Ang sigaw ni Tita Rosanna ay umalingawngaw sa buong paligid.
Idinilat ni Cyra ang mga mata ngunit malabo ang kanyang paningin. Hindi siya makagalaw at may kanina pang mahapding tumutusok sa kanyang batok. May kung anong tumatagas dito. Ang pisngi niyang nakahalik sa nyebe ay nababasa na ng kanyang dugo.
She was able to enclose some of her wounds in ice at nang hindi siya tuluyang maubusan ng dugo, but with all the energy she had spent a while ago, there's no doubt she's running out of time.
And to make matters worse, may mga yapak ng paang papalapit sa kanila. And they were moving fast.
Ilang mga sundalong nasa itim na uniform ang tumutok sa kanya ng kani-kanilang mga higanteng armas. Tatlong mga kalalakihan ito na kasing laki ng pangangatawan ni Jaycee. Four other men stepped in, wearing long white coats but they were not after her, kundi kay Tita Rosanna.
"I'm sorry po, I'm sorry, hindi ko alam kung bakit ganoon ang nangyari," wika ng Tita Rosanna niya sa mga kalalakihan, "pero pinapangako ko po sa inyo, gagalingan ko pa po ang pag-arte sa susunod. Please, maawa po kayo." Lumuhod ito sa kanila nang ikinikiskis ang mga palad.
Hearing this tone from her was a rare case for Cyra. Ni isang beses ay hindi siya nakarinig ng pag-aalala rito, kahit ang takot ay wala. It was like she's seeing a whole different person.
"Kahit ako na lang ang kunin ninyo," tuloy nito, "huwag niyo lang pong saktan ang mga anak ko. Please—"
But whatever she was about to say was cut off by a gunshot to her head.
Wala mang maikilos na parte ng katawan si Cyra, pero mula sa matinding pagkagulat at takot, bahagyang nanginig ang kanyang katawan.
Tiwala siyang walang ibang ginawang masama ang Tita niya. Lumuhod lang ito, nagmakaawa, at ni hindi man lang humawak sa kanila. Bakit nila ito kailangan patayin?
The one who fired the gun was scratching his head and was cursing in the air. "All those three years of patiently testing—GONE! Mga putangina!"
She knew the voice.
There's no doubt about it. E kakaunti lang naman ang nakakasalamuha niyang tao.
Ang Papa Isidro niya ito. Parehas na laki ng katawan, parehas na istilo ng buhok. Nakasalamin man ito ngayon nang may makapal na frame, ngunit tiwala siyang Papa Isidro nga niya ito.
Pero tama pa nga bang tawagin niya itong Papa? E walang sinumang babaril ng sarili nilang kapatid hindi ba? Papa nga ba niya talaga ito o nagpapanggap lang?
Saka lang nakumpira ni Cyra ang kasagutan nang lingunin siya nito at buntung-hininga lang ang ginawa nitong reaksyon. Kung totoong Papa niya ito, dapat mag-aalala ito sa kanyang sitwasyon. Kung totoong Papa niya ito, siya dapat ang una nitong nilapitan, at noon pa ma'y pinalaya na siya nito, at hindi isinabak sa ganito.
Hindi. Hindi niya Papa ito. Siya man iyong nakakausap niya sa tuwing magvi-video call sila, ngunit, hindi totoong Papa niya ito. Ang tunay na Papa ay may pagmamahal pero wala siyang maramdamang kahit anong awa rito.
"Sir, anong gagawin natin kay Subject-C612?" sabi ng isang armadong sundalo.
Matagal na nag-isip si Isidro bago sabihing, "Hayaan niyo na iyan, mamamatay na rin naman na iyan."
"Pero Sir may tyansya pa po siyang mabuhay," sabi ng isang sundalo. "Nagawa niyang patigilin ang pagdurugo ng sugat niya."
"Anong tingin mo sa akin, tanga? Those bombs are planted on their spine. Do you want me to show you what happens to a damaged spine? Gusto mong maranasan?"
Hindi nakasagot ang sundalo.
"Wala na iyang tyansa," sabi nito saka tumalikod. "Besides, I don't want someone soft. Gusto ko ng villain! Gusto ko ng hindi natatakot pumatay! Iyon ang kailangan nating ibenta!"
Cyra wanted so hard to cry, but she froze all the liquids in her body to keep herself alive, dahil umaasa pa siya, na kahit biyayaan man lang siya ng Panginoon ng isang katiting na milagro—dahil hindi siya makakapayag na ang buhay niya'y magtatapos lamang sa ganito. She believed her real life was yet to arrive, that it was her birthright, and that she only need to take it back.
What made her move was when Isidro ordered some of his men, "Puntahan niyo 'yung mga anak nito ni Rosanna at todasin niyo na. I don't want those kids to grow up and rebel against us. Mabuti nang maagap."
This is one thing she will never allow to happen.
Not those kids. Wala silang kinalaman dito. At ang kitilin ang buhay nila dahil lamang sa takot ay isang malaking kasalanan.
Kumiliti sa kanya ang nasabi ni Jaycee noong nakaraan, tungkol sa kung sinong totoo nilang kalaban.
At nasa harap niya lamang ito.
Hindi man niya nagagawang pagalawin ang kahit anong parte ng kanyang katawan ay kaya naman niyang i-direkta sa malayo ang kanyang atake nang walang kahirap-hirap. Magagawa man nitong ubusin ang kanyang natitirang lakas, ang natitira niyang pangsalba ng kanyang buhay, pero hindi bale na, kung mamamatay man siya, ito'y dahil sa paggawa ng kung anong nararapat.
She concentrated her cold energy at Isidro's chest.
At papalingon pa lang sana ito sa nadamang pagbabago ng temperatura sa kanyang dibdib ay saka biglang nagsilabasan ang mga spike ng yelo.
His blood sprayed everywhere, patalsik din sa mga mukha ng mga kadikit niyang kapwa scientist.
At nang pagbagsak pa lamang nito'y may sunud-sunod na barilang naganap sa hindi kalayuan. Isa sa mga scientist na kaninang kaanib ng mga ito'y bumunot din ng baril nito at itinutok sa ibang mga kasama.
It's like her simple act of killing their leader turned the enemies against each other.
Hindi alam ni Cyra kung anong nangyayari, but she was slowly losing herself to even care.
The bloodbath ended with her still clueless on which side remained. Kung kalaban pa ba niya ang mga ito o hindi na.
May ilang pagyapak na lumapit sa kanyang kinaroroonan, mula roon sa lab room kung saan naganap ang maraming putukan.
A man crouched beside her, studying her. Sa sobrang panghihina'y hindi niya na matukoy pa kung anong hitsura nito, pero natitiyak niyang lalaki ito base mismo sa pigura nito.
But the moment she heard his voice awakened her heart.
"Hey," sabi nito.
It was Jaycee.
And he was wearing a lab coat.
BINABASA MO ANG
Cyra Must Become a Villain
FantasyCyra spent most of her life trapped in a dark storage room. She was hidden by her Tita Rosanna from the outside world, starved, and abused. All because she was born with ice powers. Wala siyang ibang hinangad kundi ang makalaya sa mala-seldang mundo...