Past 1

295 6 0
                                    

Rizal Technological University

"Late ka na naman Ms. Reyes! A teacher knows how to manage her time and don't come in late!"

"Sorry, Ma'am Malla. It won't happen again."

Umupo na ako sa pwesto ko.

"Sis , hindi ako papasok sa next subject."Marky, ang baklang kaibigan ko puno't dulo ng lahat kung bakit kinuha ko tong kurso na ito.

"Sasamahan ko si Labs na mag-enroll mamaya."

"Baliw ka ba? Paano kung may quiz agad tayo mamaya?"

"Magsspecial quiz nalang ako. Ipaalam mo nalang na masakit ako."

"Sis, this is college! That won't work."

"Tingnan mo naman oh. Late na nga nakikipagtsismisan pa sa katabi. Do you wanna go out Ms. Reyes?"

"Im sorry, Ma'am. " hiya kong sabi.

Natapos na ang first subject.

"Hoy, bakla, hindi ka talaga papasok?"

"Hindi nga bakla. Mamayang lunch nalang tayo magkita. Sige na. Pumasok ka na. Baka sabihin late ka na naman. Bye,bakla!"

at tuluyan na siyang kinain ng elevator. Papunta na ako sa next subject ko ng bigla akong hinila ng isang lalaki sa man's cr. Dinala ako sa huling cubicle.

"Hoy! Ano ba!Sino ka? Anong gagawin mo sa akin! Tulong! Pakawalan mo ako! Tulong!"sigaw ko habang nagpupumiglas ako sa yakap ng lalaki. Masyadong mahigpit ang yakap nito kaya hindi ako makatingala at tingnan kung sino iyon. Takot na ang nararamdaman ko.

"Shut up! I won't do anything to you."

"Pwes! Bitawan mo ako! Bakit mo ako dinala dito!"

Hinawakan niya ako sa braso at hinarap sa kanya ng bigla niya akong hinalikan at sabay ng pagbukas ng pinto ng cubicle. Hindi ako makareact. Sino tong lalaking humalik sa akin. Leche! Siya ang first kiss ko! Sa CR pa! Pwede naman sana sa hallway nalang! Lakas loob kong tinulak ito at muntik na tong mapasubsob sa inidoro.

Tumingin ako sa mga babae.

"Who are you?" tanong ng babaeng maikli ang buhok.

"A-ako si--" (PAAAAKKKK)

"Stay away from him, you bitch!!!"

Sinampal ako. Teka, sinampal ako? Sinampal ako? Hayop, sinampal nga ako!

"Ikaw, sino ka para sampalin ako ha! at ano? stay away from him? " sabay turo ko sa matipunong lalaki sa likuran ko.

"Hoy! Iyan, itong lalaking ito ang humalik sa akin! Siya ang sabihan mong magstay-away!"

Tumawa ito.

"And you really expect me to believe that!"

"Wala akong pake kung hindi mo ako papaniwalaan, teka, maldita kang haliaparot ka ha!" hinanap ko yung isang karton ng naipon kong dust chalk sa bag ko. Lumingon ako sa lalaki sa likod ko.

"Anong tinitingin mo diyan?"

"Ahm, Me? Nothing!"

"Sabihin mo nga dito, na hindi mo ako kilala, na bigla mo akong kinaladkad dito at hi--hi-nalikan ako. "utal kong sabi.

"Becca, she's my woman!"

"Ano?!!" Becca and me

"Ew. Marcus, this girl? dont you find someone more decent ?"

Ang kapal naman ng mukha ng babaeng to. Ha! Tumingin ako kay Marcus at para itong humihingi ng tulong. Hays. Pag tingin mo palang sa taong to. Habulin na ng babae. Kaya, no doubt.

"Ahm, Becca,right?" pekeng ngiti ko sakanya.

"Yes?"

"If you'll excuse me...ahm no us pala. We are still in the middle of something. So.." dahan dahan kong sinarado ang pintuan ng cubicle ng pinigilan nito ng babaeng haliparot.

"Wait, what are you going to do? I'll report you if you do something unncessary!"

"Ahm, Here." Binigay ko sakanya yung karton ng dust chalk. Hindi niya malalaman na dust chalk ang laman dahil nakakarton ito.

"What is this?"

"Bayad namin para hindi kami isumbong. You know,Becca, I really treasure that one. So I'm sacrificing it. Please don't do anything of it. Don't throw it hard. Adiue!"

Mabilis kong sinarado ang pintuan. Malalakas na katok ng hampas ng kamay ang binigay ni Becca samin. Nagsisigaw ito sa loob ng CR.

"Takpan mo ang ilong mo!"sabi ko kay Marcus na gulat sa pangyayari. Ginawa naman nito at

(BLAAAAGGGG!!)

Tinapon ni Becca ang box of dusty chalk sa pintuan ng cubicle namin. Sumabog ito at ang kalahati ng dusty chalk ay kumapit sa katawan ni Becca. Sumigaw ito sa inis.

"AAAAAAAAHHHHH! I hate you! I'll report the both of you!" patakbo itong lumabas.

Nakatakip pa ang kamay ko sa ilong ko ng bigla akong nagsnort dahil pinipigilan ko ang tawa ko. Lumingon ako sa lalaking nasa likuran ko at tumawa rin ito.

"Thank you. I'm sorry kung a - ahm"

"I'm Rain. Rainica Gomez Reyes. " sabay lahad ng kamay ko.

"Nice meeting you, Ms. Reyes. I'm Marcus Aries Roxas Arrieto" malumanay niyang tinanggap ang kamay ko. He smiled to me genuinely with the chorus of our shared laughter.

Gloomy BlossomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon