/ 2 / Culprit

1.3K 64 20
                                    

___

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

___

Nagising ako sa isang hindi kilalang silid. Puti ang kisame nito at naka-sisilaw ang puting liwanag na nag mumula sa kisame. Sinubukan kong bumangon ngunit hindi tuluyang naka alis sa kama dahil sa posas sa aking kamay.

Bumukas ang pinto matapos ang ilang kalansingan ng bakal mula sa door knob ng pinto at pumasok ang isang babaeng pulis.

'Officer Rumualdez' basa ko sa apelyido niya na naka lagay sa kaniyang uniporme.

"Ilang oras kang walang malay," Buntong hininga nito, "Mayamaya lamang ay madi-discharge kana at idi-deretso sa presinto para ma-interrogate." Aniya.

"Wala akong kasalanan, Officer." Bulong ko, nasa posas ang tingin.

"Malalaman natin." sagot naman niya.

Umalis siya sa harapan ko at lumabas ng kwarto, tinitigan ko lang siya hanggang maka labas at napa buntong hininga na lang dahil muli ay may hindi ako nailigtas, nanlabo ang aking paningin at unti-unting tumulo ang butil ng luha mula saking mga mata.

Nakaka-galit dahil muli ay hindi naka tulong! Huli nanaman ako dahil sa kahinaan ko, nailigtas ko sana siya kung hindi ako naging mahina.

Ilang minuto lang ang lumipas ay bumalik na si Officer Rumualdez at kasama ang isang nurse, tinanggal ng pulis ang pagkaka posas ng kamay ko at inalalayan naman ako ng nurse para maka tayo.

"Kaya kona po, salamat." sabi ko sa nurse. Hindi ako nito sinagot at nginitian na parang isa niya akong anak, nagtama ang paningin namin. Hindi sinasadya ngunit napasok ko ang kaniyang isip.

'Mamamatay tao, tsk, tsk!' umalingaw-ngaw 'yon sa isip ko, galing ito sa kaniya.

Nahila kong bigla ang aking kamay dahilan para pareho kaming magulat. Maging ang pulis ay sinamaan ako bigla ng tingin.

Mabilis na lumapit sakin si Officer Rumualdez at muling pinosas ang aking mga kamay, nasa harapan ko na ito ngayon at tinakpan naman ng Nurse ng puting tela ang mga kamay ko maging ang aking ulo. Nang maka labas ng kwarto ay naagaw naming lahat ang atensyon ng mga nasa hallway ng ospital.

Hindi man nila makita ang natatkapan ng tela ay halata na kung ano ang nandon dahil sa pagkaka-ayos nito kasama na rin ang presensya ng pulis na nasa aking tabi. Inalis lang ng isa pang kasama nila Officer ang mga tela sakin nang tuluyan na kaming maka sakay ng police car.

Wala pang trenta minutos ay narating namin ang presinto kung saan galit na nag aantay ang mga magulang ni Josh.

Napabuntong hininga ako nang maisip kong anong mangyayari sakin.

Mag kakasunod na sampal, sabunot at tadyak ang inabot ko sa Ina ni Josh, malakas ang iyak niya at nag wawala talaga sa galit. Ina-awat siya ng mga pulis at maging ng asawa niya pero kumakawala siya at pilit akong ina-abot para saktan.

Alam kong galit siya, galit na galit pero wala akong magagawa kundi hintayin ang magiging resulta ng kaso.

"Ang bait bait ng anak ko! Anong kasalanan niya sayo?!" Sigaw ng Ina ni Josh, "Hayop!"

The Anomalous: Home of Gifteds [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon