Kingdom 6: Arbusto

103 32 35
                                    

Chapter 6:

"Briana! Let's talk!"

Dali-dali kong hinila si Briana sa isang tabi. Nandito kami ngayon sa kubo nina Ate Isara at ilang minuto na lang ay aalis na papunta sa pesteng Gubat ng kamatayan.

Mula nang malaman namin ang tungkol sa bato kahapon ay naging pursigido silang mahanap ito.

"What is it, Abi?" seryosong tanong ni Briana saka sinulyapan ang sina Ate Isara na naghahanda ng mga gamit papunta sa Gubat ng kamatayan.

"Are you really sure about this?" I asked. "Like, hello? What if hindi naman pala ang green stone ang daan pabalik, 'di ba?"

"Abilyn Grace Morez." Huminga siya nang malalim bago ako tingnan sa mata. "If you don't want to join us, just say it. We are not forcing you."

"Don't you ever dare to say my whole name again, Briana Tolris!" banta ko sa kanya. Tiningnan niya lang ako. "Alam mo... Baka may iba pa namang paraan para mahanap ang bato at makauwi sa atin. We don't have to go to that freaking forest. Alam mo naman kung gaano kadelikado ang lugar na iyon, 'di ba? And going back there is a ridiculous decision!"

"Abi, stop being so arrogant! We don't have any other choice! Oo, delikado nga roon. Pero paano kung nandoon lang pala ang bato? Sige nga?"

"I am not arrogant!"

"Sige, kung may iba ka pang alam na choice hindi na tayo tutuloy sa gubat. Sabihin mo sa akin, may iba ka bang naisip?"

"Wala pa but still—"

"See?" Umatras siya nang bahagya sa akin. "Wala kang ibang naiisip na paraan. And as of now, ito pa lang ang naiisip natin na paraan."

"So talagang gagawin mong career ang pagiging Dora the Explorer?" inis na tugon ko.

"Abilyn—"

"Fine! Sige, pupunta tayo sa gubat na iyon. But don't expect na sasama ako sa inyo sa loob!"

Tinalikuran ko siya pagkatapos. Naiinis ako. Sobrang naiinis ako sa sitwasyon.

Bakit ba kasi kailangan pa naming bumalik sa gubat na iyon? E, nakakatakot nga doon, e! Bwisit!

Mas lalo ko pang kinaiinis ang isiping sa lahat ng taong mapupunta rito ay kami pa! Ako pa! Argh! Kairita!

Napaupo na lang ako sa isang bato sa gilid ng kubo. Nag-aayos pa lang naman ng mga gamit ang magkapatid kaya pakakalmahin ko muna ang sarili ko baka makasakit ako ng tao kapag sumabog ako.

Nakatanaw ako kina Ate Isara nang bigla kong makapa ang sling bag sa ilalim ng damit ko. Dali-dali ko itong kinuha at binuksan. Unang bumungad sa akin ang mga candies and chocolates ko. May White rabbit, Choco-choco, Max, at isang mentol candy.

Next one is ang mga barya ko saka mga makeup. Narito rin ang maliit na wallet ko na naglalaman lang ng dalawang 100 saka ang silver clock necklace ko.

Napabuntong-hininga na lang ako. Anong silbi ng mga ito? Wala man lang akong nadala na cellphone. Kinuha kasi ni Papa, e.

"Abi, tayo na!" tawag ni Ate Isara.

Dali-dali kong binalik sa ilalim ng damit ang sling bag at tumayo.

Okay, ang pangalawang kalbaryo ay magsisimula na naman. Hay buhay!

***

Halos apat na oras ang inabot namin bago makarating sa Gubat ng kamatayan. Grabe, hindi ko ini-expect na ganito pala kalayo ang lugar na pupuntahan namin. Kawawa ang mga alagang Usa ni Iskar. Paniguradong napagod kakahila sa kariton na sinasakyan namin.

JOURNEY TO THE VISEL KINGDOM (#JHP_WRITER)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon