Chapter 12

104 4 0
                                    

It was almost 2 days and until now hindi ko pa rin nabibigay ang letter at nakikita si Marcus. Ilang ulit na akong bumabalik sa site pero wala siya roon. Tinatanong ko din si Jessica if kasama niya ito ngunit nagiging busy na rin Jes kaya sa madalas na siya sa faculty. Minsan nga naabutan ko si Grace sa site kaso nasa meeting daw si Marcus. Hays! Pasakay na ako ng jeep ngunit puno ito. I turn my head left and right kaso wala na talagang space. Magtatangka na sana akong bababa ng may biglang tumayo at bababa sa jeep. Pababa na ito na nakatakip ang mukha gamit ang brief case nito. Nakababa na siya at hinawakan ko siya sa wrist. Nahihirapan itong takpan na ang mukha nito. Sumilip ako sa direksyon kung saan makikita ko ang mukha niya ng biglang...

"Miss ano sasakay ka ba?" sigaw ng driver. Nagbubulungan na din ang mga tao sa loob. Binitawan ko na ang lalaki at dali daling naglakad palayo. I checked the time. I still have 10 minutes to arrive. Muli akong tumingin sa lalaki ngunit wala na siya sa drireksyon na yon. Sumakay nalang ako.

Nakarating na ako sa building namin. When I saw Jessica again.

"Jes, nagkita na ba kayo ni Engr?"tanong ko kay Jes habang nagfiflip ng mga papers habang naglalakad. Nahihirapan to sa iba niyang hawak.

"Tulungan na kita."sabi ko. Napatigil naman si Jes na parang may hinahanap sakin. Inayos ko naman ang buhok ko para mawala ang awkwardness nagtataka na siguro siya kilos ko dahil hindi naman ako ganito dati.

"Teka. Bakit ako ang tinatanong mo Rain? e toka mo na ngayon?"

Nilagpasan na ako ni Jes pagkatapos niyang sabihin yon. Oo nga noh. Yeah right. Pupuntahan ko siya sa site nila mamaya. I'll make sure na makikita ko siya sa araw na to. Tumingin naman ako sa bitbit ko and I realized na wala rin palang kwenta ang pagtulong ko kat Jes.

My morning classes are done. Nasa faculty na ako while holding my phone. Nag iisip kung dapat ko ba siyang tawagan or nah? Wala naman siguro malisya sakanya dahil work to. I tried to dial his number and ive been dialing it for almost 10 times. Hindi pa rin siya sumasagot! I drop my phone so hard causing a noise. Nagulat naman ang mga kasama ko sa faculty. I showed them peace sign. Huminga na ako ng malalim and decided to go in site.

"Tao po." sabi ko sa mga constructiom worker doon na naghahakot ng hollowblocks.

"Good morning po , Ma'am. Hinahanap niyo ba si Sir?"sabi naman nito. Mabuti nalang at pinakilala ako ni Marcus sakanila noon at least medyo pinagkakatiwalaan ako ng mga to.

"Opo. Andito po ba siya?"mahiyain kong tanong

"Kakaalis lang po, Ma'am pero si Architect Grace nasa loob po."sabi nito sabay turo ng state room.

Ngumiti nalang naman ako dito at humingin ng paumanhin.

"Alam niyo po kung saan siya pupunta?"

"Ay hindi po namin alam, Ma'am baka si Architect alam niya."

"Sige. Salamat po."

Aalis na sana ako pero nagtanong ulit ang kausap ko.

"Ma'am di niyo ba tatanungin kay architect?"

"Ay hindi na ho. "sabi ko

Saktong pagkasabi ko saka din ang paglabas ni Grace.

"Anong ginagawa mo dito?"pagtataka ni Grace

"Ah-ahm" hindi ako makasagot. Ano nga ba ang ginagawa ko dito?

"Ma'am, hinahanap niya po si Sir." sabi nong worker. Hindi ako makatingin kay Grace.

"Why?" tanong ni Grace na nakatingin sakin

Bigla ko naman naalala na ako nga pala ang nakatoka sakanya

Gloomy BlossomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon