___
Pamilyar na lugar. Basang sahig at purong kadiliman. Tunog ng pag patak ng tubig sa kung saan na mag dudulot ng pagka irita sa kung sino man ang makaka rinig nito. Malamig at tila nasa kawalan.
Dark...
Cold...Space...
Kanina pa ako nag lalakad pero wala akong nararating. Walang patutunguhan.
Mauulit nanaman ba ang panaginip ko?
Mauulit nanaman ba ang pag gamit ko ng kapangyarihan habang tulog ako?
Makaka panakit nanaman ba ako?
'Yan ang laman ng aking isip mag mula ng magising ako sa lugar na ito. Pero sa kabilang banda ay panatag ako. Dahil ang isla ay immune sa aming kapangyarihan. Kaya kahit gamitin ko ang kapangyarihan ko rito ay walang epekto sa labas ng panaginip na ito.
Habang nag lalakad ay nahinto ako dahil nakaramdam ako ng mga maliliit na bato sa aking paanan. Nang tignan ko ito ay semento na ito at hindi na basang sahig.
Linibot ko ang tingin sa bagong lugar. Nasa school ako. Walang mga tao.
Lumakad ako at nakita na mula sa isang sasakyan ay bumaba si Oner. Sinundan ko ito at doon napagtanto na ako ang sinusundan niya. Sa lahat ay binabantayan niya ako.
Kahit sa pag uwi ay naka sunod ito. Binabantayan at nag kukubili sa kahit saan maitago lang ang kaniyang presensya.
Nawalang parang usok ang mga imaheng aking nakikita. Napalitan ito ng isang kalsada. Ito ang entrada ng Village namin.
Wala si Mang Kanor sa pwesto niya, maging kahit anong presensya ng tao ay wala. Pumasok ako sa lugar at habang nag lalakad papuntang bahay ay may liwanag akong nakita mula sa gilid na eskinita. Sinilip ko ito at nakita ko ang limang bulto ng tao na lumalabas sa isang portal.
Si Cedric ang isa sa kanila. Kahit naka maskara ay nakikilala ko ang ability na iyon.
Naunang lumabas si Cedric at tumayo sa ilalim ng poste ng ilaw. Doon ko rin nakita ang sarili ko na nasa terrace ng kwarto ko. The next thing na nakita ko ay magka harap na kami ng sarili ko sa ilalim ng poste.
Tinalikuran ako nito pero huli na bago ko siya mabalaan, dahil sa isang suntok ay lumagapak na ang sarili ko sa sahig.
Babae ang sumuntok sakin...
Base sa suot nitong gintong maskara ay siya nga ito...
Natashia.
The others came out kung saan man sila nagtatago. Ang isa sa kanila ay ini-angat ang mga braso kasabay no'n ay ang pag bangon ng walang malay kong katawan sa kalsada.
BINABASA MO ANG
The Anomalous: Home of Gifteds [COMPLETED]
FantascienzaA world like yours but a little different from ours. We have something that you don't have; if you exist, then so do we. -- She who reads minds is the byproduct of multiple experiments. She who fights and they who're like her. Follow her, help her w...