Chapter Fifteen

521 23 4
                                    

There was a short moment of silence when just the dripping of his blood can be heard.

Craig was suspended in his planking position for a split-second, wide-eyed, gurgling and drowning from his remaining breaths, before being subdued by gravity. He fell on top of her.

His weight knocked the wind out of her, and the fear that was stuck in her mouth got out. Nagtititili siya. Tinulak niya patagilid ang katawan nito.

At nang muli niyang makita ang mata nitong sa malayo na ang tingin, ang mga braso nitong hindi na nito naigagalaw, ang hindi nito pagsalita ay lalo pang nagpabigat ng kalamnan niya.

Gusto niyang hilahin ang mga yelo sa loob ng katawan nito sa pag-asang mabuhay pa ito. Gusto niyang ipatong ang kanyang mga kamay sa dibdib nito at subukang pagalingin ito—kahit pa hindi niya sigurado kung may kakayahan ba siyang makagaling.

Parang mga marshmallow na pilit sumisiksik sa utak niya ang bawat naiisip niyang problema at hindi niya na magawa pang makapag-isip nang maayos. Nakatitig lang siya rito. Ang mata'y halos lumuwa na sa kinalalagyan nito.

Sa kabilang side ng pinto ng kanyang kwarto'y maririnig ang sunud-sunod na hakbang ni Tita Rosanna paakyat. Ang bawat yabag ng paa nito'y martilyong pumupukpok sa kanyang ulo. Ang mabibilis na paghatak nito sa mga lock ng pinto'y parang saksak sa kanyang katawan.

Nang bumukas ang pinto'y may saglit na pagkunot sa noo nito, hanggang sa ang reaksyon ni Cyra kani-kanina lang ay tila ba sumanib dito. Pumutla ang mga mata nito at nag-hysteria.

"Anong ginawa mo?!"

Akap-akap lang ni Cyra ang sariling katawan. Ang mga kamay niya'y nakatakip na sa kanyang bibig. Mata'y nagmamakaawa.

She wished to be brought back to her cell. In her mind, she was bargaining her freedom to any higher entity kapalit lang ng pagkabura ng sandaling ito. Anything. She's willing to bargain anything she possesses just to free herself out of this crime.

Lumapit si Tita Rosanna sa kanya at maka-ilang ulit siyang pinagsasampal. Niyanig nito ang kanyang katawan, sinabunot—ni wala man lang pakundangan na mula sa kanilang dalawa'y si Cyra itong mas apekado, dahil siya mismo itong nakasaksi, dahil pangalan niya mismo itong nadungisan. Na sa kabila ng ilang taon niyang pagtatago huwag lang makapanakit ng tao, huwag lang matunton sa krimeng nagawa niya noong siya'y bata pa, heto't isang bangungot na naman ang kinasangkutan niya.

At kung hindi man siya napawalang-sala sa kasalanan niya noon sa kabila ng ilang taon niyang pagkakakulong dito sa bahay nila, pakiramdam niya, matapos nito'y wala na siyang pag-asa pang makawala. Habang-buhay nang nakadikit sa kanya ang dungis ng dugo ng lalaking kanyang aksidenteng napatay.

"Napaka-walang hiya mo talaga! Mamamatay-tao! Mamamatay-tao!" sabi nito. "Bakit ba lahat na lang ng iutos ko sa iyo, hindi mo masunod-sunod? Bakit kailangan mo pang—" Napakamot ito sa ulo at napatalungko. Iminudmod nito ang mga palad sa sariling mukha.

"Pinipilit niya kasi ako..."

"Ngayon ka pa nag-inarte? E halos araw-araw nga kayong nagkakantutan ng lalaki mo?"

"Hindi po totoo iyon."

"Anong hindi? Anong akala mo sa akin, bingi? Dinig na dinig ko ang mga ungol ninyo mula sa sala! Kaya huwag kang pa-inosente riyan!"

"Pero ni minsan hindi naman po ako pinilit ni Jaycee—"

"Iha naman, bakit kailangan pang umabot sa ganito?" singit nito na halatang walang pakialam sa kahit anong kanyang sabihin. "Ipapasok lang naman niya ang ari niya sa iyo, ilang minuto lang itatagal no'n at tapos na." Napahampas itong muli sa noo nito.

"Natakot po ako."

"At sa mangyayari pagkatapos ngayon, hindi ka natakot? Ano nang gagawin natin sa bangkay niya, aber? Paano na lang kung may makaramdam na ilang araw nang nawawala iyang lalaking iyan? Naku naman! Diyos ko! Paano na ako nito?"

Yumukong muli si Cyra.

There's some part of her head that thinks this is just a dream, and she really wanted to believe it, even though it's true, that everything she's seeing and feeling now is hundred percent real.

She was uncomfortable saying the word, but in that moment her mouth was able to enunciate it, "Sorry po."

Nilingon siya nito. "Sorry?"

Dahan-dahan itong tumayo.

"E kung ikaw kaya patayin ko, tapos sabihin kong sorry, okay lang ba iyon sa iyo?" dagdag pa nito.

"Tita..."

"Huwag na huwag mo nga akong ma-Tita Tita. Nanggigil ako sa'yo." Humampas muli ito.

At ang isang iyon ay mukhang kinasabik ng matanda dahil nasundan pa iyon ng isa, at ng dalawa pang muling magkasunod. Ang kamay ni Cyra ay nakaharang lang sa kanyang harapan ngunit hindi iyon sapat. Napapapikit na lang siya. Halos bumilog na nga ang kanyang katawan mula sa pagtiklop niya.

Sa gitna ng pagmamalupit ni Tita Rosanna rito'y isang mabigat na artifact sa pader ang pinagdiskitahan nito at balak sanang ihambalos sa dila.

Cyra didn't know how much it weighed, but from the way Tita Rosanna heaved as she pulled it over her head made her realize that she could be killed once it went down on her.

Nanlaki ang mata niya.

At ang takot na bumabalot sa kanya'y umabot na sa kasukdulan, na nagawa niya muling gisingin ang kanyang natutulog na kapangyarihan.

Binalot muli ng liwanag ang kanyang paningin.

Ang pagbagsak sana sa kanya nung bagay ay nagawang pigilan ng paggapang ng yelo sa braso ni Tita Rosanna.

Napanganga sa nangyari ang matanda. Ang pagsigaw nito'y na-trap sa lalamunan.

The light in Cyra's eyes hadn't vanished yet. And there was something else na nagigising din tuwing nais niyang depensahan ang sarili. It was a desire long kept under. Something dark.

The sight of Tita Rosanna's frozen arm and frightened face brought back Cyra's memory of what happened to the kid na umaway sa kanya noon. And she badly wanted to reenact it. She believed it's something Tita Rosanna deserved.

But as she was about to use her arm as an axe to cut the target, something exploded at the back of her neck. A small blast. Like a beetle dug its way out of her body and was able to snap one of her strings.

Napatingkayad siya, napapikit, at ang katawan ay agad na bumagsak.

Behind her, she could hear Tita Rosanna's panicked screams.

She was drifting. She's not sure if she's dead, but her eyes were fluttering.

Nagtataka siya kung bakit. Bakit sa tuwing abot-kamay niya na ang kanyang tagumpay, pakiramdam niya'y parang may nagbabantay at laging handang pumigil sa kanya.

It was just a product of her imagination, she knew, but as she's about to fall down back in the abyss, she saw a man on a throne watching her, his hands tapping on a remote, as if a thing to control her.

Cyra Must Become a VillainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon