Kingdom 3: First encounter.

119 36 35
                                    

Chapter 3:

"Abi... Abi, wake up!"

Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata sa narinig. Unang bumungad sa akin ang mukha ng nag-aalalang si Briana.

"Abi, ayos ka lang?" muling tanong niya.

Kumunot lang ang noo ko saka bumangon. Hinilot ko ang aking sintido at saka inilibot ang paningin sa paligid.

"Where are we?" I asked curiously nang mapansin na nasa isang gubat kami na hindi pamilyar sa akin.

"I don't know... Pagkagising ko, nandito na tayo."

Takang nilingon ko siya saka tumayo. Agad naman niya akong inalalayan. Muli kong inilibot ang paningin sa buong paligid.

Maraming mga nagtataasang mga puno rito. Ang mga halaman at damo ay doble ang laki kumpara sa mga natural sizes na ito. Hindi mahangin ang lugar pero malamig. Abot dito ang mababangong halimuyak ng mga bulaklak na hindi ko alam kung saan nagmula. Nakakapagtaka ring kumikislap ang mga puno kahit wala namang araw na tumatama.

Sa madaling salita, may kakaiba sa paligid!

"Where are we?"

Napalingon ako sa nagsalita. Si Cheska.

Kunot-noo siyang bumangon na agad namang dinaluhan ng isa pa naming kasama na si Sunday. Sobrang gulo ng buhok niya, tanda ng pagsabunot ko. Nang malibot niya ang kanyang paningin ay kumunot ang noo niya.

"What is this place?"

"I don't know... But one thing is for sure, wala tayo sa Isla," tugon ni Briana dahilan para mapatingin kami sa kanya.

"What?!"

"Guys!"

Napalingon kaming lahat nang may taong tumatakbo papunta sa direksyon namin. To my surprise, it is Niferson.

Hingal na hingal siyang dumating at pawisan pa. Akala mo nag-jogging.

"Good thing you're all awake," hinihingal na sambit nito.

"Saan ka galing?" maarte at nagtatakang tanong ni Cheska sa kanya.

"I am looking for our blockmates. But I've seen no one. Isa pa, hindi isla ang kinaroroonan natin. We are in another forest!"

Napasinghap ang mga kasama ko sa narinig.

"Seriously? Is this some kind of a prank?" iritadong tanong ko.

"I hope so... But in reality, it is not. Nasa ibang lugar tayo, Abi. At hindi ko alam kung anong lugar ito."

"There's even no signal!" dagdag ni Briana na nakatingin sa cellphone niya.

Dali-dali akong lumapit sa kanya saka tiningnan ang cellphone niya. Doon ko napatunayang wala ngang signal dito, kahit one bar ay wala!

"What the fudge?! How did we even get here in the first place, huh?!" maarteng tanong ni Cheska na sinubukang humagilap ng signal sa cellphone. "How can we even call our friends?!"

"Uh, guys... I think, it has something to do with the stone." Napalingon kaming lahat kay Sunday dahil sa sinabi nito.

Bakas sa mukha niya ang kaba at pag-aalala.

"He is right," sang-ayon ni Briana. "We are in a cage, right? Then you and Cheska fought. That's when the stone sparkled and sucked us all. It's like, parang may magical something na nangyari. And then in one blink, nandito na tayo."

"Oh my gosh! D-Don't tell me...?" Biglang nanginig sa takot at pagkagulat si Cheska. Napairap lang ako sa kaartehan niya saka nilingon si Briana.

"Seriously? Nagpapaniwala kayo sa mga magic? Mga baliw yata kayo, e," iritadong komento ko.

JOURNEY TO THE VISEL KINGDOM (#JHP_WRITER)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon