Bago kami umalis ng campus ay sinamahan ko muna si Chleo para umattend sa meeting ng mga dancers, halos hindi naman ako mapakali dahil kahit saan ay sumasama din si Rei. Bawat dinaraanan naming classrooms ay napapatingin ang mga estudyante sa amin or kay Rei I should say. Paano ba naman kasi? He insisted to hold my things, obvious yun kasi shoulder bag iyon na kulay nude pink. Kaya wala akong nagawa kundi halos pigilan ang aking pag-hinga sa nararamdaman.
Sumakay kami sa kanyang SP car, syempre kahit kami na ay medyo nahihiya parin ako sakanya. Nakakakaba na para bang sasabog na puso ko.
Pagkarating namin ng Mall ay pinagbuksan nya ako ng pinto at agad akong bumaba at dinala ang aking bag.
"Give me those, I'll hold it"
Gulat akong napatingin sakanya. Nakalahad ang isa nyang kamay. He's referring to my things, again.
"Ah hindi na, ako na" I refused. I can do it naman. At tsaka nakakahiya din.
"Hindi na, ako na. Please babe?" he uttered and bit his lip. Pero kita mo sa mukha nya ang sinseridad.
My face heated automatically. Hindi na ako nakasagot ng bigla nyang kunin sa akin ang bag ko at mga papers. Iniwan nya sa kotse ang folder ko pero hawak hawak nya parin ang bag ko.
"Let's eat first, shall we?" sabi nya.
Nauna syang maglakad kaya nasa likod nya lang ako. Good thing I'm behind him, para di nya makita ang labis na kaba't mabilis na paghinga ko.
Bago palang kami makapasok sa isang restaurant ay huminto na sya dahilan ng pagkabangga ko sa likuran nya. Bigla naman syang humarap sa akin. Kaya napaatras ako ng konti.
"Uh bakit?" tanong ko sabay iwas ng tingin.
Walang salitang lumabas sa bibig nya pero ganun nalang ang gulat ko when he grabbed my hand and gently intertwined it. He smiled as he looked at me.
"I don't want you behind me, babe" biglaang sabi nya sabay hakbang palapit sa akin.
My eyes widened when he gently kissed my forehead. Sa bilis ng kilos nya ay napalunok nalang ako sa kawalan. I even heard him chuckled.
Oh gosh nasa public place kami pero parang wala lang sakanya. Damn this guy.
Hawak kamay kaming naglakad papasok sa resto, good think we're not wearing our uniforms baka ano pang isipin ng mga tao, mahirap na.
"I'll order, stay here babe" he uttered kasabay ng isa pang mabilisang halik sa aking labi.
Pagkatalikod nya ay napatakip nalang ako sa mukha ko. Omg this guy. Nakakailan na sya ha!
Medyo marami rami rin ang customers kaya out of boredom ay kinuha ko ang aking cellphone ko and I took a picture of his back, nakapila parin sya. I even posted it on my Ig story and captioned it with 'waiting' tapos heart heart, cringe.
Matapos ang ilang minuto ay bumalik na sya sa table namin. He ordered lasagna and veggy salad for me and even added a pineapple juice. Sya naman ay rice with buffalo wings and juice like mine.
Agad kong nilantakan ang pagkain dahil nakaka-takam talaga.
"Hey, dahan dahan babe." he chuckled as he sipped on his juice.
"Ku...main k-kana rin kaya!" sagot ko habang nginunguya ang aking pagkain.
Napailing nalang sya at kumain narin.
"Babe here"
Napataas ang aking noo ng tinuro nya ang bibig nya. What? He wants kiss again? Mygad. Dahan dahan akong nagpalinga linga sa resto at pagbaling ko sakanya ay ngumuso ako. Oo na pagbibigyan na kita.
YOU ARE READING
Love in Music (Fly High Series #1)
RomanceLilianne Shayne really believes that music is the divine way to tell beautiful, poetic things to the heart. Mula pagkabata ay nakasanayan nya na ang maranasan ang pagmamahal mula sa pamilya na umiikot ang mundo sa musika. Ngunit naglaho ang lahat ng...
