___
"Enter the museum and show the guards your invitations." utos ni Natashia mula sa earpiece na suot ko na ginawang ear cuff na may disensyong bubuyog na gawa sa diyamante.
Ito ang ipinag tataka ko kanina, kung bakit sa isang museum gaganapin ang business event na ito at kung bakit nasa isang museum ang killer bee. Walang naka lagay na information ng killer bee about sa location nito dahil nawala ito ng mamatay ang huling Chairman. Ang sabi lang rito ay ninakaw ito ng isang kilalang tao at mukhang siya ang may ari sa museum na ito.
"The whole place are full of cameras." pa-alala ni Ice. "By the way, walang mga Anoma na a-attend sa event so walang sagabal sa inyo." napa tango-tango pa kami ni Cedric habang naka silip sa labas ng museum. Nandito kami ngayon sa tagong parte sa gilid ng museum at nag sisimula nang dumami ang mga pumapasok sa museyo at karamihan ay katulad namin na naka business attires.
"I'll go first." sabi ko at lalabas na sana sa pinag tataguan namin ngunit hinila ako sa braso ni Cedric.
"Be safe." sinserong anito habang naka tingin sa mga mata ko. Hindi ko iyon ina-asahan kaya ng mag lapat ang paningin namin ay napasok ko ang kaniyang isipan. Wala akong ibang nakita ngunit sa isip ko naman rumagasa ang alala-ala ng kaniyang halik. Dahil dito ay mabilis kong hinila ang braso ko at umarteng pinagpag ang nagusot na kasuotan bago kabadong sumagot.
"O-okay."
Magka hiwalay kaming pumasok ni Cedric. Nauna nga ako at nag palipas muna siya ng ilang minuto bago sumunod sa akin. Nag simula siyang maki halo sa mga taong mukhang mga business man and woman at nag simulang makipag usap sa kanila.
Habang sinusuri ang lugar ay nakita kong tadtad nga ng cctv ang buong lugar. The museum has a European style and having a bright colored walls na binubuhay ng iba't ibang sinaunang paintings. Nag kalat ang mga mesa at mga glass box at nasa loob nito ang mga iba't ibang uri ng artifacts. Kanina pa ako nag lalakad ngunit hindi ko makita sa kahit anong glass box ang killer bee.
Isinantabi ko muna ang pag hahanap sa killer bee at nag lakad-lakad pa ako hanggang sa makita ko ang grupo ng mga babaeng nag uusap-usap habang umi-inom ng champagne. Kumuha ako ng inumin mula sa waiter na napa daan sa tabi ko at lumapit sa kanila.
'I guess it's better na mag panggap muna ako rito kesa mapag halataan.'
"My husband is a business man but he's in a business trip right now so as the Co-owner of our company, I'm here as a representative." dinig kong anang babae na sa tingin ko ay ka-edad lang ng Chairman.
"She's Analyn Mondragon, her husband is the owner of El Dragon Empire, and that Analyn owns the half of the company and she's the one managing their underground business." Pag papakilala ni Liath sa babaeng halos nasa tapat ko na. "It's good if you can avoid her, malakas ang pakiramdam niya sa mga taong nag papanggap lang." patuloy niya.
BINABASA MO ANG
The Anomalous: Home of Gifteds [COMPLETED]
Ficção CientíficaA world like yours but a little different from ours. We have something that you don't have; if you exist, then so do we. -- She who reads minds is the byproduct of multiple experiments. She who fights and they who're like her. Follow her, help her w...