YOUR HIGHNESS - FOUR

20 3 46
                                    

SEUNGCHEOL P.O.V

Dumating ang monday at pasukan na naman. Ito ang araw na ayaw na ayaw kong dumating dahil kailangan ko na naman pumasok pero ngayon ay maaga akong nagising at gumayak. Hindi ko alam kung bakit ang excited kong pumasok. Siguro dahil tapos na kami sa project namin sa Music and Arts. Isa nalang ang dapat problemahin, ang english project. Pag tapos nun, graduation na. Assaaaa~

Papito-pito akong bumaba sa hagdan ng bahay namin habang hawak ang portfolio kung san nakalagay ang mga nakuha naming pictures ni Jihyo nung nakaraan.

"Aba! Ang saya ata ng binata ko!" nakangiting pahayag ni Mommy kaya humalik muna ako pisngi nya bago umupo sa harap ng hapagkainan katabi si Sanha.

"Maganda lang ang umaga ko, Mommy. Tapos na kasi ang project ko." sabi ko bago balingan si Sanha na ang aga aga ay tulala. Ang eyebag nya ay kumakaway pa sakin. "Hi eyebag! Kumusta ka?" kumaway ako sa harap nang kapatid ko.

Humarap naman sya sakin ng dahan dahan na parang sadako ay tinignan ako ng masama. Napaatras ako dahil sa mukha nyang parang white lady.

"Jeogoshipeo?" mababang boses na tanong nya.

"EOMMAA!" Napatayo ako at nagtago sa likod ni mommy dahil sa itsura ng kapatid ko na parang sinapian ng masamang espiritu. "Mom. Ipa albularyo na kaya natin si Sanha? Sinasapian na sya." nag papanic na bulong ko kay Mommy. Tinapik naman nya ang kamay ko na nakalagay sa balikat nya.

"Ano ka bang bata ka! Wag mo ngang ganyanin ang kapatid mo. May problema 'yan kaya ganyan 'yan. Hayaan mo muna." sabi ni mommy. "Puntahan ko muna Daddy nyo. Kumain na kayo at pumasok." dugtong nya bago tumalikod.

Nanatili naman akong nakatayo dun at pinagmamasdan si Sanha na baliw. Dahan dahan akong lumapit sa kanya at tinusok tusok ang braso nya.

"O-Oy! Sanha!" tawag ko sa kanya habang dahan dahan ulit umupo sa tabi nya. "Ano problema mo?" tanong ko kaya bigla syang dumukdok sa lamesa at umiyak.

Nataranta naman ako dahil mukhang natuluyan na ang kapatid ko.

"Oyyy Sanha!"

"Kuyaaaaaaaaa!" ngawa nya bago tumingin sakin. Hindi ko alam kung matatawa ako o ano dahil sa itsura nya pero sigurado ako na kapag pinagtawanan ko sya. Hindi nya ko papansinin buong linggo.

"Bakitttt?" pang gagaya ko sa boses nya.

"Yung album ng Seventeen na dapat ay sakin, ibenenta sa iba! Ano na gagawin ko?." tanong nya sakin bago ulit umiyak ng umiyak. Napakamot naman ako sa ulo ko dahil sa babaw ng luha ng kapatid ko.

Hinawakan ko naman ang likod nya para pakalmahin sya.

"Edi bumili ka ulit." sagot ko.

"Kuya naman! Hindi mo kasi maintindihan. Alam mo ba kung gaano kahirap bumili ng album? At saka alam mo bang signed album 'yung binibili ko? Kuyaaaa! Limited lang ang mga 'yun. Mahirap kumuha ng ganun." paliwanag nya sakin na akala mo ay pinagbagsakan na sya ng langit at lupa.

YOUR HIGHNESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon