Special Chapter - Natashia Fiazco

253 11 0
                                    

Special Chapter - Natashia Fiazco

"Subject 001, show them what you got." kalmadong anang babaeng syantipiko.

Nag taas ng tingin ang dalaga na ngayon ay si Natashia at tumitig sa stage kung nasaan nasa likod ng salamin at naka tayo habang nanonood ang bagong Chairman Hindrix. Masama ang tingin nito sa dalaga kaya napa buga na lang ito ng hangin at muling ibinalik sa kaharap ang paningin.

Nasa limang asong itim na halos kalahati ng laki niya ang mga ito. Nag pupumilit kumawala sa sa kulungang bakal. Kahol ng mga aso na ito ang maririnig sa buong lugar, hindi nito narinig ang mabilis na anunsyo ng syantipiko dahil nag bukas ang kulungan ng mga aso dahilan para mapatakbo ang dalaga papunta sa kabilang dereksyon ng silid at doon tumalon upang maka patong sa taas ng ilaw na naka dikit mismo sa pader.

"Fight them, Subject 001! use your abilities!" isang malakas na sigaw mula sa babaeng syantipiko.

Habang nag oobserba sa mga aso sa ibaba ay hindi niya maiwasang maalala ang mga bagay na nangyari isang taon na ang naka lilipas. Saglit nitong tinitigan ang bagong Chairman na hindi rin nawala ang tingin sa kaniya at bumaba ang tingin nito sa mga asong nasa ibaba niya.

Maya-maya ay mula sa kung saan ay kumalat ang kulay puti at makapal na hamog. Tumayo siyang tuwid sa kilalagyan at mula rito ay pinalutang ang sarili upang maka layo sa mga asong nasa isang parte pa rin ng silid.

Wala pang isang segundo nang narating niya ang unang aso sa pinaka likuran, nang hilain nito ang buntot ng aso ay mabilis itong naka react kaya naman ay mabilis ng dalaga na sinalo ang panga ng aso at mabilis na inalis ang leeg nito sa isang suntok lang.

Hindi nga siya nagkamali nang makita ang mga bakal sa loob ng aso at ang gas na tumagas dito matapos niya alisin ang ulo sa katawan ng aso.

Mga robot ang kaniyang mga kaharap.

Dahil nga sa mabilis na nakuha niya ang atensyon ng iba pa ay mabilis ang mga itong sumugod sa direksyon niya, nagpaka wala siya ng suntok at sipa sa iba't ibang direksyon ngunit sa 'di ina-asahan ay bigla itong nakabig dahilan para pagka guluhan siya ng mga asong robot.

"Subject 001, dead." kunwaring anunsyo ng babaeng syantipiko nang hindi niya matalo ang mga robot na aso. Wala pang isang segundo nang tumugil sa pag galaw ang mga aso.

"Bring her to the lab, give her all the remaining dosage." sa wakas ay nag salita ang Chairman.

Muling gumapang ang takot sa kabuuhan ng dalaga, nag tatakbo ito sa harapan ng salamin at nag maka awa ngunit tinalikuran na siya ng Chairman. Ang sumunod na nagyari ay ang pag pasok ng mga syantapiko at saglit siyang tinurukan ng pampatulog bago nawalan ng malay.

___

Matapos ang laban sa ranking day ay itinanghal siyang Upper Rank 1, ang nag iisa ang pinaka malakas sa buong isla. Bilang premyo ay ginawaran siya ng isang gintong maskara ng Chairman upang maitago ang kaniyang totoong mukha.

"Salamat," hindi totoong ngiting anang dalaga.

___

Isang araw sa tabing dagat ng Hive, sinundan ni Natashia ang kaibigang si Cedric. Pareho nilang tinanaw ang papalubog na araw kasama na ang isang kakaibang enerhiya na bumabalot sa isla.

"I just killed today," panimula ng dalaga. Nag baba ito ng tingin sa mga paa. "I burned then alive."

Hindi siya tinapunan ng tingin ng kaibigan ngunit makikita sa reaksyon nito ang gulat saka ito natawa.

"How many people did you kill?"

"Seven, this is my first time."

"I killed half of the population in my village before, it was a mistake."

Nag taas ng tingin ang dalaga at ngumiti sa kaibigan. Totoo man ito o hindi, alam niyang sinabi ito ng kaibigan para gumaan ang kaniyang pakiramdam.

"You know that I like you, right?" anang dalaga.

"I know," ngayon ay nag baba ng tingin si Cedric, "And we can't be together."

"What?! Are you turning me down?" itinuro ng dalaga ang sarili, "The highest and the one and only Upper Rank 1?!" nag mayabang ito.

"Yes."

Sabay silang natawa.

___



'Kamusta ka na, Azi?'
"We found nd her," nagulat ang dalaga ngunit hindi niya ito ipinahalata. Nababasa nga pala nito ang kaniyang isipan. Mabilis na nangilid ang luha nito nang isang araw ay iabot sa kaniya ang isang kahon ng gintong gown at kasama na rito ang kaniyang gintong maskara.

"She's studying and living her life, hindi ka ba naiinggit sa kaniya?" ang Chairman. "You saw her, you even punched her. Why did you not bring her to me?" patuloy nito.

Hindi sumagot ang dalaga.

___

Hayun siya, tinutugtog ang violin at ang pyesang pareho nilang paborito. Inaya siya ng Chairman na sumayaw, kahit sa labag sa kalooban ay tinanggap niya ito. Nang matapos ang pag sayaw ay siyang pag tulo ng luha na kanina pa niya pinipigalan, nang mag angat siya ng tingin sa entablado ay nag salubong ang kanilang mga mata.

'Hello, Azi.'

END

The Anomalous: Home of Gifteds [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon