Umaalingasaw ang baho ng sigarilyo mula sa hininga ni Tita Rosanna habang mini-makeup-an nito si Cyra.
Parte ito ng kanilang routine bago tumawag ang Papa niya. Kinakailangang magmukha siyang maayos, malusog, at kinakailangang matago ang mga litaw na pasa sa kanyang mukha para hindi maalarma ang Papa niya—kung Papa niya ngang maituturing iyon.
She wasn't excited at all. Noon, para sa kanya'y pagkakataon niya na ito upang maisumbong ang mga karahasang nararanasan niya, upang makahanap ng dagdag na kakampi. But her father, Isidro, wasn't sensitive enough to hear her trapped cries.
"Alam mo na ang gagawin mo ha?" sabi ni Tita Rosanna.
And though it sounded calm, Cyra knew it was just pretend. There's a hint of threat in it, na hindi ito mag-aatubiling saktan siya ulit sa oras na tangkain na naman niyang magsumbong.
Her Tita Rosanna was forty-two. Lumalaylay ang taba nito sa braso, ang tiyan din nito'y nauuna sa paglakad. Her face wasn't even something you would call pretty. Paarko ang kilay nito, panguso ang bibig, at malaki ang ulo. But she has the power to transform sa tuwing nababahiran ng make-up ang mukha. Might be the reason why she's confident on putting make-up on Cyra to conceal her scars.
This is Cyra's first time on seeing her face again in a mirror. Sa silid niya'y nakikita lang niya ang hitsura niya mula sa repleksyon sa yelong gawa. At iyon ay nakadepende rin kung maayos ang bumbilya niya, o kung may kuryente sila.
Jaycee was busy setting the laptop sa lamesita. Clicking and typing in commands hanggang sa umilaw na rin ang camera sa tuktok nito.
Hanggang ngayon ay palaisipan pa rin para kay Cyra kung paano niya nakakausap ang Papa Isidro niya sa bagay na ito. At first she thought this was some form of magic. Tinangka niyang hawakan ang mukha ng kanyang ama noon at napagtantong screen pala ng laptop ang kanyang nahahaplos.
"Pst, oi! Ingatan mo iyan," sita ni Tita Rosanna kay Jaycee. "Kapag nabunot pa naman ang charger niyan, bigla-bigla na lang namamatay iyang hinayupak na iyan. Aba'y babayaran mo iyan kapag nasira."
Hindi man kumibo si Jaycee pero kita sa pagbagal ng kilos nito ang takot.
"Ayan, okay na. Mukha ka nang tao," sabi ni Tita Rosanna. Inusog nitong muli ang salamin.
At nang makita ang resulta'y napa-sangayon si Cyra.
She remembered she has hollow cheeks, gawa ng hindi pagkain nang tama. She has brown hair, long, and wavy, and a bit unruly. Pero sa pag-aayos sa kanya'y tila ba nanumbalik ang buhay nito. Tanda niyang ang daming pinaglalagay at ipinahid sa mukha niya ngunit sa nakikita niya'y parang simple lang ito. Simple, in a complimentary sense. Hindi siya nagmukhang clown, gaya ng kanyang kinatatakutang mangyari.
And surprisingly, she smiled a bit.
She looked at Jaycee na naka-standby sa upuan sa 'di kalayuan. Tumango ito.
A rush of heat came in at hindi niya mapigilang mapayuko.
Kumapit si Tita Rosanna sa braso niya, na agad sa kanyang nakapagpalingon. "Huwag na huwag mong kalimutang tanungin ang Papa mo kung kailan siya magpapadala ha? Sabihin mo tumaas ang bill ng kuryente natin at nagmahal ang mga bilihin. Kung kaya mo siyang piliting taasan ang padala niya, pilitin mo ha?"
Napatingin siya sa matinding pagkapit nito sa kanyang braso. "Opo, Tita."
Dumating ang tawag ilang minuto ang makalipas.
Tita Rosanna let a few beats sink in at umabante siya para tanggapin ito. Umitim ang screen, at ilang sandali pa'y nasa harapan nang muli ni Cyra ang Papa niya.
There was always this thought that comes across her mind sa tuwing nakikita niya ito.
Hindi ko siya kamukha, sasabihin niya sa kanyang sarili.
But she would always let it slide baka dahil kagagawan lang iyon ng edad nito.
Papa Isidro was fifty-two. Balbasin at ubanin na rin. His eyes felt snobby but would disappear when he arched his brows or when he smiled, and when he did that too, his smile lines would appear.
They all waved at each other. But out of them three, Tita Rosanna was the energetic one. Malamang ay excited sa muli na namang padala nitong pera.
Cyra smiled too. Tipid nga lang dahil sa naninigas niyang katawan ay hindi niya magalaw masyado ang kanyang mga laman.
They exchanged greetings and cordial talks. But after a short moment, Cyra lost interest. Kinakausap naman siya ng Papa niya, tinatanong kung anong pinagkakaabalahan nito. And Cyra thought if it was appropriate to say that she ate raw frozen meat because of hunger? Would that cause her trouble?
She held herself. She thought of the things she learned from the movies she watched. "Marunong na po akong mag-chess," sabi niya, kahit pa ang hari at reyna lang naman ang alam niyang pyesa.
"Oh, talaga? Ang galing naman nitong anak ko," nakangiting tugon ni Papa Isidro. Ang wrinkles sa mga mata nito'y lumilitaw.
Of all the things Cyra hated in these calls, it was Papa Isidro's avoidance of the ice power thing. It was as if it's a taboo topic they needed to ignore, kahit pa ang rason ng pag-abroad ng Papa niya'y ang pagprotekta sa mga superhuman na kagaya niya. Papa Isidro was one of the Filipino members of Superhuman Rights Organization, an international group that aims to protect the rights of every person like her, born with superpowers, and maltreated by people fearing them.
How ironic it is na ang sarili nitong anak ay hindi nito maprotektahan.
Her termentor was just right here, sitting beside her, pangiti-ngiti na para bang ang bait-bait, ngunit mala-demonyo naman sa tuwing pagbubuhatan siya nito ng kamay.
But her father won't really know the truth if she won't speak, right?
So gathering all the courage she could muster, she broke the silence by chanting everything in an incomprehensible rap-like sentence. Pikit-mata niya itong inulit nang maski siya'y hindi naintindihan ang sarili niya. "Papa, sinasaktan ako ni Tita. Papa kunin mo na ako, ilayo mo na ako rito, ayoko na rito!"
Kahit ilang beses niyang isipin kung anong kahihinatnan nitong ginawa niya, alam niyang ikapapahamak niya ito. Pero 'di bale na, kung ang kapalit naman nito ay ang kanyang kalayaan, handa niyang tanggapin ang kahit anong bigat ng kamay ng kanyang tiyahin.
Pero nang muli niyang idilat ang mata'y wala na ang imahe ng kanyang Papa Isidro. Itim na ang screen ng laptop. Sa gilid niya'y nabunot na pala ni Tita Rosanna ang charger nito.
Nanigas ang kanyang mukha. Nakikita niya ang kamatayan sa mga mata nito.
BINABASA MO ANG
Cyra Must Become a Villain
FantasyCyra spent most of her life trapped in a dark storage room. She was hidden by her Tita Rosanna from the outside world, starved, and abused. All because she was born with ice powers. Wala siyang ibang hinangad kundi ang makalaya sa mala-seldang mundo...