESS - TWO

28 4 75
                                    

SEUNGCHEOL's P.O.V

Masaya akong bumaba sa hagdan ng bahay namin nang dumating ang umuga. Ewan ko ba! Siguro ay dahil sa gwapo ako? Ha! Common na nga pala 'yun.


"Para kang tanga, Kuya." nawala ang ngiti ko at napatingin kagadp kay Sanha nang bigla syang umepal sa nanahimik kong umaga.


"Sino ka?" taas kilay na tanong ko sa kanya kaya inirapan nya lang ako bago ihagis ang papel na hawak nya. Dahil magaling akong sumalo ay nakuha ko kagad iyun. "Ano 'to?" nagtatakang tanong ko.



"Papel. Wag kang tanga!"



"YAH! CHOI SANHA! Sumusobra ka na ha! Kuya mo ko kaya matuto kang gumalang." sigaw ko.



"Ano tanong mo kanina? Sino nga ulit ako?" mapang asar na tanong nya kaya dumampot ako ng unan sa couch at akmang babatuhin sya pero agad syang nakatakbo palabas ng bahay.



Bwisit talaga yung babaeng 'yun eh. Bakit kaya hindi ko nalang sya ipinain sa aso kahapon? Tss.



Tinignan ko naman ang hawak kong papel at napangiti kagad ako.



"ASSA!" sigaw ko at masayang masayang tumakbo papasok sa kusina. Nagkataon na andun si Mommy kaya agad ko syang niyakap at pinudpod ng halik sa pisngi.



"Ano ka bang bata ka? Ba't ba tuwamg tuwa ka?" natatawang tanong sakin ni Mommy kaya humarap ako sa kanya bago ipakita ang test paper ko.




"Ehem~~ Mommy! Baka naman taasan nyo na ni Daddy ang allowance ko dahil nakapasa ako sa english test ko." tuwang tuwang pahayag ko kaya kinuha nya sa kamay ko ang test paper ko bago tignan.



Yumakap naman ako sa likod nya para tignan din ang pinagmamalaki kong score.


"Wow naman. Parang 5 points lang ang tinaas mo ha." sabi nya kaya napanguso ako bago humarap sa kanya.



"Mommy naman~ Pasado na kaya ako nyan." pagmamaktol ko kaya natawa sya bago hawakan ang magkabila kong pisngi.



"Ang bebeboy ko naman masyadong matampuhin. Oo na! Sasabihin ko sa Daddy mo na taasan ang allowance po basta keep up the good work, okay?" sweet na pahayag ni Mommy. Ngumiti ako ng malapad bago ulit sya halikan sa pisngi.



"Apaka swerte ko talaga sa Mommy ko. Maganda na, mabait pa! May gwapo pang anak."




"Naku! Ikaw bata ka nambo bola ka na naman. Ohsya! Anong oras na? Pumasok ka na. Magagalit na naman ang kapatid mo dahil ang tagal mong lumabas." pahayag nya.



Tumango naman ako bago kumuha ng dalawang pandesal sa lamesa at humalik ulit sa pisngi nya.



"Bye mom! I love you." pahayag ko bago tumakbo palabas ng bahay.

YOUR HIGHNESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon