Chapter Five

902 33 6
                                    

Cyra is actually a wanted criminal. That's what Tita Rosanna kept telling her or at least it was what the tabloids kept showing.

She was just five the first time her powers manifested. Nasa playground siya, sinukuan ang assignment niya sa pagdrawing ng limang bagay na hugis bilog. Noon pa man kasi ay hindi siya nagkaroon ng interes sa pag-aaral. Mas gusto niya kasi ang laro.

Sa malamig na hapon ng Disyembre, taong 2002, tahimik na hinihintay ni Cyra na dumating ang kanyang sundo. Nakatayo siya sa isang roundabout, solo niya ito, samantalang ang tatlong kaibigan niyang babae, na hindi matigil sa pagsagot ng assignment ay nasa bench sa may ilalim ng puno.

Sige lang siya sa pagsipa sa lupa para paikotin ang kanyang roundabout at maya't mayang sumisigaw sa kanyang mga kasama na samahan siya. Sa isang field sa may hindi kalayuan, may ilang mga dilag na naglalaro ng volleyball. May mga pagkakataong nadadala siya sa aksyon at nakikigaya sa paghampas kahit pa wala siyang bola.

Nothing bad would happen that day if not for the Grade 3 bullies na dumating.

Agad siyang napalingon nang makarinig ng iyak sa mga kaibigan niya. Nakaluhod ang mga ito at nagmamakaawang huwag saktan ng tatlong matangkad na mga nanggugulo. Dalawang lalaki at isang babae.

Isa sa mga kaibigan niyang babae ang nakatakbo na papalayo, ang isa naman, na katabi nung umiiyak ay nakahawak sa pisngi, kinakapa ang pinsalang natamo. Hindi alam ni Cyra kung bakit hindi man lang niya naramdaman ito bago pa ito magsimula, pero nang heto nga't napansin na niya, agad siyang pumagitna.

"Tigilan niyo ang mga kaibigan ko," sabi niya. Ang mga braso'y nakaharang.

She was already a small scrawny kid back then, which was why the bullies ignored her.

"Bata, iyang mga pinagtatanggol mo, magnanakaw iyang mga iyan. Nasa kanila ang Gameboy nitong kasama ko, kaya kung ako sa'yo tumabi ka na lang. Kung ayaw mong masaktan," sabi ng bully na babae.

Cyra drew a long breath and stood her ground. Wala siyang pakialam kung may katotohanan man ba sa mga sinasabi ng mga kaharap niya, ang sa kanya lang, hindi niya hahayaang magulpi ang mga kaibigan niyang walang kalaban-laban.

Sa ginawa niyang pagharang, siya tuloy itong nakatanggap ng gulpi. Kahit na babae siya ay walang alinlangan siyang sinapak noong mga lalaki. Nagsisigawan ang mga kaibigan niya sa likuran na tumigil na, na ibabalik na nila ang bagay na inangkin, ngunit tila ba walang naririnig ang mga bully na ito.

These kids were smiling. With every kick and blow the give, they felt like a God, like they're immortal, that no one could ever harm them.

It was the first time Cyra experienced violence. And she didn't like it.

When she was about to take another hit, nagawa niyang saluhin ang kamao nito.

Kapit-kapit ang kamay niya rito at kahit anong gawing paghatak ng lalaki ay hindi nito magawa.

Cyra stared intently, her nose flaring, her lips pressed tight.

And if it weren't yet enough to scare the bullies, the sudden bluish glow of her eyes did.

Kasabay no'n ay ang mabilis na paggapang ng yelo sa braso ng batang lalaki. Marahas itong hinila ni Cyra patagilid. And like a peanut brittle, it cracked.

Hindi alam ng mga bata kung saan unang matatakot. Kung sa yelong lumabas sa kamay ni Cyra, sa pag-kulay asul at pagliwanag ng kanyang mata ba, o sa biglaang pagkabali ng braso ng isa sa kanila.

It took them a moment to finally grasp the craziness of the situation.

When the one with the broken arm screamed, all of them followed. Maski si Cyra.

She really had no idea how it happened. She backed away, staring wildly at her palm, at her terrified friends and enemies.

She ran.

And now she can't run anymore. Wala na siyang kayang puntahan maliban sa maliit na espasyong kanyang ginagalawan, at sa paminsan-minsang bisita sa sala at banyong may bath tub.

Ngayong dese-otso anyos na siya, hindi niya na maalala ang litrato ng batang lalaking may putol na kamay mula sa tabloid, at kahit na ikwento ito ni Tita Rosanna sa kanya nang detalyado'y wala pa rin.

Ang malinaw lang na memorya sa kanya'y ang tahimik niyang pagsipa at pagpapaikot ng roundabout, ang pasimpleng panggagaya niya sa mga athleta, at ang tagumpay na pagdating ng kanyang mga magulang sa pagsundo sa kanya.

Pero minsa'y gumigising siya na napapaginipan ang alinman sa mga ito.

This is her reality. When locked up for a long time, her memories get mixed up. Hindi niya na minsan alam kung alin ang totoo sa imahinasyon.

Cyra Must Become a VillainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon