Chapter Sixteen

497 23 1
                                    

Cyra whimpered when someone opened her cell door. Para siyang bampirang takot sa liwanag at gumapang papalayo hanggang sa marating ang dulo ng kanyang silid.

Even though the one who entered was Jaycee, hindi nawala ang takot niya. The tragedy that happened had scarred her, to the point na lahat ng makita niyang gumagalaw ay sinisigawan niya.

Hindi niya alam kung kanino mas matatakot—kung kay Tita Rosanna ba na nagtangkang patayin siya o sa sarili niyang minsa'y nawawalan ng kontrol.

Seeing Jaycee's face made her burrow her head on her knees. She's afraid of triggering her powers again. She's afraid that imagining Craig's dead body, with icicles protruding from his chest would allow the same thing to happen again. Hindi niya iyon kakayanin. Kaya't hangga't maaari ay ayaw niya itong makita.

"Please, lumayo ka sa akin," sabi niya. "Delikado."

Hindi nagpatinag ang binata at dahan-dahan itong lumapit sa kanya.

"Ano ba?" sabi niya. "Hindi mo ba alam kung anong kaya kong gawin?"

"Alam kong hindi mo ako masasaktan."

"Kahit na. Hindi mo rin masasabi. Paano kung mabigla ako?"

Hinila siya nito at niyakap. "Trust me, there's nothing to worry about. We'll be fine. You'll be fine."

On the corner of the room lies the dead body of Craig na nakasilid sa isang itim na body bag. Si Tita Rosanna ang nakaisip na ilagay iyon doon para raw walang ibang makakita. Mas kaduda-duda raw kasi kung paghuhukayin nito si Jaycee sa may likod-bahay. Mas madali lang din mahahanap ang bangkay.

That's what she said. Pero duda rito si Jaycee. Alam niyang may ibang dahilan kung bakit sa storage room nito binalak ilagay ang bangkay nung lalaki, at iyon ay para magsilbing parusa kay Cyra, para magtanda ito sa paggamit ng kapangyarihan.

"Umalis na tayo rito," sabi ni Cyra. "Ayoko na rito."

Hinarap siya ni Jaycee nang bagsak ang mukha.

It's the first time Cyra said something different after a week of the incident. Ang madalas niyang sabihin ay mamamatay-tao siya at dapat daw siyang parusahan.

"Cyra, alam mo namang hindi pwede."

"Pero ayoko na talaga! Hindi na ako nakakahinga. HIndi na ako makatulog. Pakiramdam ko mamamatay na ako kapag magtatagal pa ako rito."

Jaycee rubbed his hands on her elbows, but he knew that it wasn't enough to calm her down.

Cyra went on, "Pwede tayong tumakas kapag tulog si Tita. Kaya kong maglakad nang tahimik, kapag magising man siya, kaya ko siyang patigilin gamit ang yelo ko. Paninigasin ko ang mga paa niya."

"At saan naman tayo pupunta? Remember, Cy, it's more dangerous outside."

"Para sa'yo," klaro niya. "Para sa akin mas gugustuhin ko pang nasa labas ako kaysa mabulok dito habang-buhay. Kahit mahuli nga ako ng iba, okay lang sa akin."

"You can't be saying that."

"Seryoso ako."

The room went still with them just staring.

Until Jaycee looked away, sighing. "But we could also stay here," sabi nito.

"Hindi mo ba ako narinig? Ayoko na nga rito."

He faced her and held her arm tight. "No, Cy. We could stay here... nang tayong dalawa lang."

Kumunot ang noo ni Cyra.

"Posible ba iyon?" sabi niya. "E hindi rin naman lumalabas ng bahay si Tita."

"Iyon na nga. Wala namang magtataka kung wala nang makakita sa kanya dahil hindi nga naman talaga siya lumalabas. Iyong Papa Isidro mo, pwedeng magtanong, pero pwede naman tayong mag-alibi."

"Hindi ko maintindihan. Anong gusto mong iparating?"

Napahinga ito nang malalim.

"Tutal ni isang beses ay hindi naman siya naging mabuti sa'yo 'di ba? Why not, do the same thing you did to Craig to her?"

Nahinto siya sa paghinga, ang mukha'y naubusan ng kulay. "Gusto mong patayin ko ang Tita ko?"

"Shh—" Tinakpan ni Jaycee ang kanyang bibig. "Don't say it like that. Patutulugin lang natin siya nang matagal na panahon sa pamamagitan ng pagbalot mo sa kanya sa yelo."

"Hindi ko kayang gawin iyon. Tita ko siya."

"Yes, I know. Pero masasabi mo pa bang Tita mo siya sa kung paano ka niya maltratuhin?"

"Inalagaan niya ako! Kinupkop, pinakain."

Umiling-iling si Jaycee. "That's the problem, Cy. She made you think that para hindi mo tangkaing lumaban sa kanya, para matakot ka lang at makapagpatuloy siya sa pang-aalipusta sa iyo."

"Pero gusto mong patayin ko siya," sabi niya, ang mukha'y parang bibiyak, "papaano mo naiisip ang ganoong bagay?"

Napabuntung-hininga na lamang si Jaycee at napahawak sa mukha.

"Hindi ko akalaing ihihiling mo iyon sa akin," sabi niya.

"No, I wasn't asking you to do that because I was a bad person, I said that because it might be our best option to survive kung gusto mong tumagal tayo nang magkasama. Dahil sa labas, malabo ang pag-asa nating dalawa."

"Ano ba kasing totoong tinataguan mo? Tinanong ko minsan si Tita Rosanna tungkol dito pero wala siyang alam tungkol sa pagiging kalaban mo ng gobyerno."

His face froze. "Iyon ang sabi niya?"

"Oo."

He swallowed.

"Sabihin mo sa akin ang totoo, Jaycee. Alam kong may tinatago ka pa sa akin."

His thumb circled on her shoulders. "Do you trust me?" tanong nito.

She spent a split-second of hesitation.

But then she nodded.

"Then continue on trusting me, okay?"

Duda man, pero walang ibang magagawa si Cyra. Tutal tanging si Jaycee lang naman itong totoong may pake sa kanya.

Cyra Must Become a VillainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon