Chapter 7

45 39 2
                                    

Dumiretso na kami ni Chleo sa gym. Pagkarating doon ay may mga students narin sa bawat bleacher, may mga abala naring mga students na naka-assign sa paglilista ng mga makiki-audition especially the music club members. Some are also setting up the speakers, microphone and even decorations sa stage. Ano 'to? Audition pero bongga na agad?

"Lilianne! Dito!" nagulat naman ako ng bahagya sa pagtawag sakin ni Henry.

He's sitting beside Jaden who's holding a pen and paper. Siguro dun maglilista. Agad kaming nagtungo don ni Chleo. Syempre nakaka-kaba parin.

"Hi Henry! Palista naman 'tong si Lianne oh" si Chleo habang tinutulak ako.

"Ah osige ba!" he was about to list down my name when Jaden cut him off.

"May pila po tayo. Please follow the instructions"

Chleo's mouth parted even me.
I saw how Chleo glared at him. Napatingin naman si Jaden sakanya at agad nag-iwas ng tingin.

"Sungit sungit! Akala mo naman ang gwapo!" habang hinihigit ako ni Chleo sa likuran kung saan ang pila.

"Hayaan mona."

"Hayaan? Ang sungit nya! Henry was about to write your name for pete's sake! Isusulat lang yon!" she glared.

"Pero tama sya, may pila kaya dapat sumunod tayo."

"Whatever. I like him for you before,  pero ngayon talaga hindi na! Wag mona syang i-crush! I-crash monalang mukha nya!"

I laughed. Langyang babaeng 'to oh.  Kahit paano naiibsan ang kaba ko.

Habang nasa pila kami ay abala ako sa pagiisip ng kung anong kakantahin ko. There are so many songs that my mind is telling but I can't even choose one! Ano kaya? Ballad ba? Pop? Or Opm nalang? Mygad.

"Hey. The pen's right here. Pakidalian"
It's Jaden while he looked at me.

I was shocked when It's already my turn to list down my name.  Agad akong namula sa kahihiyan. Dami na palang naiinip. Teka nga asan ba si Chleo? I jotted down mg name.

List of Names:             Number:
Shaira Ferrer                      1
Cathy Reign Ponce           2
Aimee Ann Ledesma       3
Francine Sy                         4
Jaime Palisoc                    5
Jeffree John Abad            6
Lilianne Shayne Arnaiz  7

Number 7? Omg.  Matagal tagal pa pero nakaramdam ako mas lalo ng kaba.

"Okay na Lilianne!" si Henry.

"Thank you!" i smiled.

I turned my gaze to Jaden, wala lang reaction and he's just staring at one direction.

Umalis na ako doon at pinaupo naman lahat ng mga mag-o-audition sa corresponding seats namin. Napalinga linga ako hinahanap si Chleo. Nasaan naba yung babaeng yon? Imbes na sya ang hanap ko ay nahagip ng tingin ko si Rei.

He's wearing a dark blue maong pants and white plain shirt with his black bag. He's seating near the varsity players and crossing his both arms. I immediately looked away when his eyes met mine. Shoot. I forgot to give his damn shirt. How should I give it?

Oh please Lianne, think about your audition not that. He's going to watch!  I bet he's going to teased me after what will happen. I shook my head.

Agad akong naibalik sa katinuan ng nagsalita na ang emcee sa harapan which is Nick. Nagpapatawa pa sya sa una. Then nag start ang opening prayer at nagsalita rin ang adviser ng event at ng music club. Audition nadin pala 'to for the music club, big time.

Love in Music (Fly High Series #1)Where stories live. Discover now