Chapter 8:
"Isang misyon na hanapin ang nawawalang Lapis Viridis."
Napakurap ako sa sinabi niya saka kami nagkatinginang apat. Halata ang gulat sa mukha namin lalo na sa magkapatid. Hindi ito ang inaasahang maririnig ko mula sa Hari.
"Ano?! Mahal na Hari, tama ba ang naririnig ko?! Isasali mo sa grupo ang mga taong iyan?!" bulalas ng lalaking malaki ang galit sa akin. Sa pagkakatanda ko ay Prinsipe Finous ang pangalan niya.
"Ayaw mo ba?" baling ng Hari sa kanya.
"Hindi maaari, Ama! Malaki ang kasalanan sa akin ng babaeng iyan! At nararapat lang na patayin siya!" sigaw niya sabay gigil na tinuro ako.
Nanlamig ako bigla. So, talagang pursigido siyang patayin ako? Hindi pa siya nakaka-move on?
Nagpalipat-lipat ang tingin sa aming dalawa ng Hari. Nagtataka yata siya kung anong mayro'n sa aming dalawa ng bwisit na lalaki.
"Bakit? Ano bang ginawa sa iyo ng binibining ito?" turo sa akin ng Hari.
"Ininsulto niya ako, Ama! Hindi lang iyon, hindi niya ako ginalang! Ang lakas pa ng loob niyang sagot-sagutin ako!"
"Talaga?" Imbis na magulat ay tumawa lang ang Hari, dahilan para magulat at magtaka ang mga tao sa paligid, lalo na si Prinsipe Finous.
"At bakit mo naman iyon ginawa, Binibining Abi?" baling sa akin ng Hari. Napalunok ako bigla.
"Uh... Ano... Kasi... M-Muntik na niya ako binangga tapos siya pa ang may ganang magalit! Hindi tama iyon!" pagrarason ko pa.
Muling tumawa ang Hari.
"Tunay ngang nakakatuwa ka, Binibining Abilyn. Hindi ka natatakot na banggain kami kahit pa alam mong malaking parusa ang iyong matatanggap. Lalo mo akong pinahanga."
"Mahal na Hari!" saway ni Finous saka gigil na lumapit sa amin. "Hindi niyo ba siya bibigyan ng mabigat na parusa? Nilapastangan niya ang pagkatao ko!"
"Kumalma ka, Prinsipe Fin. Hindi lang naman ikaw ang nakaranas niyan. Isa pa, hindi ka naman mamamatay dahil lang sa pang-iinsulto ng isang magandang binibini."
"Ngunit—"
"Ssh!" Ikinumpas ng Hari ang kamay para patahimikin ang lalaki. "Tama na. Hindi ko kayo pinatawag para manggulo. Isa pa, nararapat lang na magkasundo kayo dahil magiging kakampi ninyo ang isa't isa mula ngayon."
"Mahal na Hari—!"
"At kayo... Tatanggapin niyo ba ang misyong ito? O hahayaan ninyong mabulok kayo sa bilangguan?" baling sa amin ng Hari.
Biglang lumuhod ang magkapatid sabay yuko. "Taos-puso po naming tatanggapin, kamahalan—"
"Hindi!" sigaw ko dahilan para magtaka silang lahat. "Hindi ko tatanggapin ang misyon!"
"Abi—" Hinawakan ako ni Briana sa braso saka binigyan ng nananaway na tingin.
"Hindi mo tatanggapin ang misyon?" Kumunot ang noo ng Hari, tila hindi nagustuhan ang sinabi ko. "Ibig sabihin, mas gugustuhin mong makulong, tama ba?"
BINABASA MO ANG
JOURNEY TO THE VISEL KINGDOM (#JHP_WRITER)
Fantasy[JHP WRITER WINNER.] [Star Awards 2020 Winner] **** Isa sa di makakalimutang pangyayari ang Island Hopping. Isang mahiwagang bato ang siyang nagdala sa limang magkaklase na sina Abilyn, Briana, Cheska, Sunday at Niferson tungo sa kabilang mundo ng V...