Red's POV
Naparami siguro ng kain si Ice, biglang nagpaalam sa amin na magbabanyo daw.
"Dalhin mo 'yan babe, umire ka lang ng todo ha!?", sabi ni Keisha sabay abot sa kanya ng wet wipes.
Kahit kailan talaga, napaka-OA ng taong 'yan. Sa CR lang naman pupunta si Ice akala mo sasali sa tournament para i-cheer. Yuck!
"Kakain ng todo tapos inodoro rin lang naman ang hahantungan mo, tsk!", sabi ko sa kanya at syempre masira ko ang ka-OA-hang sinasabi nila ni Keisha. Kontrabida at its finest!
He just smirked then tumakbo na agad papuntang CR.
Kakaalis pa lang n'ya at parang may nararamdaman akong ibang mangyayari sa kanya, I don't know. Pero alam mo yung feeling na wala pa ngang dalawang minutong nawawala s'ya sa paningin ko parang napapraning na ako.
Ewan ko ba, i'm just freaking concerned kapag s'ya ang pinag-uusapan.
Agad ko na s'yang sinundan papuntang CR, at napagdesisyonan ko na dito na lang sa labas maghintay.
I even heard him locked the door of his cubicle, so I didn't bother to go inside the comfort room.
Instead, kinuha ko na lang ang cellphone ko sa bulsa ko, tapos binuksan ang aking gallery.
Then hinahanap ko ang picture na ine-edit ko kanina pa.
Nung nakita ko na ang litrato, napangisi ako bigla. I can't help myself but to smile, everytime na nakikita ko ang larawang 'to. It's Ice.
He's so cute and adorable, he's like my dreams that really do came true.
Gusto kong gawing bagong wallpaper ang litratong 'to even though his picture is my current wallpaper in this phone.
Mas better 'to, napaka-genuine ng kanyang mga ngiti. It's a stolen photo of him eating streetfoods, tatlong kwek-kwek to be exact na sabay nitong sinubo making his mouth so full like a bunny.
I mean yes, it's just a simple photo, pero the thing that makes it more special is, ito yung time na first time naming magkasama and he's very happy kahit simple lang ang mga ginagawa ko para sa kanya.
I set it as my new wallpaper, since alam kong hindi naman s'ya nanghihiram ng cellphone. So, safe 'to.
I caught myself smiling as I turned off my screen.
Pero bigla 'kong napagtanto sa sarili ko na kanina pa 'kong naghihintay dito sa labas ng CR, ngunit 'di pa rin s'ya lumalabas.
Sa sobrang pagkabagot ko kakahintay, i decided to go inside and I don't know what to feel after what I saw.
I saw him talking with a stranger, ay hindi pala.
I know this person. He's talking with Aquilles, isa sa mga kilalang dancer sa campus at ayon sa mga chismis na naririnig ko, he's been to many relationships already. Relationships with different men.
Dahan-dahan akong pumasok sa loob ng CR at sumandal sa pader.
"Oo yan! Kaya di mo ako maaalala kasi madalas akong wala sa klase. Busy masyado sa kakasayaw sa school events hehe!", sabi n'ya kay Ice na parang proud na proud pa.
Pabibo amp.
I decided to cut-off their conversation and started to speak, "Matagal kapa ba d'yan? Kanina pa ako naghihintay sa labas oh!?", sabi ko sa kaniya causing them to look at me right away.
I saw Aquilles giving me a smirk, 'di ko na lang pinansin baka mabugbog ko pa 'yan ng wala sa oras.
Kitang-kita ko ang pagkaggulat sa mukha ni Ice, agad ko s'yang nilapitan sabay hawak sa kanyang braso at hinila palabas.
"Wait... Ano... Nice meeting you Achi!", pahabol n'yang sabi kay Aquilles bago kami makalabas ng CR.
Ice's POV
Nagpupumiglas ako sa pagkakahawak ni Red sa akin, sobrang higpit at parang galit na galit s'ya.
"F*ck! What's your problem!?", sigaw ko sa kanya sabay hila ng malakas ng aking braso dahilan upang mapabitaw s'ya sa pagkahawak.
He's staring at me, yung parang blangko na hindi alam kung ano ang gagawin.
"Di mo ba alam ginagawa mo? You're confidently talking with a stranger! Tapos ako kanina pa nakatunga-nga sa labas kakahintay sayo!", sabi n'ya sa akin.
Looking his at his facial expressions, parang nag-aalburotong bulkan. Galit na galit talaga s'ya. Hindi ko alam ang isasagot baka mas magalit pa sa akin.
"Sorry.", sabi ko kahit hindi ko naman alam ang ginawa ko at kung bakit galit s'ya sa akin.
I saw him changing his mood and he started to stare at me sadly.
"What?", dagdag ko.
"You know what Ice, i'm just protecting you from different kinds of danger. OA pakinggan pero, ayokong masaktan ka. Being close to you means a lot for me. I'm just concerned... I'm just... afraid of loosing you.", utal-utal na pagkasabi n'ya.
Tama, siguro may mali talaga akong naggawa.
What if mamamatay tao 'yun? o kaya baka pagtrippan ako ganon, mabuti na lang pala at dumating 'tong kaibigan ko. I'm pretty sure na concerned lang 'to sa mga pinanggagawa ko. I felt sorry sa mga ginagawa ko, hays.
"I'm sorry for making you worry. Hindi na po mauulit.", I replied.
"Tara na bumalik na lang tayo 'dun sa pwesto natin, magsisimula na sigurong maperform sina Ace.", dagdag ko.
He smiled bitterly.
Okay na yan, kahit papano nakangiti s'ya.
Umakbay ako sa kanya, dahilan upang mapatingin s'ya ng biglaan.
Niyaya ko na s'yang bumalik 'dun sa aming mesa, at agad naman itong sumang- ayon.
------------------------------------------------------------------------------------------------
Sana nagustuhan n'yo ang latest update na ito!
Keep on reading po and also don't forget to vote! Lablots <3
\ ( @ _ @ ) /
Madaming nagmamahal ka Ice ah, 'wag sanang masaktan si BIBI BOI NATIN.
#IceXRed is sailing! whoooooooooooo!
Who's next? WATCH OUT!
YOU ARE READING
My Best Friend's Game
Teen Fiction"No one can change a person, but a person can be a reason why people changes." He just laughed. I replied, "You know what's more even funny?" "Haha." Cold replies, what's new? "I have chosen you a thousand times, but f*ck I was nothing for you."...