Pagdating ko ng condo ay parang wala sa sarili akong nagdire diretso hanggang makapasok sa room ko.
Wala naman si Tanda at diko naabutan sa loob dahil nakita ko sya sa lobby abala sa pagcheck ng mga kumukuha ng unit sa condo namin. Hindi kona rin napansin na wala pala si Dad, I believe busy nadin sya sa pagaasikaso ng kompanya.
I wonder? How will I talk to my mom? Kailan ko kaya sya makakausap? Kailan ko sya mayayakap man lang?
Binagsak ko ang aking katawan sa higaan. Lagi nalang akong nakakaramdam ng pagod kapag dumarating ako sa lugar na'to. I missed everything. Wala na yung saya ngayon unlike before.
I remember so much kung paano ako pinapasaya ng mga magulang ko through singing in front of me, si Mommy ang kumakanta habang si Dad naman ay sumasayaw ng kung ano anong style, mapatawa lang ako. Ganun na ganun nila ako lambingin lalo na kung alam nilang nagtatampo ako sakanila dahil sa abala sila sa kompanya.
*Knock knock*
I suddenly stood up when I heard a knock at the door.
Dahan dahan kong binuksan ang pinto at..
"What do you want?" sabay talikod ko.
"Ganyan kaba talaga makapagsalita sa 'ola' mo?" si Tanda. Diniin nya talaga ang salitang lola kasabay na pagpasok sa room ko.
"What now? After all of the things you did to my mom?! And to me?!" as I said habang nakaharap lang sakanya.
"Napakabastos mo talagang bata ka! Look! Ako mismo ang magsasabi kay Arthuro na alisan ka lahat ng mana! Even all of the things related to music! Aalisin ko!" Kitang kita ko ang galit sakanyang mga bata.
"Oh really 'Lola'? Ganyan 'po' ba kayo kabait sa 'apo' nyo at 'napakabait' nyo 'po' para tanggalan ako ng mana? Go! Alisin nyo lang. But you can't remove away from me the music that Mom gave me!"
Mariin akong napapikit ng naramdaman ko ang kanyang palad sa aking pisngi.
"Bastos kang bata ka! Wala kang pinagkaiba saiyong ina!" she said before leaving me.
Hinawakan ko ang aking mga pisngi. I smiled. Hindi ko alam na sa murang edad kong 'to mararanasan ko ang maganito.
Buong gabing binaon ko ang aking mukha sa unan at umiyak ng umiyak.
Kahit nakailang katok na ang aming katulong sa pagtawag sa akin, di parin ako lumabas. Di ko alam kung paano ko haharapin ang tandang yun, hindi ko alam kung saan ko din pupulutin ang respeto na dapat ibigay ko sakanya. Wala ng sasapat pa sa lahat ng bagay na ginawa nya kay mommy.Kinaumagahan ay nagising nalang ako sa tunog ng aking cellphone.
"Hmm hello?" habang binabrush ang aking mga buhok gamit ang aking mga daliri.
"Hello? Lianne? Anak?"
Agad akong napabangon sa pamilyar na boses na narinig ko.
"Mommy?!" I tried to calm myself.
"Oh dear, I miss you. How are you doing?" she said.
Marami akong gustong sabihin sakanya sa oras na'to. I wanna rant about how rude the one who's living with me right now, how situations quickly changed for me, how others treated me about our family.
"Mommy, I'm fine. I miss you so much, Mom. Can't wait to see you soon!" I covered my mouth as my tears started to pool down in my eyes.
Magsasalita pa sana ako ng may narinig ako sa kabilang linya na tumawag kay mommy.
"O sige na anak. Take care of yourself. I'll call you back when I have time, I love you!"
"Okay Mommy, I love-" pinutol na ni mommy ang tawag.

YOU ARE READING
Love in Music (Fly High Series #1)
RomansaLilianne Shayne really believes that music is the divine way to tell beautiful, poetic things to the heart. Mula pagkabata ay nakasanayan nya na ang maranasan ang pagmamahal mula sa pamilya na umiikot ang mundo sa musika. Ngunit naglaho ang lahat ng...