___
KINABUKASAN ganon pa rin ang nang yari, after class ay pupunta kami sa bahay nila Chin para i-observe ang chemical reactions at mag take ulit ng ilang pictures for documentation.
Hindi pa raw namin pwedeng sagutan ang mga tanong na nasa module dahil sabi ni Chin ay limang araw pa bago lumabas ang totoong kulay ng mga chemicals na nag halo-halo, baka raw mali ang makuha namin sagot kung mag mamadali kami.Dumaan ang ilang araw at bukas na ang last stage ng pag-observe namin sa reactions ng mga chemicals na pinag halo-halo namin.
"Sure ka bang safe ang mga chemicals sa kwarto na 'yon?" tanong ni Ali kay Chin habang nag lalakad na kami papunta sa gate nila.
"Yeah, walang pumapasok don saka my Mom is a Doctor, wala kayong dapat ipag alala. Alam ni Mama ang gagawin if ever na may matapon sa mga 'yon." Tumango-tango naman kami bago nag pa-alam sa isa't isa.
"Huy! Anong sinasabi mo nung isang araw?" pangungulit ni Euri, ilang araw na rin niya akong kinukulit sa sinabi ko. Hindi ako sumagot.
"Sa Monday, may kelangan akong gawin, kelangan ko ng tulong niyo."
"Hmm alam kona, payag daw sila Ali at Steph." Sagot ko na nasa harapan parin ang tingin.
"Paano mo nalaman?" hindi ako sumagot at tumingin na lang ulit sa nilalakaran namin.
"Parang dati lang nung mga Grade 11 pa tayo ang sungit mo at ang hirap mo i-approach, pero ngayon tinuturing mo na kaming kaibigan, ah!" dinunggol niya pa ang balikat ko pagka-tapos niya sabihin 'yon.
Hindi na ako sumagot sa sinabi niya dahil totoo naman. Simula Grade 11 ay wala akong kina-kausap maliban kay Vine at kung kaka-usapin naman ako ay naiilang ang ilan dahil hindi ako madali kausapin.
Nang tumungtong sa Grade 12, doon nag simula na tawagin nila akong weird dahil nalalaman ko mga secret nila. May nag pakalat kasi na i-chinismis ko raw ang secret ng isang schoolmate namin dati kaya napa-away ako.
Habang nasa daan na kami ay lumakas ang hangin at pakiramdam ko ay may naka tingin sa amin. Kanina ko pa ito nararamdaman pero hindi ko pinansin. Nagpa-linga-linga ako pero wala akong makita kahit saan.
"Hey! Are you okay? Kanina pa ako daldal ng daldal dito hindi ka naman nakikinig!" lumingon ako kay Euri at hinawakan siya sa bag niya at hinila.
Halos takbuhin ko ang daan habang hila-hila sa bag si Euri at natigilan lang sa biglang pag sigaw nito.
"Azaria! Lalagpas kana sa Village niyo!" humahangos ito.
Nandito na nga kami sa tapat ng gate ng village at lutang parin ako. Humahangos naman akong huminto at napa-hawak pa sa mga tuhod ko dahil sa sobrang pagod, ganon din ang ginawa ni Euri.
"Sige salamat! Mag ingat ka." tinapik ko lang balikat niya bago pumasok. Nag tataka man ay hinayaan na lang niya ako.
Alam kong may nanonood saamin ni Euri kanina habang nag lalakad, ramdam ko na iyon simula nang maka labas kami ng bahay nila Chin kaya hindi ako nakakapag salita ng ma-ayos sa usapan namin ni Euri kanina.
BINABASA MO ANG
The Anomalous: Home of Gifteds [COMPLETED]
Ficção CientíficaA world like yours but a little different from ours. We have something that you don't have; if you exist, then so do we. -- She who reads minds is the byproduct of multiple experiments. She who fights and they who're like her. Follow her, help her w...