SEUNGCHEOL'S P.O.V
Masaya ang buong klase namin nang matapos sabihin samin na lahat kami ay pasado sa performance namin sa english. Kahapon natapos ang performance pero kanina lang inannounce ang grading. Masaya rin ako dahil for the first time ay hindi inapakan ni Jihyo ang paa ko which is lagi nyang ginagawa kapag nag pa practice kami.
Speaking of Jihyo.
"Sanha! Ate mo? Asan?" tanong ko sa kapatid ko na busy sa pag aayos ng gamit nya.
"Sinong ate?" tanong nya.
"Sino ba ate mo? Tanga lang?" sarcastic na tanong ko kaya inirapan nya ko.
"Tanga ka rin! Dalawa ang ate ko. Si Ate Hyuna at Ate Jihyo. Sino sa dalawa?" ma attitude na pahayag nya kaya inakmaan ko sya na babatukan pero naisip ko na baka lumalala ang pagka baliw nya kapag naalog ang utak nya.
"Si Ate Jihyo mo, asan?"
"Andyan lang 'yun. Baka kasama si Ate Hyuna." walang kwenta nyang sagot.
Napailing nalang ako dahil mukhang wala naman akong makukuhang matinong sagot sa kapatid ko.
"Kuya! Kain daw tayong halo halo dun sa tambayan." biglang pahayag ni Sanha kaya tumingin ako sa kanya na kasalukuyang nakatingin sa cellphone nya.
"Sino yan?"
"Si Ate Jihyo nagtext. Kita kita nalang daw tayo dun." sabi nya bago kunin ang bag nya at hatakin ako palabas ng room.
Gusto ko sana syang tanungin kung bakit sya lang ang tinext kaso naisip ko na baka maging big deal pa sa isipan ng magaling kong kapatid.
Pero kasiㅡ may number naman nya ko pero bakit si Sanha lang ang tinext nya? Ano yun? Tss.
Ano bang pakielam mo, Seungcheol? Baliw ka na talaga.
Wala akong kibo habang naglalakad papunta sa tambayan naming magkakaibigan kapag uwian. Minsan kasi ay napagkakasunduan naming magkaka klase na kumain sa isang bahay na nagtitinda ng mga merienda. Simpleng tindahan na nakatayo sa gilid ng isang patubig. Malapit lang ito sa school namin kaya nilalakad lang namin.
Pinagmamasdan ko lang si Sanha na naglalakad sa harap ko. Baka kasi madapa ito dahil sa kaka cellphone. Siguro ay naghahanap na naman ng updates sa mga koreano nya.
Napatingin din ako sa cellphone ko at nagbabakasakaling may nagtext pero ni isang message ay wala.
Ano bang problema ko ngayon? Wala naman akong hinihintay na text pero tingin ako ng tingin sa cellphone ko?
"Seungcheol!" bati sakin ni Jeonghan pagkarating namin sa tambayan.
"Dahil ang galing mo daw sumayaw kahapon libre mo kaming footlong." dugtong naman ni Joshua bago ako akbayan.
Pero .. Hindi sa kanila nakatuon ang atensyon ko dahil naagaw ito nang dalawang taong nag-uusap sa duyan hindi kalayuan samin.
"Magkasama silang dumating kanina. Nagulat din kami pero wala samin ang nagtatanong." ani Jeonghan habang naka akbay sakin.
