Sa sunod-sunod na klase ay walang ginawa kundi maghanda para sa upcoming event ng campus. Wala ding ginawa 'tong si Chleo kundi ang magdaldal ng magdaldal tungkol sa mga boys daw nya.
Si Chleo ay anak ng may ari ng mga naglalakihang hotel dito sa Maynila. Kung tutuusin, lahat ay nasa kanya na. Yet you can really see humbleness in her. As I entered in this school, sya na agad ang unang nag approach sa akin dahil nga sa kilala din ang aking mga magulang sa kanilang mga position.
Nasa cafeteria kami ni Chleo. Naghahanda sya ng pera pambili ng makakain nya, dahil ililibre nya daw ako. Habang inaayos ko ang earphones ko para makinig ng mga songs ni Mommy. Ay agad bumalik sa aking mga isipan ang nangyare sa aking pamilya.
Masakit sa akin na ang masayang pamilyang meron kami, sa isang iglap lang nawala. Ewan koba. Nagiisang anak na nga lang ako ganito pa mararanasan ko. Napakamalas naman talaga oh.
Sa pagiisip ko ng malalim ay wala na pala si Chleo sa harap ko. Ngayon ay nakapila na para sa pagkaing ioorder nya. Nagulat nalang ako ng biglang may malamig na bagay akong naramdaman sa mga hita ko.
"Oops! Sorry, I thought this was the trashcan"
Agad akong napalingon sa aking palda na ngayong basang basa at kasabay non ang pagtingin ko sa aking likuran ang tumatawang si Cathy.
"What the hell is wrong with you?"
Sigaw ko ng mas lalong nagpaagaw ng atensyon ng buong cafeteria. Goodness. Ako pa talaga ang nagmumukhang gumagawa ng eksena ha! Bigla namang lumapit saamin ang mga seniors, at nagulat ako na nandon din si Jaden.
"What hell? Where is it? Diba doon yun, sa bandang condo nyo? Kasi diba pamilya mo naman nasa hell na?" Cathy said and smirked at sabay ang pagtalikod nya.
Mabilis agad akong nakaramdam ng init ng aking ulo ng marinig iyon. Sabihin mona lahat ng bagay na gusto mo. Yet nagkakamali kang banggitin ang nagiisang pamilya ko. Agad kong kinuha ang upuan na nasa harapan ko.
I was about to throw the chair at the back of Cathy but my eyes automatically widened when it didn't hit her but to someone else. Iba ang natamaan ko.
Agad namang napasinghap ang mga tao sa cafeteria. I saw Rei. What?
Agad namang itinayo ng isang senior ang upuan at tinulungang tumayo ng maayos si Rei. I saw how Cathy smiled and walked out. However, Kitang kita ang pagngiwi ni Rei habang hawak ang kanyang braso. Why would he do that?
Kaagad namang napuno ng bulong bulungan ang buong cafeteria at kasabay non ang paghila sa akin palabas ng cafeteria ni Chleo at nagpatianod na lamang ako.
"What was that Lianne?!" tanong nya ng may halong pagaalala at pagkagulat.
"N-Nothing." sagot ko habang naramadaman ko ang lalong paglakas ng tibok ng aking puso.
"Binato mo ng upuan si Rei? Seryoso dear? Napaka-arrogant ba talaga nya?!" sagot sakin ni Chleo.
"No Chleo! Si Cathy dapat ang matamaan non! She deserves that! Ikaw ba naman pagsabihan ng mga ganung salita tungkol sa fami-" My voice broke. Hindi ko alam pero hindi ko namalayan ang pagbuhos ng aking mga luha.
"Oh shoot! Seryoso Lianne?!" agad naman nya akong niyakap..
"No its okay. Gusto ko munang mapag-isa Chleo. I'm sorry" hindi kona sya hinintay pang sumagot. I run as fast as I can hanggang napadpad ako sa field ng school namin. Okay na rito, mahangin at tahimik. I cried hard. Nilabas ko ang sama ng aking loob! Bat ba kasi ganun! Bat ako pa?! Sa dami rami ng mga tao dun sa cafeteria, ako pa talaga?!
Habang umiiyak ay natatawa nalang akong pinapaypayan ang aking palda gamit ang aking folder. Nagbabakasaling matuyo. Wala akong extra and I didn't even got my phone from Chleo for me to call our driver. For sure mamayang hapon pa ako non susunduin..

YOU ARE READING
Love in Music (Fly High Series #1)
RomanceLilianne Shayne really believes that music is the divine way to tell beautiful, poetic things to the heart. Mula pagkabata ay nakasanayan nya na ang maranasan ang pagmamahal mula sa pamilya na umiikot ang mundo sa musika. Ngunit naglaho ang lahat ng...