CHAPTER 5 : LET ME FIND YOU

19 4 0
                                    

Red's POV


"I really want to make you happy. Always.", I uttered these words before leaving Ice.


Hindi ko talaga mapigilang mapangiti kapag nakikita kong masaya si Ice na kasama ko.

I swear, it melts my heart seeing him in the happiest version of himself.


Parang bata na nakawala matapos makulong sa bahay ng ilang araw.

Paano ba naman?

Kahit saan ikot ng ikot, ako ang nahihilo sa mga pinanggagawa n'ya.


Masayang maglakad kanina,

Kahit malayo, sulit naman basta nakakasama ko s'ya.



How I wish na sana ganito nalang palagi.



Sana magtuloy-tuloy na at maging mas malapit pa ang loob namin sa isa't isa.

Walang iwanan hanggang sa dulo, 

Lalo na kapag nalaman na n'ya ang totoo.


I won't stop making you happy, Ice.

Because seeing you in your happiest, is also my greatest happiness.  




Ice's POV


Nandito ako ngayon sa library at mag-isa lang ako.

I want peacefulness kasi.

Walang ingay at walang maggulo,  

Pumipili kasi ako ng kantang gagamitin naming piyesa para sa Battle of the Bands.


Ayon naman sa criteria ng contest, pwede kaming pumili ng hanggang sa tatlong kanta na pwede naming idugtong-dugtong para gawing isang contest piece.

Since ako ang vocalist at leader ng grupo, ako ang pipili ng mga kantang gagamitin namin.

Tinanong ko naman lahat ng mga kabanda ko kung ano ang gusto nilang ma-susuggest na kanta, eh ako nalang daw bahala.

Syempre ako 'rin naman ang kakanta, so dapat comportable ako para maging maganda ang performance namin.

Hindi ko naman binabase sa sariling "comfort level" ko lang, dapat sakto lang rin sa mga kapasidad ng aking mga kabanda.



Isa-isa kong pinapakinggan ang mga kantang pinagpipilian ko.

Dapat kasi mabubusi ang pakikinig dito, bawat liriko at tunog ay dapat pinapakinggang mabuti. 


Patuloy lang ako sa pakikinig ng mga bawat awitin, nang may biglang kumalabit sa aking balikat.

'Nung una, di ko pinansin.

Pero di ko mapigilang mapikon sa patuloy na pagkakalabit ng kung sino man 'to.

Ang ganda na ng kanta eh, may papansin nga lang.

My Best Friend's GameWhere stories live. Discover now