/ 45 / The Crown of Egypt

278 8 0
                                    

___

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

___

NASAAN na ba kami? Kanina pa kami palakad-lakad sa loob ng pyramid at kung saan-saan na lumiko at pumasok ay hindi pa rin namin natutunton ang centro ng pyramid.

Namatay kasi ang hologram ng mapa ng pyramid. Bigla na lang kasing may kung anong enerhiya ang bumalot sa lugar at kahit anong device na gamit namin ay nawalan ng silbi.

"Nasaan na ba tayo?" tanong ko at mas pinakiramdaman ang paligid.

"I don't know..." bulong ni Vine. Naka hawak pa ito sa pader dahil natatakot ito at upang alalayan ang pag lalakad. Hindi kasi sapat ang apoy na galing sa kamay ni Reaven upang maging liwanag namin.

"Wala ka na bang makita?" tanong ni Ice kay Royce. Kanina pa kasi ito naka aniyong pusa habang nasa likod niya naka sakay si Ice.

"Wala po, may kung anong bagay ang humaharang sa paningin ko. May mga kung ano sa mga pader rito sa lo--"

"Shh!" hindi naituloy ni Royce ang paliwanag ng patahimikin siya ni Natashia. "Naririnig niyo ba 'yon?"

"Alin?" halos sabay-sabay naming tanong.

Maya-maya pa ay namutawi ang katahimikan sa amin. Halos malag-lag ang puso ko nang sa isang iglap ay isang higanteng palakol ang biglang nahulog sa pagitan namin!

"Vine!" sa isang sigaw na iyon ni Liath ay lahat kami napunta kay Vine ang tingin. May kung parte sa pader siyang nagalaw at tila umatras iyon.

Hindi pa doon nag tatapos ang nangyari dahil isang mabagal hanggang papabilis na pag kaskasan ng mga bato ang aming narinig. Sa isang iglap ay malapit na sa amin ang dalawang pader na handa kaming ipitin. Mabilis kong ginamit ang kapangyarihan ko upang pigilan ang dalawang pader.

"What the fuck! Do something!" napa mura na lang ako dahil kulang ata ang kapangyarihan ko upang pigilan ang dalawang pader. May kung anong lakas ang tumutulong sa mga ito upang dumoble ang tibay at lakas ng pag tulak.

Nagpa-panic ang ilan sa amin habang ang iba ay nag iisip ng gagawin. Tila na blanko rin ang isip ko dahil mas natuon ang aking atensyon sa mga pader na aking pinipigilan.

"Try pushing the walls! Baka meron din dito na mag papahinto sa mga iyan!" utos ni Wade kaya nag simula silang mag tutulak ng mga pader.

"Here!" sigaw ni Lynx at tinulak ang parteng iyon ng pader ngunit mas mabilis pa sa kisap matang nag liparang ang kung anong mga karayom pasugod sa amin. Kung hindi pa pinag yelo ni Ice ang lahat ng butas na pinag munulan no'n ay hindi hihinto ang nag liliparang mga karayom.

"Be careful! baka may ma-activate kayong iba pang traps!" pa-alala ni Natashia.

"The Floor..." bulong ni Oner na tila may ideyang naisip. Nag simula itong hawiin ang mga buhangin na tumatakip sa sahig.

The Anomalous: Home of Gifteds [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon