Mabilis lumipas ang oras at napag-usapan naming magbabarkada na mag-kita nalang sa resto, may reserved table narin naman kasi ang lahat like the usual.
Dahil nga hindi ako umuuwi kapag may gig ako ay si Rei na mismo ang naghintay sa akin sa labas ng campus. Umuwi sya kanina para raw magbihis at babalik nalang raw sya at the time na susunduin nya ako, kami ni chleo.
Nakagawian na namin ni Chleo ang magbihis sa restroom ng school bago kami mag-punta sa resto.
"Blooming ka ngayon te ha!" bungad na sabi sa akin ni Chleo pag-katapos kong magbihis.
Nakasuot ako ng maong shorts and a black sleeveless top pairing it with my black boots. Nakatali rin ang buhok ko, I put on some make ups too at nagsuot din ako ng silver blings.
Habang si Chleo naman ay nakasuot ng black skirt and mint turtle neck top and with her heels. Ang ganda nya talaga. Matangkad, maputi at matangos ang ilong parang may pag-americana.
"Bola kapa dyan sis. Tara na?" sabi ko sakanya habang nagliligpit sya ng gamit. She nodded at me then we went out together.
Paglabas namin ng campus ay ganun na lamang ang pagkabigla ko ng napasinghap sa akin si Chleo sabay hawak sa bibig nya.
"What?!" nagtataka kong tanong.
Bahagya nya akong hinila at tinuro ang bandang right side namin malapit sa may parking area. Agad naman akong napabiling doon.
Laking gulat ko ng makita ko si Rei. He's wearing his black leather jacket and a silver necklace and with his black boots too. Not just that, he is leaning on his black Audi holding a bouquet of roses. Ang pogi! Is he my boyfriend?!
Ang lakas ng dating nya with his hair all brushed up. Sht. My eyes widened, para bang naghugis puso ang mga ito sa aking nakita.
Dahan dahan kaming naglakad palapit sakanya. Parang mas excited panga si Chleo kesa sa akin, paano ba naman kasi hawak hawak nya ang braso ko para bang hila hila nya ako patungo kay Rei. Jusko. Kita ko kung paano ako tingnan ni Rei mula ulo hanggang paa as a smile formed into his lips.
Bago palang kami mapalapit sa kanya ay sya na mismo ang humakbang palapit sa amin. Laking gulat ko ng mabilis nya akong dampian ng halik sa aking labi. While Chleo beside me just gave us a fake cough.
"Hi beautiful, for you" nilahad nya sa akin ang mga bulaklak sabay hawak sa aking mga kamay. My face heated. I bit my lip and look at him.
"Bakit may pa-ganito ka ha? Nakakainis ka talaga!" saad ko sakanya.
He chuckled and intertwined our hands.
"Anything for you, basta mapasaya lang kita" he said and looked directly into my eyes. Yan nanaman ang mga mata nyang kumikintab samantalang ang puso ko dito nagwawala na.
My heart trembled more when he moved closer to me and gave my forehead a soft kiss. Ramdam ko kung paano nagiinit ang aking mga pisngi.
"Ehem ehem! Una na ako sa kotse mo Rei ha? Don't worry, sa back seat ako"
Biglang singit ni Chleo at napabaling kami sakanya, nakahalukipkip sya at para bang nakakita ng kung ano kaya medyo napalayo kami sa isa't isa. Then she smirked.Nakaramdam ako ng hiya. While I just heard Rei chuckled.
Pinagbuksan ako ng pinto ni Rei sa front seat at tsaka umikot na sya para sumakay sa driver's seat.
I gulped as I heard Chleo teasing at the back seat, I looked at her and gave her a warning look. Jusko itong babaeng 'to!
Mabilis akong napaayos ng upo ng nasa tabi kona si Rei.

YOU ARE READING
Love in Music (Fly High Series #1)
RomanceLilianne Shayne really believes that music is the divine way to tell beautiful, poetic things to the heart. Mula pagkabata ay nakasanayan nya na ang maranasan ang pagmamahal mula sa pamilya na umiikot ang mundo sa musika. Ngunit naglaho ang lahat ng...