___
"Hindi ko na ito patatagalin pa. Please come here on stage, Mr. Dennis Mercado." puno ng tamis at abot tengang ngiting anunsyo niya.
Nag palakpakan ang mga tao ng umakyat sa stage si Dennis a.k.a Oner. Hindi ito naka suot ng toga gaya namin kundi isang itim na T-shirt na pinapatungan ng itim na leather jacket at pinarisan ng kupas na ripped jeans.
Nag palakpakan ang mga tao ng maka akyat na ng tuluyan si Oner sa stage at tumabi sa Director.
"Kaya pala nakita ko siyang naka silip sa likod ng back stage kanina." rinig kong sabi ni Chin.
"Please come and join us here, Ms. Vine Corola." pagka sabi niya nito ay magkahalong gulat, takot at kung ano-ano pang pangit na pakiramdam!
'Hindi...'"Woah! 'Di ba pinsan mo 'yon Azaria?! Ang galing!" Sabi pa ni Chin sakin, hindi ako sumagot kundi pumalakpak ako ngunit napangibabawan ng takot ang aking nadaraman.
Napalingon ako sa harapan at halos maiyak ako nang makit ako si Tita Melisa, Naka takip ito sa kaniyang bibig 'di mawari ang itsura at umiiyak ng tahimik.
"And last, Ms. Azaria Empiree! Come here please!" sa pag banggit niya ng aking pangalan ay tila gumanda ito ng siya ang nag banggit.
Halos mabingi ako sa ingay ng palakpakan at sigawan ng aking mga kaklase at kaibigan. Naguguluhan akong lumingon sa mga kasama ko at nakita kong halos silang lahat ay tuwang-tuwa. Masaya para sa akin dahil isa ako sa mga napili.
"Azaria! Go!" nagising ako sa pag iisip ng marinig ko ang sigaw ng mga kaibigan ko habang naka turo sa stage.
Tila napag sakluban ako ng langit at lupa dahil sa aking narinig. Hindi lamang si Vine kundi maging ako ay napili. Hindi na malabong maging kakaiba nanaman ang takbo ng aking buhay dahil lang sa simpleng anunsyo na ito.
Sila...
Sila ang kumuha sakin noong bata pa ako.Nang marating ko ang tabi ni Oner at Vine ay tila bumagal ang lahat sa aking paningin. Ang palakpakan, ang galak at hiyawan nila ay tila nakakabingi.
"They are the chosen students from your school. The Gifted students who deserve this place. Please give them a round of applause! Congratulations." yun lang ang sinabi ni Director at bumalik na ito sa kaniyang pwesto sa tabi ng iba pang Boss.
Na-iwan kami sa gitna ng stage at pinanood ang dagat ng mga studyanteng naka puting toga na nag sisigawan at nag papalakpakan sa amin. Maging ang mga magulang na naka pwesto sa likuran ay ganoon din ang reaksyon. Tuwang tuwa maliban kay Tita na halos hindi na makilala sa pag iyak.
Napalingon ako kay Vine ng hawakan niya ang palad ko. Tinignan ko siya at bumaba ang tingin ko sa kabilang palad niyang hawak din ni Oner.
Bilang pag tatapos at pag papasalamat ay nag bow kami ng pagka baba-baba.
BINABASA MO ANG
The Anomalous: Home of Gifteds [COMPLETED]
Science FictionA world like yours but a little different from ours. We have something that you don't have; if you exist, then so do we. -- She who reads minds is the byproduct of multiple experiments. She who fights and they who're like her. Follow her, help her w...