Chapter 7:
Hindi ko alam kung nakailang beses na akong napasabi ng salitang "wow". Ang ganda kasi talaga ng lugar. Sobrang nakakamangha. Minsan lang ako mag-appreciate ng isang bagay at talagang worth it ito!
Pagdating naman sa isang City ay todo lingon kami ni Briana sa bawat building at lugar na nadadaanan namin. Lakas maka-London feels ng lugar! Dedma na nga namin ang mga taong pinagtitinginan kami, e. Samantalang ang dalawang magkapatid, ayun, todo yoko na.
Nalagpasan na namin ang isang malaking tulay. Lalo tuloy nangawit ang bibig ko sa kaka-wow nang biglang magbukas ang isang dambuhalang gate sa harapan.
Unang bumungad sa akin ang isang malaking fountain sa gitna na may mga malalaking estatwa ng tao, ibon, bato, at kabayo. Puno rin ng bermuda grass ang lupa. Sa unang bahagi ng malaking fountain ay may isang orange carpet ang nakadisplay papasok sa isang malaking building.
Maya-maya lang ay huminto na ang sinasakyan namin at pinababa kami.
Muli kong inilibot ang aking paningin sa buong paligid. Maraming mga kawal ang nakatambay kung saan-saan. Maaliwalas din ang paligid at ang daming ibon na lumilipad.
So, this is a Visel Kingdom, huh?
Agad kaming kinaladkad ng mga kawal papasok sa isang building. Naglakad kami sa isang mahabang hallway na may carpet. May mga malalaking chandelier ang nakasabit dito. Sa bawat pader naman ay mga lampara nakasabit na gawa sa apoy. Puno rin ang paligid ng mga vine tree design na pinaghalong green, violet and red ang colors. Namangha ako sa nakita. Ang ganda ng pagkakagawa.
Feeling ko tuloy mamamatay na ako mamaya kaya pinasulit na sa akin ang pagkakataong makakita ng magandang lugar.
Paglagpas ng hallway ay bumungad sa akin ang magandang lugar ng isang throne room. Malawak ito. May mga green flags sa bawat gilid na puro ibon at espada ang drawing. May orange carpet pa rin sa gitna at sa dulo nito ay nakatayo ang limang trono.
May tatlong lalaki ang nakatayo roon. Sa pinakagitnang upuan ay may isang matandang lalaki ang nakaupo. He is wearing a black Retro Men Suit Vintage ancient royal togae with a medieval coat vibes. May katabi siyang isang gwapong lalaki nasa 25 pataas ang edad. He is wearing a red Victorian Gothic Coat vibes. They are like royals.
Sa harap naman nila ay nakatayo ang isang matandang lalaki na nasa around 50's ang edad. He is wearing a color orange armour suit with an ancient hat na may orange feather pa.
Paano ko nalaman ang mga damit nila? Well, mahilig ako mag-aral sa mga royal dresses.
Nag-uusap silang tatlo. Nang makita kami ay napahinto sila.
Pagdating sa gitna ay agad kaming pinuwersang paluhurin ng mga kawal. Todo yoko naman ang ginawa ng dalawang magkapatid, samantalang nagtataka lang kami ni Briana.
"Kamahalan." Yumuko ang kawal sa harapan.
Gulat akong napatingin sa dalawang tao na nakatingin sa amin sa harapan. So, legit na royal family nga sila? Is he a King?
"Sino ang mga iyan?" seryosong tanong ng matandang lalaki habang nakatitig sa aming apat. Hindi naman nakakatakot ang awra niya pero halata ang pagiging dominante at awtoridad sa kanya. Kapansin-pansin ang maputi niyang balbas.
"May nilabag po silang batas, Mahal na Hari," nakayukong tugon ng kawal.
Nanlaki ang mga mata ko. So, I am really seeing a King!
"Anong batas?" seryosong tanong nito. Malalim ang boses niya, buong-buo.
"Habang iniinspeksyon ang lugar, nakita po namin silang pumasok sa loob ng Arbusto."
BINABASA MO ANG
JOURNEY TO THE VISEL KINGDOM (#JHP_WRITER)
Fantasía[JHP WRITER WINNER.] [Star Awards 2020 Winner] **** Isa sa di makakalimutang pangyayari ang Island Hopping. Isang mahiwagang bato ang siyang nagdala sa limang magkaklase na sina Abilyn, Briana, Cheska, Sunday at Niferson tungo sa kabilang mundo ng V...