Kingdom 5: Lapis Viridis

102 31 26
                                    

Chapter 5:

Uminom ako ng tubig na inabot ni Ate Isara. Nandito kami ngayon sa likod ng palengke. Nakaupo ako sa isang putol na puno at katabi ko naman si Briana.

Matapos ang nangyari kanina ay talagang kinilabutan ako. First time kong makakita ng taong blue-red ang kulay ng mata. Higit sa lahat, first time kong tutukan ng espada at muntik pa akong patayin! Talagang nag-jelly ace ang buong katawan ko sa nangyari.

Nawala ang pagiging palaban ko instantly. That was traumatizing. Feeling ko talaga bumalik ako sa 150 BCE. Iba pala feeling 'pag nakakita ka ng taong nakasuot ng pang-kawal na damit.

"Nako, Abi... Malaking gulo ang pinasok mo. Panigurado, hindi ka titigilan ng prinsipe." Napalingon ako kay Ate Isara nang magsalita siya.

Bakas sa mukha niya ang pag-aalala at takot.

"Sino po ba ang lalaking iyon? Bakit niyo siya kinatatakutan?" takang tanong ni Briana na hinimas-himas pa ang likod ko. Ramdam ko pa rin hanggang ngayon ang kilabot sa nangyari.

"Siya si Prinsipe Finous Grego, pangalawa sa tatlong magkakapatid." tugon ni Iskar na nakasandal sa isang puno malapit sa amin.

"Sila ang namumuno sa buong Visel," dagdag naman ni Ate Isara. "Hindi biro ang pinasok mo, Abi. Labag sa batas na salubungin ng tingin ang mga Hari at Reyna. Isa pa, si Prinsipe Finous ang pinakanakakatakot sa lahat ng magkakapatid. Siya ang tipo ng tao na hindi mo dapat banggain. Kung makakasalubong mo siya, hangga't maaari ay umiwas ka na. Hindi mo nanaising makasagupa siya. Lahat ng tao ay takot sa kanya. Kaya ka niyang patayin ng walang pag-aalinlangan."

"Tama! Para siyang dragon na sobrang nakakatakot. Sa awra pa lang niya ay kikilabutan ka na," dagdag ni Iskar.

"Talaga?" Nanlaki ang mga mata ni Briana saka tiningnan ako. "Kailangan na ba nating magtago?"

"Nararapat lang," tugon ni Ate Isara. "Nasisiguro kong hahanapin ka muli ng prinsipe. Kapag nangyari iyon, nasa alanganin na ang buhay mo. Siya ang tipong hinding-hindi makakalimutan ang buong parte ng katawan at mukha mo. Lokohin mo na ang lahat huwag lang siya."

"Shocks! Edi kailangan na pala talaga naming bumalik sa amin! Baka mapahamak lalo si Abi kapag hindi pa kami nakakauwi sa mundo namin!"

"Paano ninyo magagawa iyon kung hindi niyo alam ang daan pabalik?" komento ni Iskar.

"Babalik kami doon sa Gubat ng Kamatayan!"

"Babalik kayo?" Biglang natawa at ngumisi si Iskar. "Kung babalik kayo ay mas mabuti nang magpakita na lang kayo sa prinsipe tapos hayaan siyang patayin kayo. Mas magandang plano iyon kaysa magpakain sa mababangis na hayop sa Gubat ng Kamatayan."

"Nang-iinis ka ba?!" singit ko saka sinamaan siya ng tingin. Gusto niya yatang masipa. Natatakot na nga ako dumagdag pa siya.

"Binibining Abi, suhestyon ko lamang iyon. Saka nagsasabi naman ako nang totoo," ngisi niya.

"Tama na iyan... Ang mabuti pa bumalik na tayo sa bahay baka ipahanap ka na ng prinsipe," saad ni Ate Isara saka tinanggal ang manipis niyang scarf. Isinuot niya iyon sa ulo ko.

Nagtatakang tiningnan ko siya.

"Para saan ito?" takang tanong ko habang hawak ang scarf.

"Para sa kaligtasan mo. Paniguradong pagtitinginan ka ng mga tao kaya kailangan mong ikubli ang iyong mukha."

Nagpamauna siyang naglakad na agad namang sinundan ni Iskar. Nagkatinginan muna kami ni Briana bago sumunod sa kanila.

"Do you think they are telling the truth? O baka naman tinatakot lang nila tayo?" bulong sa akin ni Briana na nakapulupot pa ang kamay sa braso ko.

JOURNEY TO THE VISEL KINGDOM (#JHP_WRITER)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon