Chapter Nineteen

494 17 6
                                    

Cyra wished so desperately na meron siyang pupwedeng gawin makausap man lang si Jaycee. Pero kahit anong pagmamakaawa niya'y hanggang paghintay lang ang kaya niyang gawin.

Jaycee's long time absence kept worsening her condition. Questions of worry kept on nibbling her brain, some pricking like needles, at kahit pa hawakan niya ang ulo niya bilang suporta'y hindi nito magawa-gawang makaalis.

"Pakiusap, Tita, sabihin niyo na sa akin kung kumusta siya," sabi niya nang minsang pumasok si Tita Rosanna sa kanyang silid na may dalang pagkain. "Kahit hindi na siya bumisita pa rito, basta malaman ko lang na buhay siya."

Masama pa rin ito kung tumingin, gawa ng tangkang pagbalot ni Cyra ng yelo sa kanyang braso noon. Pero dahil nakukulitan na rin ito, wala itong nagawa kundi ang sumagot, "Wala akong alam. Malamang lumayas na iyon o nakahanap ng mas magandang trabaho. Ewan ko. Bahala siya."

But Cyra knew that wasn't the case. Their shared bond was strong at hindi lang iyon basta-basta mapuputol nang mula lang sa alok na mas magandang trabaho. There's something wrong. Hindi ugali ni Jaycee na umalis na lang bigla nang walang paalam. So the only reason she could think of was that something bad had happened to him.

And she might be the one to blame.

Maybe they weren't as clandestine as they thought they were. There might be an enhanced spy equipment na nakakabit sa shower at nagawa pa rin ng mga itong makapakinig sa kanilang pag-uusap, kahit pa ang hina-hina ng mga boses nila, kahit pa hindi hamak na mas malakas pa ang buhos ng shower nila.

Nang lumayas si Tita Rosanna'y ni hindi man lang niya pinansin ang pagkain nitong dala. Kung tutuusin, pang-ilang tray na iyon na may pagkaing hindi man lang niya ginalaw.

She gnawed on her fingers. Ayaw niyang isipin na pinatay na nila si Jaycee, pero may parte sa kanyang isip na nagsasabing posible iyong mangyari—kung ganoon na ito kaseryoso sa pagbanggit ng mga bagay na iyon.

And whenever she's having these thoughts, her powers would turn up like flames ignited. Her cold embrace would radiate, hindi lang sa kanyang silid, kundi sa buong bahay.

She stood and walked near her walls. Ang kamay niya'y humawak sa malamig at walang-buhay na pader. Thin sheens of ice travelled in response. She closed her eyes and searched for the warmth on the other side. Matagal na siyang nakakarinig ng mga ingay mula sa labas kahit pa makapal ang pader ng kinalalagyan niya. At ngayong nalaman niya nang nasa loob siya ng isang test, lalo pa niya silang naririnig. There were at least ten persons outside, hindi niya alam kung gaano kalapit o kalayo, pero dama niya ang bawat kilos ng mga ito, ang mga mabibilis nilang pag-type sa keyboard, ang mga salita nilang hindi niya maintindihan. Some she guessed were observing her. But she can't see their faces. All she could do is feel and guess.

If she's worried this much for Jaycee's condition, there's only one way to know—and that is to get out of the house.

Nagtungo siya sa pintuan ng kanyang silid. Madalas nila-lock ni Tita Rosanna ang pintuan niya mula sa kabilang side—but with her powers more alive than ever, she knew she could easily crack the locks. Ipinatong niya lang ang kanyang mga kamay sa susihan nito, pinadaloy ang kanyang lamig ng ilang segundo, hanggang sa mag-crack ito nang kusa.

Humingal siya saglit pagkatapos.

Her original plan was to burst towards the main door of the house in the same way she did to her cell door. Pero dahil ilang araw na rin niyang napabayaan ang kanyang sarili, mukhang hindi niya ito maisasagawa. She thought of using Tita Rosanna's keys instead. Hindi man niya alam kung saan nito tinago ang mga iyon, pero kung kinakailangan niyang takutin ito para lang makuha iyon ay gagawin niya. Sawa na siyang mabulok sa kanyang kulungan nang nakatunganga.

Umakyat siya papuntang sala at kataka-takang wala ang Tita niya roon. Nakakapanibago ang katahimikan ng paligid, na tila ba solo lang niya ito. Pero ilang saglit din ay napatingala siya nang makarinig ng kaunting ingay galing itaas.

Inakyat niya ito at nakita ang Tita mula sa maliit na siwang sa bukas nitong pinto. Nakaharap ito sa laptop at may kausap na dalawang bata—isang lalaki at isang babae.

Ang isa pang tila bihirang mangyari ay ang marinig ang Tita niyang humihikbi. "Magpakabait kayo mga anak, ha? Malapit na ring matapos ito. Makikita ko na rin kayo."

Kumunot ang noo ni Cyra.

Anak?

Pagkakaalam niya'y wala itong kahit anong anak o asawa. Na kaya ito ang pinili ng kanyang Papa na umalaga sa kanya ay para magsilbing katuwang na rin sa buhay, dahil solo lang ito.

Pero sa naririnig niyang bait sa tono nito'y hindi niya mapigilang maniwala, na baka totoo nga itong kanyang nasasaksihan. So does it mean, niloko lang siya noon? Napakapit siya sa kanyang noo. May kahit anong totoo pa ba sa mga nalalaman niya noon? O lahat lang ba ng mga iyon ay kasinungalingan lang?

"Mama may tao oh," sabi nung bata sa screen at nakaturo sa direksyon ni Cyra.

Napasinghap si Tita Rosanna nang matanaw si Cyra. Tumayo ito at nagmamadaling sumugod. "Anong ginagawa mo rito ha? Paano ka nakalabas?"

Ang kamay nito'y mahigpit agad na humawak sa kanyang braso.

"Sino sila?" sabi niya.

"Wala kang pakialam!" Tinulak siya nito. "Dali. Bumalik ka na roon sa kwarto mo."

Ngunit hindi siya nagpatinag. Ang muling pagtangkang pagtulak sa kanya ni Tita Rosanna'y hindi man lang nakapagpagalaw sa kanya.

"Aba't nagmamatigas ka na ngayon ha?" sabi nito.

"Lahat ba ng mga nalalaman ko noon, puro kasinungalingan lang?"

Humalukipkip ito.

Ngunit imbes na sumagot, iba ang sinabi nito, "Ano bang kailangan mo? Bakit ka lumabas? Bakit ka umakyat dito?"

"Gusto kong lumabas ng bahay."

Pasinghal na natawa ang Tita niya. "Hanep ka talagang bata ka 'no? Wala ka nang kadala-dala. Gusto mong lumabas? Sige, ito oh." Ihinagis nito sa kanya ang mga susi ng pinto. "Malaya ka na."

Buong pagtataka niyang tinitigan ang susing nasa kanyang harapan. She might not be academically smart, but she knows there's something off. She stared at the offered keys as if they were bombs.

But after a few self-questionings and a few urges from Tita Rosanna, yumuko siya at dinampot ang keyring saka nagmadali sa pagbaba ng hagdan.

Nasa tapat na siya ng pinto nang humabol sa kanyang likuran ang Tita niya.

"Kung ang dahilan ng pagtakas mo ay ang paghanap sa pinakamamahal mong lalaki, magsasayang ka lang ng panahon," sabi nito. "Wala na siya, iha."

Nanigas ang kanyang katawan.

Para itong panang tumagos sa kanyang kalamnan.

Nilingon niya ito upang makumpirmang iyon nga ba talaga ang kanyang narinig, at kung hindi ba ito nagsisinungaling. At nang makita niya ang seryoso nitong mukha, hindi niya mapigilang mapa-iling.

Bumuntung-hininga si Tita Rosanna. "Sinasabi ko na sa'yo, Cyra, wala na siya... dahil pinatay ko na siya."

Cyra Must Become a VillainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon