Matagal nang tapos ang topic tungkol sa laban sa pagitan ng bayan at gobyerno, pero itong si Cyra ay halatang hindi pa rin nakaka-move on. "Bakit hindi na lang nila tawagin ang Avengers?"
Katatapos lang ng morning care routine ni Jaycee kay Cyra. Napaliguan niya na ito, napakain, at nalinis na rin ang mga naipong dumi sa gilid ng silid. He was just busy browsing for another movie na ipapanood niya rito nang marinig ang tanong.
Sa pagkakatanda niya'y tatlong araw na rin ang nakalipas mula nang mag-open up siya rito.
Jaycee fought the urge to laugh. "Hindi totoo ang Avengers."
Hindi ito maintindihan ni Cyra. In her head, she was saying, Anong hindi? E tao rin naman sila? Hindi rin naman kathang-isip 'yung powers nung ilan sa mga karakter doon dahil patunay na mismo ang ice powers niya na posible iyon.
Jaycee sensed her doubt. "They're actors."
Cyra was still confused. "Anong actors?"
He wanted to sigh but decided not to. Ayaw niyang isipin ni Cyra na napapagod na siya minsang magpaliwanag ng mga bagay-bagay.
"Wala talagang Avengers," sabi ni Jaycee. "Hindi totoong may taong palipad-lipad diyan na may suot-suot na armor. Iyong nakikita mo riyan, si Robert Downey Jr. iyan. Umaarte lang siya bilang 'yung karakter na Tony Stark."
But Cyra already stopped listening when he said that the Avengers are not real for the second time. Tinamad na siyang alamin kung ano ang isang aktor. But she somewhat got the gist of it after Jaycee started repeating Tony Stark's famous lines. Nakangiti pa ito at tuwang-tuwa sa panggagaya.
Naupo si Jaycee sa tabi niya at ihinarap ang screen ng kanyang phone. "Anong gusto mong panoorin ngayon? Horror? Action?"
"Gusto ko 'yung Rapunzel."
"Iyon na naman?"
"E iyon ang gusto ko," sabi niya.
Gusto sanang kumontra ni Jaycee dahil mas gusto niyang ipanood dito ang panibagong pelikula ng Mission Impossibile, but somehow he understood why Cyra was like this. She can't help but resonate with Rapunzel. Wala man itong mahabang buhok pero nakaka-relate siya sa buhay ni Rapunzel na feeling nga niya'y siya iyon.
Nag-browse si Jaycee sa movie collection niya at nang mahanap ay pinlay iyon.
Hindi maitago ang saya sa mukha ni Cyra. Labas ang ngipin sa pagngiti kahit pa malamig ang pisngi nito. Ang braso'y magkadikit, ang balikat ay nakaangat sa excitement. And she even uttered a shrill na parang kinikilig kahit pa kastilyo pa lang ng Disney ang makikita.
She was even singing the parts. At kahit pa hindi niya alam ang lyrics, kahit minsa'y nag-iimbento na lamang siya ng mga salita ay kuhang-kuha pa rin niya ito. The harmony of it, her voice, and especially the emotion.
It was like a cry for freedom.
Cyra was like a dove wanting to get out of the cage. And it's sad because he actually wanted to help her, wanted to pull out the door and shine the light on her face, except choosing that path would be the greatest mistake. She needed to be here because ironically, this small ugly space that she hated, is the safest.
Nang mapadpad sa dulo ng pelikula'y napakurap siya nang magtanong si Cyra.
"Ano 'yang ginagawa nila?" tanong nito.
He looked back at the screen and saw the two leads kissing.
"They're kissing," sabi niya.
Cyra looked at it questioningly. She wanted to know why two people would do that. Para saan? And why the lips? What's with the lips?
Jaycee saw the curiousity painted visibly at Cyra's face. He knew she had watched this scene a lot of times, so why ask now? Was this her way to say that she wanted to experience it too?
Kung tutuusin may karapatan na siyang isipin ang bagay na iyon ngayon. Wala na kasi sila ng ka-live in niyang si Connie, na siyang dahilan din kung bakit ilang linggo siyang wala rito. Dinibdib niya kasing masyado ang pag-iwan nito sa kanya.
Si Connie, na kasa-kasama niya ng limang taon, ay nagsawa na sa estado ng buhay nila. Lagi na lang daw kasi nilang kailangang mag-ingat gawa ng pagiging wanted niya, at nahihirapan na ito sa ganoon. At kahit pa ayaw sana niya itong pakawalan, alam niyang iyon dapat ang nararapat. Ngayon tuloy ay balik siya sa pagiging mag-isa.
Pero hindi rin naman iyon totoo 'di ba? Naririto si Cyra. Ang isa sa kasa-kasama niya lagi sa loob ng ilang taon.
Would it be alright to kiss her?
He knew Cyra wouldn't mind it for he already had touched her, and she didn't complain. Instead she liked it too. So a kiss is really not big of an issue.
But doing this might confuse things. Why a kiss, of all things? Dahil ba nagpahiwatig si Cyra na curious siya rito? And if he ever allowed it to happen, ano naman kayang dahilan?
He knew a kiss is somewhat a step over the line. She could start viewing him differently than before. Hindi man nito alam ang konsepto ng isang relasyon sa pagitan ng dalawang tao'y alam niyang matutunan din nito iyon nang kusa. She's a human after all. One with a fragile heart.
But there's a force he couldn't control. Subukan man niyang ilayo ang paningin sa mukha nito'y hindi niya magawa. He was drawn to her. And like two magnets with different poles, there's nothing he could do but to give in.
Nilapag niya ang cellphone niyang hawak at hinila si Cyra pahalik.
BINABASA MO ANG
Cyra Must Become a Villain
FantasyCyra spent most of her life trapped in a dark storage room. She was hidden by her Tita Rosanna from the outside world, starved, and abused. All because she was born with ice powers. Wala siyang ibang hinangad kundi ang makalaya sa mala-seldang mundo...