YOUR HIGHNESS - THREE

19 4 69
                                    

SEUNGCHEOL'S P.O.V

"Oyy! Ayos ka na?" tanong ko kay Jihyo pagkapasok ko ng classroom namin at pinalo ng mahina ang braso nya. Umupo ako sa katabing upuan nya dahil wala pa naman ang teacher namin.

"Ah yes. Thank you kahapon ha saka pasensya na. Nag skip ka tuloy ng isang class dahil sakin." sagot nya bago ngumiti ngunit hindi abot sa mata. Inabot ko naman ang tuktok ng buhok nya bago ito guluhin. Napasimangot sya ngunit hindi umangal.

"Di ba sabi ko may bayad 'yun? Wala nang thank you ngayon maliban sa overtime." pagbibiro ko kaya pinalo nya kagad ako sa braso.

"Aray! Ganyan mo ba tratuhin ang gwapong katulad ko?"

"San banda? Hindi ka pasok sa standard ko." mataray na pahayag nya kaya nginisihan ko sya.

"Pakitaasan kasi ang standard mo. Masyadong mababa eh."

"Alam mo? Bwisit ka talaga enoh? Napakayabang mo! Akala ko ba naman tumino ka na. Ano nga ba aasahan ko sa isang Choi Seungcheol?" pairap na sabi nya na ikinatawa ko.

"May maipagmamayabang kasi ako." sagot ko bago tignan ang ginagawa nya kanina pa bago ako dumating. "Ano ba yan?" tanong ko.

"Papel! Wag tanga!"

"Parehong pareho kayo ni Sanha. Pasmado mga bibig. Magkaibigan nga kayo!" sabi ko at pinitik pa ang noo nga.

Hindi ko alam kung san ko nakukuha ang lakas ng loob ko ngayon para gawin ang mga bagay na 'yun kay Jihyo. Sabi ko nga, tinuturing ko syang kaibigan at sana ay ganun din sya sakin. Should i call her frinemy?

"Ang gara naman kasi ng tanong mo. Pang bobo!" sarcastic na sagot nya sakin sabay irap.

"Edi ano 'yang ginagawa mo?"

"Nagsusulat?" pahayag nya habang natatawa. Napa poker face nalang ako at akmang pipitikin ulit sana sya sa noo ngunit biglang dumating ang teacher namin.

Tumayo kagad ako para sana bumalik sa totoo kong upuan nang tawagin ni Ma'am ang buong pangalan ko.

"Choi Seungcheol!"

"Ma'am." alanganin akong ngumiti sa kanya.

"Bumalik ka kung san ka nakaupo kanina." utos nya kaya napakamot ako ng ulo ko.

"Babalik na nga po ako. Tinawag nyo lang po ang pangalan ko." sagot ko na puno ng pag galang at ginawa ang lahat ng makakaya ko para hindi ako mag tunog sarkastiko.

"Ang ibig kong sabihin. Bumalik ka sa tabi ni Jihyo."

"Bakit?" gulat na tanong ko kaya tinignan ako ng mga kaklase ko na parang hinihintay lang nilang bumagsak ako sa sahig. "I mean, bakit po?"

YOUR HIGHNESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon