Chapter 3

171 6 0
                                    

3
Nakarating na kami sa university dorm. Tinigil ni Marcus ang sasakyan.

“We’re here”

Dali-dali ko naman binuksan ang kotse nito at dumiretso sa compartment para kunin ang mga bagahe ko. Hindi man lang ako tinulungan ng mokong. Nakatayo lang siya tabi ng kotse nito.

“Ako na bahala sa mga gamit ko. Magpapatulong na lang akong iakyat ito kay Mang Gardo sakaling makita ko siya.”

“I’m here to help you. Akin na mga yan. Paano kung hindi mapadaan si Mang Gardo dito ha.”

“Madami naman mga estudyante diyan e. Tutal mga atleta naman mga nagdodorm dito. Akin na yan. Hinatid mo na ako dito. Huwag mo ng dagdagan ang utang na loob ko sayo.”

“Akala ko ba I’m Engr.Arrieto and I should act like one? I’m helping you as the Engr. of the university not some guy of your past.”

I rolled my eyes to him and murmurs some rituals cursing him for being the dumbass somehow getting attractive.

“Bahala ka!” Nauna na akong naglakad bitbit ang pinakamagaan na gamit ko. Isang suitcase at 2 travel bag lang ang dinala ko. Hindi naman kasi ako titira dito habang buhay.

Sa hallway ng dorm may mga nakatambay na mga athletes at nagpapatugtog ng gitara. Isa sakanila estudyante ko at agresibo naman biglang kinuha ang bitbit ko.

“Ma’am Rain, anong ginagawa niyo po dito? Ma’am bumalik ka na sa klase namin. Ang boring ni Mr. Rey magklase e.”

“A-ahm. Oo naman. Babalik na ako bukas. May inayos lang ako. Nagkaproblema kasi samin.”pagsisinungaling ko.

“Ganoon po ba Ma’am. E, ano pong ginagawa niyo dito?”

“Are you just going to have a conversation here? Tumabi nga kayo sa dinadaanan ko.”

Nagulat naman ako sa sinabi ni Marcus habang hingal na hingal tinutulak ang suitcase ko. Nahirapan atang iakyat ito.

“Sino naman yang lalaking yan? Teka lang Ma’am ha. Binabastos ka e.”

Lalapitan na sana ni Jerome ng pinigilan ko siya. Hawak hawak ko ang wrist neto.

“Huwag na, Jerome. Engr.natin yan dito sa university. Humingi lang ako ng tulong sakanya iakyat yang gamit ko.

“Gamit mo, Ma’am? Bakit po?”

“Dito na muna ako titira.”

“Po? Bakit ditto Ma’am? Ano ba iyan Ma’am. Hindi na kami makakapagparty ditto niyan.”

Ngumiti naman ako.

“Seems your having fun staying here huh?”Marcus

“A-ahm” Bigla ko naman binatawan ang kamay ni Jerome at humarap ako sakanya

“Nalagay mo na ba yung suitcase ko sa loob?”

“Yeah. Mukha atang may mag-aasikaso naman na sayo rito. So you’ll feel safe.”

“HA?” pagtataka ko naman dito. Tiningnan ko siya ng diretso pero hindi ito makatingin sakin dahil ang mga mata nito ay na kay Jerome.

“Ah. Si Jerome ba? Estudyante ko siya sa World Lit. magaling na bata sa klase.”

Tiningnan naman ako nitong pabalik na parang winawarningan ako.

“I’ll get going.”Marcus
Nilapampasan naman na ako nito at mabilis na naglakad. Sinilip ko naman ito sa baba at mabilis niyang pinaandar ang sasakyan nito at Nawala ng parang bula.

“Crazy!Hindi man lang nagpaalam ng maayos” bulong ko naman sa sarili ko.

“Psh. Yabang naman no’n. Kala mo kung sino.”sabi naman ni Jerome na may pangisingisi pa.

“Sige, Jerome mauna na ako. Mag-aayos pa ako ng mga gamit.”

“Tulungan na kita ditto Ma’am.”

“Salamat.”

Natapos ko naman naayos ang mga gamit ko sa 2 oras. Papunta na ako sa HDA para humingi ng sorry kay Sir Rey at Ma’am Joe.

“Sir, sorry po talaga. Hindi na po mauulit."

“Hay nako, Reyes, kung ako lang ang masusunod, tatanggalin na kita sa trabaho.

Swerte mo lang dahil Ma’am Joe let it slide. Next time kung magmamadali ka. Wag kang dadabog sa pagsara ng pinto!”sermon naman nito sakin.

“Pasensya na po kayo Sir.”

“Wag ka saking mag sorry. Doon ka kay Ma’am Joe, magsorry. Bilis na. Ayusin mo ha.”

“Sir, wala po bang sinabi si Ma’am Joe sa inyo?”

“Wala, pinapagalitan ako tuwing naabutan ako ditto sa office.Alam mob a iyon?”

“Sorry tlaga, Sir. Wag po kayong mag-alala. Aayusin ko po ito.”

Kumatok ako sa office ni Dean pero hindi ito sumasagot kaya nag-atubli na akong pumasok doon at nandoon si Marcus kausap nito.

“Oh Mabuti naman at pumasok ka na Ms. Reyes. Kung hindi ka pa pinuntahan ni Engr. wala kang balak pumasok.”

“Ma’am,Sorry po. Nagulat lang po ako sa pangyayari.”

“You’re teacher, Ms. Reyes. If you really love teaching kahit anong mangyayare hindi mo iiwanan ang klase mo. Instead of dealing with your problem why don’t you devote your time in teaching at least doon. kKahit papaano, mawawala sa isip mo ang problema mo.”

“I’m sorry, Ma’am.”

“Oh siya maupo ka.”

Umupo naman ako.

“Anyway, seems like you two know each other. At parang—”

“Ma’am Joe can we not talk about it. At sana wag mo ng ipaalam sa iba pa. I already talked to mang Gardo and he understands my reasons.”seryosong sabi ni Marcus.

“Of course, Engr. Nacurious lang ako. Anyway, total ditto na titira si Rain sa loob ng university. Tawagan mo nalang siya kung may kakakilanganin ka dito sa office at iiwan ko nalang sakanya ang susi. Maayos naman ba ang tent niyo doon Engr.?”

“Oo, Ms.Joe. Nothing to worry about.”

“Mabuti naman. Oh siya rain samahan mo na si Engr na itour siya kasama si Mang Gardo.”

“Ma’am bakit pa po baa ko kailangan. Hindi niyo ba nahuli nakikipag-usap siya sayo sa Filipino.”

“Ha? A-ahm.Ano ka ba, Rain. Wag kung ano nga pinagsasabi mo. Sige na humayo na kayo.At tsaka, Rain. Parusa mo yan sa tatlong araw na hindi mo pagpasok. Hindi ko babawasan ang sweldo mo at mas lalong dadgdagan ko ito sa pagtulong mo kay Engr.”

Matilas ko naming tiningnan si Ma’am Joe na pang may tinatago ito. Kanina pa sila nag-uusap ng Filipino at hindi man lang ito napansin. Imposible naman. Malaman ko lang na may kinalaman si Marcus dito. Papakasalan ko to! Este, Sasakalin ko!

Tumayo naman na ako at nauna ng lumabas. Ngumiti naman ako kay Sir Rey at nag thumbs up. Nagroll eyes lang naman ang lola mo. Naglalakad na kami papuntang building na malapit sa dorm ko. Doon din sila nagtent.Kung ako lang naman tatanungin mas gusto ko na sanang magjeep kaysa lakarin ito pero napagdesisyonan ng kasama ko na maglakad nalang daw para makdiskubre ng pwedeng idesign.

“Aren’t you hungry? Mukhang hindi ka kumain kanina pa.” Marcus.

“Hindi naman. Busog pa ako. Tsaka diet ako.”

Pigil tawa naman ito.
“OH ANONG TINATAWA TAWA MO DIYAN?”

“Ha? Ahm wala. You’re getting fat na kasi.”

“Wala e. Mas gusto ko na nitong katawan.”

“Better para wala ng magkagusto sayo.”

“Anong sabi mo? Kapal mo rin eh noh. Hoy kahit ganito katawan ko madaming umaaligidligid sa akin.”

“okay sabi mo e.”

“Bahala ka. Diyan ka na nga!”mabilis naman akong naglakad at sinabayan naman ako ng mokong
10 minutes na kaming naglalakad at malayo layo pa kami. Kinain na rin kami ng katahimikan.

“Can I ask you something, Rain?”

“Ha? Ahm, Ano yon?”

“I’ll ask you as Marcus not as Engr. Arrieto.”

“Marcus, kung ano man yang itatanong mo. Hi-Hi-ndi pa rin ako kom-po-portable pag-usapan.”

“This is just a simple question.”

“Okay. Ano ba yon?”

“Bakit hindi ka sumipot sa engagement party natin?”

Napatigil naman ako sa paglalakad at bumalik ang mga alaalang ayaw kong alalahanin pati ang sakit na pinaramdam niya sa akin. Simple question huh?

“Bakit hindi ikaw ang sumagot niyan?"

“I’ve been asking myself for 3 years and I don’t still know the reason why? Bakit ha? Bakit?”

“Kaya ka ba nandito para malaman kung bakit?”

“I’m not here because of that. I don’t even know that you’re working here.”

“Stop acting like you don’t know anything Marcus!” Sigaw ko ditto.

Tumigil ang mga estudyanteng napapadaan at tumingin naman sila sa amin. Frustrated akong naglakad at nilampasan ko siya. Hays! I’m also not here because of you! Ginagawa ko to as a work! Shame on you!
Pinigilan ako ni Marcus.

“BAKIT?”

“You cheated on me! I saw you and Trisha kissing before our engagement party! Ano? Ano pa gusto mong malaman ha? Ano gusto mong malaman kung paano ko dinamdam yon? Na maski trabaho at buhay ng ibang tao naapektuhan dahil sa desisyon ko? Na wala ng natira sakin kundi sarili ko dahil iniwan kita sa mismong engagement party na yon! Without knowing why! Alam mo kung bakit hindi ko sinabi ang rason kahit kanino man? DAHIL AYOKONG MAGMUKHANG KAWAWA NA AKO ANG NASAKTAN! Ginawa ko iyo para ikaw ang kawaan. Ayokong magmukhang mahina sa mata ng mga tao. Malupit na ako kung malupit, wala na akong pakialam! Oh, ano masaya ka na ng malaman mo? at pwede wag kang mag assume na gang ngayon malaki pa rin epekto mo sa akin. Matagal na akong walang nararamdaman sayo”

Tinulak ko ito ng malakas at wala na akong pakialam sa iniisip ng ibang tao. Tinatakpan na ng mga luha ko ang paningin ko ga’t nabangga ako sa isang tao.

“Rain, bakit ka umiiyak?”

Nagulat naman ako sa Nakita ko mahigpit ko itong niyakap.

“Raul, andito siya. Please, ilayo mo muna ako sa lugar na ito. Parang awa mo na.” Sabi ko habang umiiyak ako.

Nasa loob na ako ng sasakyan ni Raul at umaandar na ito. Tumingin ako sa side mirror at nakito ko si Marcus na nagpupunas ng mukha.

“Hanggang kalian mo ako paparusahan,Marcus.”bulong ko sa sarili ko at tuluyan ng umiyak kasabay ng pagbuhos ng mga mapapait na nankaraan.

Gloomy BlossomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon