Ice's POV
"Hoy Ice! Tara na, kanina pa kita hinihintay."
"Napakabagal mong kumilos, ano pa ba ang kinakalikot mo dyan?"
"IVAN CHARLES ELIXIR ALCAZAR PUTCHAAA BILISAN MO!"
Ang ingay naman ng pesteng to,
inaayos ko lang naman yung bag ko.
Nagmamadali kasi ang isang to.
Huwag niya akong itulad sa kanya na pagkatapos ng klase ilalagay lang ang mga gamit sa loob ng bag na kahit isang ayos di naggagawa.
Pupunta raw kase kami doon sa mall,
direcho lang naman ng arcade tapos sasayaw sa "Just Dance" surebol yan.
Dali - dali kong sinara ang aking bag at tumakbo nang mabilis para maabutan ang mokong to.
"Ano na Ace? Daig mo pa ang puwet ng manok sa kakaputak na yan."
Sabi ko sa kanya habang hingal na hingal sa kakahabol sa kanya
"Alam mo Ice sa ating dalawa, parang ikaw yung babae, masyado kang mahinhin gumalaw, Pagong ka? Ha!?"
Kung makaakbay 'to akala mo parang ang gaan lang ng mga braso.
"Nyenye porket mahinhin babae agad? Lalambot lang 'to pero malakas 'to sa mga chiks!"
Patuloy lang kami sa pag - uusap at pagpapasikat ng mga kanya - kanyang dapat ipagmalaki
"Ganda na ng Triceps ko, tingnan mo pero close your mouth bawal maglaway."
Nag fe - flex pa ang unggoy oh
"Triceps na yan? Oh, heto abs ko. Sundot lang ha? Bawal Himasin."
Syempre inangat ko naman ang uniform ko, kitang - kita ang mga pandesal ko
"Mama mo Abs!"
"Nyenye! Huwag pikon, para kang tae."
Patuloy lang kami sa pagbabangayan.
Mula sa paaralan nilakad lang namin papunta sa mall.
Nandito na kami sa wakas!
"Sir, pakibukas na lang po ng mga bag n'yo para mabilisan tayo."
Pagkatapos i - check ang mga bag namin,
Ayon na si Ace agad tumakbo papasok sa arcade.
Bumili agad siya nga mga tokens, este...
"Hoy! Bakit VIP Card binili mo? Aabutan tayo ng gabi sa kakasayaw lang jusko!"
Ayon parang bata tumatalon - talon pa habang pagkatapos i- swipe ang card sa machine.
Pumunta ako 'dun sa gilid ng dancefloor,
Sayaw daw kami, pataasan ng score at kung sino raw ang matatalo s'ya ang manlilibre ng pamasahe pauwi.
Kupal talaga.
Nakailang tugtog na ang sinayaw namin, di pa rin namin alam kung sino ang nanalo.
Madaya to eh, nakailang tugtog na kami at ako yung high score hindi raw counted.
Sira daw kasi ang machine, di s'ya nadedetect.
"Pisteng yawa! Pang ilang panalo ko na to, di pa rin ba counted? Adaya mo talaga Demiar!"
Naaawa na tuloy ako sa mga batang nasa gilid umuupo at nanood sa amin.
Kanina pa kasi sila naghihintay na matapos kami.
Eh gago talaga 'tong si Ace eh, swipe ng swipe umabot sa 105 minutes ang timer.
'Eto may natira pang 62 minutes, aanhin to namin? ite - take - out?
"Bigay mo na lang 'yan sa kanila, maawa ka naman. Kanina pa yan sila naghihintay na matapos tayo"
Aya ko sa kanya.
"Ayaw ko nga, di pa nga natin alam kung sinong nanalo. Sinong magbabayad ng pamasahe eh?"
Buwisit talaga 'to, ang daming rason.
"Ako na magbabayad, ako na ang papatalo para makauwi na tayo. Mag - aalas - otso na oh!"
Kinuha ko na ang aking bag at naunang lumakad palabas
"Hintayin mo nga ako! 'Eto naman eh, binibiro lang kita. Importante may magbabayad na HAHAHAHA!"
Agad naman s'yang humabol at tuwang - tuwa na umakbay sa mga balikat ko.
Nagbabantay na kami ngayon ng jeep sa labas
"Ice, may Battle of the Bands daw sa Foundation day. Hindi kami sasali ng banda ko pero maggu - guest performance lang kami. Nood ka ha? watch me play a song then tutulo laway mo."
Mapang - asar talaga to.
"Tutulo talaga laway ko sa'yo. Dahil sa ka mokongan mong yan? Jusko, kahit bumaha pa ng laway ko aber HAHAHAHAHA!"
Sumimangot s'ya bigla HAHAHAHAHA
Pumara na s'ya ng jeep.
Bago ako sumakay,
Biglang may naisip akong masayang plano.
That's it!
It's time to give back.
------------------------------------------------------------------------------------------------
Chapter 1 is out ! Thank you for reading!
Please vote for my story and continue to read the until the end!
\ ( ^ . ^ ) /
Character's Information :
Name: Ivan Charles Elixir "ICE" Alcazar
Age: 18
Sex: Male
Nationality: Filipino - Spanish (Father Side)
Talents: Stage Performer (Singer, Dancer, Theater Actor) and Musician (Bass Guitar, Ukulele)
Name: Ace Demiar
Age: 17
Sex: Male
Nationality: Filipino - American (Father Side)
Talents: Stage Performer (Dancing, Singing) and Musician (Keyboard, Drums)
YOU ARE READING
My Best Friend's Game
Ficção Adolescente"No one can change a person, but a person can be a reason why people changes." He just laughed. I replied, "You know what's more even funny?" "Haha." Cold replies, what's new? "I have chosen you a thousand times, but f*ck I was nothing for you."...