Tatlong araw na akong hindi pumapasok. Kanina pa tawag ng tawag si Sir Rey.
"Magresign na lang kaya ako. Ishhh! ang pangit naman sa record! Anong idadahilan ko? Dahil sa Engr.ng university!hays. Bahala na! Tutal gusto naman akong umalis na doon."
"Hello"
"Mabuti naman at sumagot ka na! Ano ng balak mo ha! Sabihin mo lang samin kung hindi ka na papasok! Kung ako lang ang masusunod , matagal na kitang tinanggal sa trabaho. Lecheng to!"
"Sorry po, sir. Wag po kayong mag-alala. Magreresign na po ako."
"Pumasok ka na dito! Dahil ako ang pinapagalitan ni Dean sa pagkairesponsable mo! Anong ginawa mo nong araw na iyon ha? at bakit hindi ka na pumasok pagkatapos noon"
Nagmemake face ako habang nagsasalita si Sir. Nilayo ko saglit ang phone ko sa tainga ko at kunwari si sir iyon at niyaya ko sa suntukan. hays! Naku, pag nalaman ng mga ito ang tungkol saamin ni Marcus noon. Sigurado akong papakyawin ako ng mga masasakit na salita. Mga tsismosa!
"Sir, nagkaproblema po kasi sa apartment ko kaya nagmamadali po akong umalis noon kaya po--"
"Oh ano tatlomg araw may problema ka diyan sa apartment mo? Naku naman, Reyes! Sakit ka talaga sa ulo."
"Sir, ano po kasi. Nanakawan ako. " i fake cried
"Pasensya na po kayo, Sir. Kinuha po yung pangbayad ko sa apartment at tsaka --yu-yumg pe--pera ng mga bata." utal kong sabi habang kunwaring umiiyak.
"Ano? Bakit hindi mo sinabi kaagad? Ano? Okay ka lang ba? "
"Okay na po ako, Sir. Naayos ko naman na po yung problema pero natatakot pa rin po ako kasi bumalik ulit yung mga nagnakaw at wala ng matira sa akin. Kaya sir, napagdesisyonan kong maghanap ng trabaho na magooffer sa aking ng malaking halaga"
"Sira ulo ka ba! Nakakontrata ka dito. Kaya wag mo akong dadaanan sa mga ganyan mo.Wag kang mag-alala. Kakausapin ko si Dean para sa university dorm ka na muna titira tutal ikaw naman inatasan niyang makasama ng Engr.baka kasi ---"
"Po?! SIR! OKAY LANG PO AKO DITO! Wag na po! Papasok na po ako bukas. Promise sir, maayos la---"
"Ano ka ba! Dito ka na muna tumira. Para kang ano diyan. Baka kasi kakailanganin niya tulong mo makipag-usap sa ibang workers"
"Sir, Nako! Ahm.Okay lang po if mag oovertime ako! Wag lang ako titira diyan Sir ok---"
"Basta. Kakausapin ko na si dean! Oh siya, Pumasok ka na bukas!
I throw my phone after the convo and thank God, it landed on my pillow.
"Seriously?!Why?Why?!"
Kinuha ko ulit ang phone ko at sinubukan ko ulit tinawagan si Sir pero hindina ito sumasagot kaya napagdesisiyonan ko nalang na itext ito.
"Sir,okay lang po ako dito. Maghahanap na lang po ako ng bagaong apartment na malapit diyan para kahit papaano magabayan ko si Engr. Sir, hin---"
Naputol ako sa pagtetext ng nagtext si Sir.
"Reyes, mag-impake ka na. Susunduin ka na maya maya ni Engr. Wag ka ng umangal diyan. 43 Acacia St., Cembo, Makati City? Iyan ba yung address mo. Reply. ASAP!"
"WHAT?!!! OMG! ANONG GAGAWIN KO? Hindi sigurado si Sir sa add.ko. A-a - ahm, ishhhh! Anong gagawin ko?"
"Sir,wala po ako sa bahay. Nasa Muntinlupa po ako ngayon. Sir, kakausapin ko nalang po si dean bukas na ----"
Naputol na naman ang pagtetext ko ng
"Reyes, pagbuksan mo si Engr. andyan na sa apartment mo!"
"ANO?!"
BINABASA MO ANG
Gloomy Blossom
RomanceA teacher that is bound to love an engineer but as time goes by, love withered when every thing are against on the love their trying to blossom. Would they end up together? 🤔 Hi. Enjoy reading and continue to support this book. Main Characters: R...