Tahimik na nag-mamaneho si Rei habang ako naman ay pilit na nililibang ang sarili sa bintana ng sasakyan nya. Until now, hindi parin ako makapaniwala sa nangyari.
Why would he kissed me? Does he like me? Pero bakit parang wala lang sa kanya? I mean, how would he act like nothing happened? Damn.I groaned secretly.
"Lianne"
Napaayos naman ako ng upo ng nag-salita sya. Agad akong dinapuan ng kaba sa pagbanggit nya palang ng pangalan ko. Goodness. Someone help me.
Tumingin ako sakanya ng kunot ang noo. He just looked serious and well focused on the road.
"Cathy and I are nothing"
I gulped and looked away.
"I'm not asking"
He bit his lip trying to form a smile. Jusko, is he playing with me?
"Gusto ko lang na malaman mo" nagkibit balikat lang sya, still biting his lips.
Magsasalita palang sana ako ng nagring ang cellphone ko? Or nya?
Kinapa ko ang cellphone ko pero hindi sa akin nanggagaling iyon.I looked at him. He sighed before picking up his phone.
"Hello?"
"Urgh! Yes of course, yes dad"
"Of course n-not, I'll be heading home now" napabaling sya sa akin. Halatang naasiwa sya sa tawag dahil obvious nga naman na nakikinig ako.
He groaned after he ended the call.
"Sorry about that, it's my dad"
I just nodded. His dad, I wonder what kind of family they have? Ganito rin ba sa akin? I don't think so. Napaka-swerte nya siguro.
"Nag-iisang anak kaba?" sht Lianne. I asked out of my curiousity.
"No" tipid nyang sagot.
"May kapatid kapa? Ilan?" hinawakan nya ang kanyang sentido. Agad naman akong mariin na napapikit, take it easy Lianne.
"Yes. Dalawa lang kami"
"Lalaki?"
Agad naman akong napatahimik ng tiningnan nya ako. Napaayos naman ako ng upo. My face heated. Langya. Wag kang makulit Lianne!
"No. Why are you asking?" kunot noo nyang tanong.
"Bakit bawal?"
"Hindi"
"Bakit ka nagdadrive eh minor ka palang, hindi ba? Baka mahuli ka nyan"
"No. I have my license already"
"Weh? Baka it's your dad's?"
"Bakit ka nagtatrabaho doon eh minor ka palang, hindi ba?"
Napalingon naman sya sa akin at bahagya akong napaiwas ng tingin ng magtama ang aming mga mata. Napalunok nalang ako.
"I love singing" nasabi ko sa kabilang banda.
I heard him sighed.
Nang makarating kami sa tapat ng building ay agad nyang hininto ang sasakyan.
"Uhh, Thank you, R-Rei" I said without looking at him.
"Basta safe kang makauwi, walang problema" he answered.
Agad ko namang inalis ang seatbelt ko. Pagkabukas ko ng pintuan ng sasakyan nya ay nagsalita sya.
"I'm serious, Lianne. Don't even try to avoid me, again."

YOU ARE READING
Love in Music (Fly High Series #1)
RomanceLilianne Shayne really believes that music is the divine way to tell beautiful, poetic things to the heart. Mula pagkabata ay nakasanayan nya na ang maranasan ang pagmamahal mula sa pamilya na umiikot ang mundo sa musika. Ngunit naglaho ang lahat ng...