Red's POV
Nauna akong pumasok dito sa loob.
Maraming tao ngayon ah, maraming magkakagrupong nag-iinuman.
Paminsan-minsan dito rin kasi ako tumatambay, umiinom mag-isa, tapos masi-senti habang iniisip lahat ng mga problema gan'on.
Kainis! Wala akong mahanap na upuan.
Nauna kasi akong pumasok sa loob, ewan ko ba. Nakakairita ng mga tao sa labas.
Sinong hindi maiinis 'dun? Sa harap ko pa mismo naglalandian amp.
Alam ko namang miss na miss nila ang isa't isa pero please sana nilagay lang naman nila sa tamang lugar ang paglalandian. Lalandot tsk!
Sabagay, sumama lang naman talaga ako dito, hindi sa gusto kong manood ng banda ng hayop na 'yun, pero pumunta talaga ako dito para samahan at bantayan si Ice.
Mahirap na baka mag-isa lang s'yang uuwi mamaya at talagang maglalasing 'to. Napakadelikado, baka hindi makauwi ng kumpleto. Napakaraming katarantaduhan kasi sa buhay eh.
Ayoko ko panamang mapahamak s'ya.
"Uyyy Red, okay ka lang? Galit ka ba sa'kin?", bigla akong napatingin sa aking likuran.
Si Ice pala kasama si Keisha na parang kakapasok lang dito sa loob.
"Wala, naiinip ako 'dun sa labas mas gusto ko kasing pumasok na dito.", rason ko kahit hindi naman talaga totoo.
I'M F*CKING JEALOUS ICE!
Hindi mo ba talaga napansin 'yon?
I don't know why i'm jealous, siguro being his closefriend ayoko lang lumayo ang kanyang loob sa akin, baka kasi makalimutan n'yang kaibigan n'ya pala ako.
"Halika na sumama ka sa amin, may naka-reserve daw tayong upuan sa pinakaharap sabi ni Kuya Guard. Pinabibilin daw ni Ace.", he said proudly while smiling like a kid.
Tsk, 'pag si Ace talaga iba ang impact sa kanya, lakas maka-ngiti oh. Parang wala ng bukas.
Nandito na kami sa mesang nakareserba daw sa amin at sa nakikita ko, sobrang daming pagkain ang nakahain.
Hindi ko na talaga alam kung Bar ba talaga 'to o Restaurant?
Tuwing pumupunta ako dito puro hard drinks, liquors at kakaunting pampulutan lang ang meron, bakit ngayon parang may Fiesta? May special treatment ba kami dito?
"Ay sir, kain lang po kayong lahat d'yan. Si sir Ace yung nagpahanda ng lahat ng 'yan, kahit ubusin n'yo daw lahat kakabalot pauwi ayos lang daw.", biglang sulpot ng isang waiter sa gilid ni Ice.
Agad namang kuminang-kinang ang mga mata ni Ice sa mga pagkain na nasa harapan n'ya, knowing that kapag pagkain, di n'ya tatanggihan.
"Wow! Ang dami naman nito, mahal na mahal talaga ako ng bestfriend koooooo!", sabi n'ya habang kumukuha ng dalawang pirasong manok sa kanyang mga kamay sabay lamon.

YOU ARE READING
My Best Friend's Game
Novela Juvenil"No one can change a person, but a person can be a reason why people changes." He just laughed. I replied, "You know what's more even funny?" "Haha." Cold replies, what's new? "I have chosen you a thousand times, but f*ck I was nothing for you."...