Isang buntong hininga ang aking pinakawalan pagkatapos kong iwanan ang entablado kasabay ng pagpatak ng aking mga luha. Hindi ko alam kung saan ako nagkulang. Wala na akong pakialam sa ngayon kung matapos pa'tong lahat ng pinaghirapan ko sa isang iglap lang. I didn't expect that it will just turn out like this.
Nakaramdam ako ng malaking tusok sa aking puso. Ang sakit.. Sobrang sakit.. Napaupo ako sa isang maliit na kahoy sa pinakadulo ng aming eskwelahan.. I cried hard...
"Hmm. Sabi ko naman sayo wag kang padalos dalos . Take this" I heard someone sighed.
Nagulat nalang ako ng may nag-abot ng isang panyo sakin. Hindi ko alam pero sa dami rami ng taong inaasahan kong makakatulong sa akin sa mga oras na bagsak na bagsak ako, SYA pa talagaaaa.
"Rei?! Anong ginagawa mo dito? H-Hindi ka dapat nandito! Baki-"
hindi ko naituloy ang sasabihin ko when he gently cupped my face and wiped the tears from my face."Shh.. I saw it all, I'm here. Don't worry". Sabi nya kasabay ng pagyakap nya sakin ng hindi ko inaasahan.
Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng comfort sa mga oras na iyon. Hindi ko rin inaasahan na out of all the people na nandyan para tulungan ako ay sya pa, sa kabila ng lahat.
"Think about it Lianne. I told you stop doing things just for that person! Tingin mo ba nakabubuti sayo ang ginawa mong iyon?" kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya kita mo sa mga mata nya ang seryoso at halong galit na pinipigilan.
I pushed him slightly kasabay ng pagpunas ko ng aking mga luha.
Hindi pa ako nakakatalikod ng hinawakan nya ang aking palapulsuhan."Lianne, do you think masaya ang Daddy mo sa kung anong nakikita nya ngayon sayo? Masaya ba sya na ginagawa mo ang bagay na napakaayaw nyang gawin mo? Come on Lia-"
hindi ko sya pinatapos ay namuo na muli ang aking galit na gustong ipakawala sa mga oras na'to.
"Ano ba?! Hindi mo kasi alam at kahit kailan hindi mo ako maiintindihan!" I shouted, at sa buong lakas ko, hinigit ko ang aking palapulsuhan mula sakanya.
"Naiintindihan ko Lianne, but please just listen to me"
"Wala na dapat pang pag-usapan pa, tama na"
"Lianne, we don't need to make this complicated. Just listen ple-"
"You know what? Tama na. I'm done and tired of hearing things all over again from you" My voice broke as tears pooled down my eyes. And there, I left him.
I also heard him calling out my name.
Tinakbo ko ang labas ng campus, paglabas don ay nakita ko ang mga mata na umaaligid saakin at kasabay non ang kanilang mga halakhakan. At sa bandang tabi ay nakita ko ang grupo nila Marga. As usual.
"Psh, ayan na ang bida! Haha! Kala mo kasi kung sino" sabi ni Juliet sakin ng malakas. Sabay lingon kay Marga.
"Nako dinaman magaling, yan tuloy!" sabi pa ng isang hindi ko kilala.
"Gosh! Really pathetic! Kala mo naman pinagmamalaki ng Mommy nya! Duh! Just a trying hard loser!" Marga uttered as she glared at me kasabay ng tawanan ng iba pang nakarinig.
Tinakbo ko ng mabilis hanggang makadating ako sa terminal na patungo sa aming bahay..
Ninamnam ko ang simoy ng hanging dumadapo sa aking mukha kasabay ng pagtulo ng aking mga luha.Pagbaba ko ng tricycle ay tanaw ko agad si Daddy na nakahalukipkip at seryoso ang mga mata.. Dire diretso ako sa aming gate at nagmano sa aking Daddy. Aamba na sana ako ng hakbang patungo sa loob pero.
"Sandali Lianne" si daddy at hinawakan ang aking mga braso. Agad akong nakaramdam ng kaba, pilit na pinipigilan ang lakas ng pintig ng aking puso.
"D-dad.. Bakit ho?" utal akong nagsalita. I know this kind of feeling.
"Ano nanamang ginawa mo?! Ilang beses ko bang sinabi sayo na tigilan mo na ang kahibangan mo?!" Alam kong malalaman at malalaman rin nya ng ginawa kong iyon. Wala namang bago.
"Ano pong sinasabi nyo? I'm tired I need to-" hindi ko pa itinapos ang salitang idudugtong ko ng hinawakan ni Daddy ang aking dalawang balikat.
Kita ko ang kanyang paglunok at pagpikit nya ng may diin.
"STOP WHAT YOU ARE DOING! Hindi kana ba nahihiya?! Tama na Lilianne, this is too much! Hindi ko na alam ang gagawin ko sayo" isang luha ang pumatak sa pisngi ng aking Daddy matapos nyang sabihin iyon.
I sighed.
"Daddy, alam ko po ang ginagawa ko. Huwag nyo po sanang husgahan ang ginagawa ko! This is not for myself but for Momm-" pinutol uli ni daddy ang mga salita ko and I tried to calm my voice this time para pigilan ang aking mga luha.
"Ano?! For your mommy? You're not going to become a singing star like your Mom! Kung ganito rin pala ang binabalak mo like before, ibabalik kita ng Manila" He said with finality.
Hindi ako makahinga sa mga pinagsasabi ni Daddy. Ganitong ganito din yung noon.
"BUT DADDY! YOU CAN'T DO THAT TO ME! I CAN DO BETTER-"
"No buts Lilianne Shayne! Get into your room and pack your things, aalis ka mamayang hapon. That's it." sabi ni daddy sabay alis.
Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Kahit umalis talaga si mommy kapalit ng kanyang pangarap para sa amin ay hindi parin matatanggal sa sarili ko ang dugong mangaawit gaya ng ang aking Mommy. I tried hiding it away.
Pero nung umalis si Mommy ito lang ang tanging iniwan nya sakin. Ang aking nagiisang talento.
But at this moment of my life, I'm lost ~

YOU ARE READING
Love in Music (Fly High Series #1)
RomanceLilianne Shayne really believes that music is the divine way to tell beautiful, poetic things to the heart. Mula pagkabata ay nakasanayan nya na ang maranasan ang pagmamahal mula sa pamilya na umiikot ang mundo sa musika. Ngunit naglaho ang lahat ng...