Chapter 9:
Nagsimula na kaming maglakbay sa pangunguna ni Prinsipe Finous. Siya raw kuno ang lider namin. Nasa unahan siya at nasa pinakalikuran naman kami.
Ayaw kong tumabi sa kanila kasi iniiwasan ko siya. Mahirap na baka totohanin niya nga ang banta sa akin.
Hindi ko alam kung ilang oras na kaming naglalakad pero keri pa lang naman ng powers ko. Hindi rin ako puwedeng magreklamo dahil baka saksakin ako ng prinsipe.
"Matanong ko lang, bakit nga pala dragon ang tawag kay Prinsipe Finous ng mga tao? Naalala kong iyon ang tinawag sa kanya noon sa palengke," bulong ni Briana kay Ate Isara. May sukbit siyang isang pana at palaso. Iyon ang pinili niyang dalhin.
"Para kasi talaga siyang isang dragon. Matapang saka masyadong seryoso sa lahat ng bagay. At higit sa lahat, nakakatakot lapitan dahil sa awra at ugali. Walang sinasanto ang prinsipe. Pumapatay siya ng tao anumang oras niya gustuhin," tugon ni Ate Isara na may hawak na espada.
"Maihahalintulad talaga siya sa isang dragon lalo na kapag galit, para siyang bumubuga ng apoy," dagdag ni Iskar na may pag-acting pa, halatang nang-aasar. Espada rin ang dala niya saka isang tirador na isinabit pa sa kanyang leeg.
"Bakit? Nakita mo na?" tanong ko.
"Hindi pa pero laman siya lagi ng balita," ngisi niya.
Napasinghal lang ako sa kanya. "May pagka-Aling Marites ka rin pala, 'no?"
"Aling Marites? Sino iyon?" takang tanong niya. Oh, I forgot. Hindi pala nila alam ang mga bagong usong salita.
"Ibig kong sabihin, mahilig kang sumagap ng balita."
"Huwag niyo nang pangarapin na masaksihan ang ganoong pangyayari mula sa prinsipe. Baka hindi na kayo makatulog." Halos mapatalon kaming apat sa gulat nang magsalita ang isang chubby na lalaking nasa unahan lang namin.
He is wearing the usual outfit for armor in their kingdom. Kulay orange ito pati na ang hat na may balahibo. Tansya ko'y nasa 27 pataas ang edad niya. May maliit din siyang peklat sa dulo ng ilong. But he has a bubbly face.
Ngumiti siya sa amin saka sumabay ng lakad.
"Kumusta? Ako nga pala si Kariko Mulabi, laging tapat sa tungkulin at maaasahan mong lagi!" masiglang wika niya at may pa-strong arm action pa.
"Ikinagagalak ka naming makilala, Kariko. Ako si Isara at siya naman ang kapatid ko, si Iskar."
"Napakagandang pangalan! Tugmang-tugma sa isa't isa bilang magkapatid!"
"Salamat." Ngumiti si Ate Isara sa kanya.
"Nga pala, may tanong ulit ako. Bakit ganoon ang kulay ng mata ni Prinsipe Finous?" Muling bulong ni Briana.
"Dahil isa siyang katangi-tangi!" masiglang tugon ni Kariko. "Sa pagkakaalam ko, ang kanyang mga mata ay isang gantimpala na ipinagkaloob ni Albana mula sa kanyang ina."
"Gantimpala?"
"Oo, gantimpala. Ayon sa mga balitang naririnig ko sa loob ng kaharian, habang nagdadalang-tao ang reyna ay muntik na itong makunan sa hindi malamang kadahilanan. May iba ring nakapagsabi na totoong namatay ang sanggol sa loob ng tiyan. Ngunit isang himala ang nangyari kung kaya't muli itong nabuhay saka—"
"Sinabi ko bang magkuwentuhan kayo?"
Napahinto kaming lima nang may magsalita sa harapan.
Si Prinsipe Finous. Nakahinto na pala silang lahat at nakatingin na sa amin. Masama ang tinging ibinibigay ng lalaking mukhang dragon sa aming lahat.
BINABASA MO ANG
JOURNEY TO THE VISEL KINGDOM (#JHP_WRITER)
Fantasía[JHP WRITER WINNER.] [Star Awards 2020 Winner] **** Isa sa di makakalimutang pangyayari ang Island Hopping. Isang mahiwagang bato ang siyang nagdala sa limang magkaklase na sina Abilyn, Briana, Cheska, Sunday at Niferson tungo sa kabilang mundo ng V...