CHAPTER 8 : PICTURE?

24 3 1
                                    

Ace's POV


"Nagtatampo ako sa'yo! This time, make this work... Miss na kita sobra.", I'm talking with Ice on the phone right now.

Damn, I miss this person so much.

Almost one week na kaming di nagkikita o nag-uusap, masyado kasi kaming busy sa kanya-kanyang naming buhay.

Especially me, araw-araw akong nagpa-practice sa banda kasi may gig na naman kami, which is ngayong gabi.


I called Ice, para pumunta at para makapanood ng performance namin and after that, mag-iinuman at magkukwentuhan.


"Opo, pupunta na po talaga ako... Sorry na, miss na din kita.", sabi n'ya.

Mabuti naman at marunong bumawi ang isang 'to.


I ended the call at agad ko namang sinend ang location nga bar na kung saan kami mag-peperform.


"Ace, hali kana, aalis na tayo.", tawag ni Christian sa akin na nasa loob na ng sasakyan.

Nasa loob na pala silang lahat at parang ako na lang ang hinihintay nila.


Dali-dali naman akong tumakbo papunta sa kanila at agad nang sumakay.


Gagalingan ko dapat mamaya, mahirap na baka mapahiya pa ako sa harap ni Ice. Malakas pa namang mang-asar 'yun.




Ice's POV


Agad kong tinext sina Red at Keisha na samahan akong manood ng performance nina Ace mamaya.


"Baka mag-iinuman naman mamaya? Okay, sasama ako... Baka kasi malasing ka at ano pa ang gagawin mo.", Red replied.

"Basta hatid mo ako pauwi mamaya luv ha? Sasama ako, baka maagaw ka pa ng ibang linta sa bar eh... See you!  :* ", Keisha's reply.

Hindi na akong nag-abalang magreply at dali-dali na akong naligo at nagbihis.



I want to bring dad's car, pero baka pagalitan ako,

at surebol gabi na kami makakauwi.



Naglakad-lakad ako palabas ng village at pumara ng taxi,

'dun kaming tatlo magkikita sa mall na kung saan palagi kaming pumapasyal.


Medyo natagalan ako sa pagbyahe, sobrang traffic halos 30 minutes akong na-stuck.

Sana mauunahan ko sina Red at Keisha, mahirap na baka mapagalitan. 

Ako na ang nag-set ng oras at location ng meet-up, tapos ako pa ang mahuli? Lagot tayo d'yan!


Pagkababa ko ay agad akong tumungo sa foodcourt para hanapin sila, 

And there, I saw Red sitting alone in the table.

My Best Friend's GameWhere stories live. Discover now