___
Napabalikwas ako ng bangon sa kama at pawisang tinitigan ang aking sarili sa salamin na nakadikit sa pader ng aking silid.Humahangos akong bumaba ng aking kama at nag tungo sa balkonahe upang lumanghap ng sariwang hangin. Papasikat na ang haring araw ngunit naron pa rin ang lamig ng hangin sa umaga.
Dumako ang aking tingin sa aking telepono sa bedside table nang tumunog ito. Bumuntong hininga ako nang muli ay mauna akong magising sa aking alarm. Alas-sais na ng umaga, tumikhim ako at pumasok nang muli.
Muli akong bumuntong hininga matapos patayin ang alarm at nag tungo sa banyo upang maligo. Maka lipas ang minuto ay lumabas ako.
Matapos ko maligo ay isinuot ko ang aking school uniform. Ngayon ay araw ng Biyernes kaya ang maroon kong uniporme ang naka schedule na isusuot ngayong araw. Isa itong polo-shirt na may logo ng aming pa aralan banda sa dibdib sa itaas ng puso. Pinaresan ko ito ng itim kong jeans at puting sapatos.
Matapos ay umupo ako sa aking kama upang mag pantay kami ng aking salamin. Tinitigan ko ang aking repleksyon at nang matapos kong tuyuin ang buhok ay itinali ko ito at lumabas. Alas-siyete na nang maka baba ako at makitang naka handa na si Tita Melisa.
"Goodmorning, Tita." bati ko kay Tita Melisa.
Medyo may katandaan na rin si Tita, nasa 40's na ito. Hanggang balikat ang buhok at may katamtamang sukat ng katawan. Base sa ayos nito ay mukhang nakapag palengke na ito at madami nang natapos na gawaing bahay.
"Oh! 'Nak kain kana! Nauna na si Vine sa pag pasok dahil may quiz daw sila." ani ni Tita.
Tumango na lamang ako at mabilis na tinapos ang pag kain at nag nag paalam kay Tita Melisa para pumasok. Lumabas na ako ng bahay at nag simula na mag lakad papuntang school.
"Hindi ata kayo sabay pumasok ng pinsan mo ah?" bati ni Mang Kanor, Guard ng Village.
"May Quiz daw Mang Kanor, nauna na sakin," sagot ko "Una na ho ako Mang Kanor." ngumiti lang siya at tumango.
Ilang minutong lakaran lang ay narating ko na ang school at 'yon nanaman ang mga tingin nilang hindi maganda, mga taong inis at galit sakin kahit wala naman akong kasalanan sa kanila.
Narating ko ang gusali ng mga STEM (Science, Technology, Engineering and Mathematics) at dumeretso sa room namin, as usual ini-iwasan nila ako dahil napaka wirdo ko raw. Umupo ako sa sarili kong upuan sa likod at wala akong katabi rito dahil walang gustong tumabi sakin.
'Ahhh Damn! I really like her!'
Rinig kong bulong ng isang kaklase kong lalaki na nasa harapan habang naka tingin sa kaklase naming babae na naka upo saaking harapan. Creepy right? Paano ko narinig ang tinig niya nang hindi bumubuka ang kaniyang bibig kung nasa likod ako at siya naman ay nasa harapan? That's why they call me weirdo, naririnig ko ang isip nila.
BINABASA MO ANG
The Anomalous: Home of Gifteds [COMPLETED]
Bilim KurguA world like yours but a little different from ours. We have something that you don't have; if you exist, then so do we. -- She who reads minds is the byproduct of multiple experiments. She who fights and they who're like her. Follow her, help her w...